CHAPTER 52 : Utos ko

4.8K 70 5
                                    

After two years...


Crizzel's P.O.V


Katatapos lang ng college graduation namin at sabay-sabay kami ng pamilya ko papunta a company party. May party daw kasi para saming dalawa ni Migz bilang mga graduate student na. Ideya ng mama ko 'to kaya hindi matanggi si tito tsaka si papa.


Mismo nga ako at si Migz hindi makatanggi eh.


"Waaaaah!!!" sigaw ko ng makita ko yung mga barkada ko, kumpleto kami ngayon!!!!


Kasama rin nila yung mga magulang nila, siguro inimbitahan ni mama.


"Hello po." bati ko sa mga nanay-tatay nila.


"May magpo-propose daw ngayon, totoo ba yun?" bulong ni Angel sakin.


"Sabi nga nila meron daw. Pero paniguradong business proposal lang yun. Tara pasok na tayo, medyo gutom na ko eh." suggestion ko


Pumasok kaming lahat at sama-sama kamig barkada sa iisang table, ang ingay nga namin eh! Si Randel kasi pasimuno. Hahahahaha.


Teka nga, ang saya ko na masyado. Nasaan ba si Migz?


Magtatanong na sana ko ng biglang may tumugtog na music na mas malakas kaysa sa kanina.


"Hala ayan na yung cue natin!" sabi ni Faith at nagpunta silang lahat sa harapan.


"Uy saan kayo pupunta? Sasama ko!" papunta na ko sa kanila ng bigla akong pinigilan ni Nelo.


"Stay there." sabay turo sa upuan ko kanina.


Tumingin ako sa mga magulang ko pero bigla silang umiwas ng tingin, ganun din si tito. Ano bang nangyayari?


Pinanood ko yung barkada na sumasayaw na ngayon sa harapan, halata naman na hindi makasunod si Jam at si Christoff naman ay hindi makakembot. Seriously? Bakit nila ginagawa 'to? Alam naman nilang hindi sila magagaling sumayaw.


Kinakain na ko ng kahihiyan ko ng biglang lumapit sakin si Nelo at dinala ko sa harapan na gusto ko sanang puntahan kanina. Patuloy lang sila sa pagsayaw at ako naman ay parang tanga na nakatayo sa gitna.


"Guys bakit niyo pa ko dinamay sa kahihiyan na 'to?" tanong ko pero ngumiti lang silang lahat sakin. Aba ayaw akong sagutin!


Patuloy lang talaga sila sa pagasayaw hanggang sa gawin nila yung step na parang nag-slide sa magkabilang gilid para bigyang daan yung dadaan sa gitna. Basta ganun.


Nakita ko yung isang lalakeng naka-tuxedo at may harang ng bouquet ng bulaklak sa mukha, halata namang si Migz yun.


Deep inside me, gustong-gusto ko ng tumawa pero mukhang hindi ata bagay sa sitwasyon ko ngayon.

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon