CHAPTER 55 : Wedding vows

5K 68 4
                                    

Z/N: Crizzel wearing her white wedding dress.

========================================


Crizzel's P.O.V


"Anak bumaba ka na ng sasakyan." sabi ni mama na nasa labas na ng kotse


Huminga muna ako ng malalim at lumabas na ng sasakyan, dahan-dahan pa ko dahil baka matapakan ko yung mahabang white gown na suot ko.


"Hindi na baby ang baby natin." biro ni papa


Maluha-luha kong nilagay ang kamay ko sa braso ni papa. Tama siya, ngayong araw na 'to, hindi na ko baby, hindi na ko titira sa iisang bahay kasama sila. Magiging misis na ko ng taong pinakamamahal ko.


Tumayo kami sa harap ng malaking pintuan ng simbahan at unti-unti itong binuksan, hudyat na lalakad na ko papuntang altar.


Sa magkabilang gilid ay makikita mo yung mga kaanak namin, mga kaibigan at maging yung mga taong naging dahilan ng pagtatalo naming dalawa. Kumaway sakin ang cute na babaeng anak ni Sarah, samantalang si Drew naman ay tahimik na nakatingin sakin habang nakangiti.


At sa kabilang dulo ay si Migz na nakasuot ng puting tuxedo. Nakatingin lang siya sakin na parang kami lang yung tao sa simbahan. Mas lalo tuloy lumakas yung pintig ng puso ko, gusto ko ng pumunta sa kaniya!


"Alagaan mo siya, Migz." mga salita ni papa bago niya ibigay yung kamay ko kay Migz.


Ito na. Magsisimula na ang pinakahihintay kong event sa buhay ko. Nakaupo na kaming dalawa sa upuan habang magkahawak ang kamay.


Hanggang sa dumating na ang puntong susuotan niya na ko ng singsing na paniguradong kahit kailan ay hindi ko na huhubarin.


"Kinakabahan ako..." bulong ni Migz pero narinig ng buong simbahan dahil may microphone na nakatutok sa kaniya.


Sasabihin niya kasi muna yung wedding vow na sinulat niya bago niya ko suotan ng singsing.


"Ngayon ka pa talaga kinabahan ah." pabiro kong sabi sabay ngiti sa kaniya para mabawasan yung tensyon na nararamdaman niya.


Akala ko ay may papel siya o kodigo para sa wedding vow niya pero nagulat ako ng wala siyang nilabas na kahit ano. Tumitig lang siya sa mga mata ko at nagsimulang magsalita.


"I, Migz Lim, choose you to be my weakness and my strength. I will respect and honor you always and in all ways. When our road becomes difficult, expect me to hold your hand and uplift you. I promise to work at our life and always make you a priority in my life. I love you not only for who you are but for what I am whenever i'm with you. I take you to be my wife, to have and to hold, in tears and in laughter, in sickness and in health, from this day forward, in this world and the next. I will always love you, baby."


Sinuot niya yung singsing sa nanginginig kong kamay. Hindi ko mapigilan yung iyak ko dahil sa mga sinabi niya. Gusto kong ngumawa dahil hindi ko akalain na sobrang romantic ng vow niya. Akala ko hindi ako iiyak nung sinabihan niya ulit ako ng 'i love you' pero waaaaaaah!!!! Di ko kayang tiisin!


Sa akin na ngayon nakatutok ang microphone at hinihintay ni Migz yung wedding vow ko. Kailangan kong tumahan para masabi ko ng maayos.


Wala rin akong kodigo dahil akala ko madali lang magsalita sa harap niya sa ganitong sitwasyon. Sana pala nagsulat man lang ako para may reference. Nanginginig na ko! Hindi ko alam yung dapat kong sabihin. Saan ba pwede magsimula?


"Hi...Migz." panimula ko


Natawa yung mga bisita pati si Migz dahil sa sinabi ko. Hirap na hirap na nga po ako dito oh!


"Hi din Crizzel." pang-aasar ni Migz


Argh! Matapos akong pakiligin kanina, inaasar niya na ko ngayon!


"I don't know how to start." halos pabulong ko ng sabi


Pumikit muna ko para pakalmahin yung sarili ko. Habang nakapikit ako ay inaalala ko yung mga panahon kung paano kami nagsimula. Binalikan ko yung pinakasimula kung saan magka-iba pa yung pamantayan namin sa pag-ibig. Alam ko na kung ano yung sasabihin ko!


Huminga ako ng malalim at binuksan yung mga mata.


"You're a casanova and i'm just an ordinary girl. You have a lot of girls in your past while me, you're my first ever boyfriend. We have a lot of differences but I, Crizzel Gomez, choose you to be my partner in forever. Take this ring as a reminder of our love story with no such thing as ending. I love you without any condition, I love you without any standards, I love you without knowing how, when or where. Baby, I want you to know that there will always be a part of me that loves you no matter what you do. " sinuot ko sa kaniya yung singsing at hanggang ngayon nanginginig pa rin yung kamay ko.


Si Migz naman ay umiiyak na dahil sa mga sinabi ko. Nakakaiyak pala talaga yung part na 'to. Pero aaminin ko, ang saya sa pakiramdam na masabi mo sa kaniya na sobrang mahal na mahal mo siya.


 "I now pronounce you husban and wife. You may now kiss the bride." sabi nung pari na hudyat para sa huling seremonya ng kasal.


Humarap sakin si Migz at dahan-dahan niyang itinaas ang puting belo na nakatakip sa mukha ko.


Ngumiti muna siya sakin at ang kasunod nun ay yung matamis niyang halik. May katagalan nga yung halik niya pero hindi na ko nagreklamo, gusto ko rin siguro. Teka...bakit parang iba yung tunog ng pagkakasabi ko nun?


Pagkatapos ng halik ay nagsimula muli si Father,


"Ladies and gentlemen, I present to you Mr. and Mrs. Lim"


Mrs. Lim~ Ang sarap pakinggan~

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon