Crizzel's P.O.V
3 months ng nanliligaw si Migz sakin at plano kong, ngayong araw, na sagutin siya. Nasabi ko na kila mama yung gusto kong gawin kaya wala ng magugulat mamaya, si Migz lang xD
*brrrrr*
Ahhh, nagugutom na ko! Hindi pa ko nagsusuklay, bihis, o kahit mumog nung bumaba ako. Normally naman, si mama ang naabutan ko sa kusina tuwing weekend eh.
"Oh anak, goodmorning!" bati ni mama sakin. Dumiretso ako sa ref para kunin yung freshmilk pagkatapos ay sa cabinet para kunin ang cereal. Light muna dapat ang pagkain tuwing umaga~
Umupo ako sa paborito kong upuan at medyo papiki-pikit pa ko. Inaantok pa rin ako pero uunahin ko muna yung tiyan ko~ nagugutom na ko eh~
"Goodmorning~" boses ni Migz. Hay nako, Nananaginip pa ata ko~
Tinaas ko yung buhok ko gamit ang pamusod na nakalagay sa kamay ko. Minulat ko ng maayos yung mata ko at—-O_O
"Kanina pa sila nandito." sabi ni mama at bumulong sakin "Sabi mo kasi, ngayon mo siya sasagutin diba? Kaya pinapunta namin ng papa mo."
HUH?! Naman eh! Nakakahiya yung hitsura ko oh! Ngayon natuto na ko, hindi ko na sasabihin sa magulang ko yung plano ko kasi pinangungunahan lang nila -_-
"Goodmorning po tito Michael." nahihiyang sabi ko at awkward na ngumiti.
Sa huli ay pinagpatuloy ko yung pagkain ko at ng matapos na ko ay nagpaalam na kong umakyat sa taas. Nasa hagdanan na ko ng maalala kong may nalimutan pala ko. Si Migz.
"Tara~" I mouthed. Pumunta siya sakin at umakyat kami sa taas.
"Sabi sakin ni papa, pumunta daw siya dito kasi may pag-uusapan daw sila ng mga magulang mo. Di ko nga alam kung bakit niya ko pinasama eh." clueless na sabi nito at napapakamot pa ng ulo. Pumunta kami sa terrace.
Kung alam niya lang na pinapunta siya dito kasi sasagutin ko na siya ^_^
"Bakit?" tanong nito sakin
"Huh?"
"Bakit ka nakangiti?"
"H-hindi wala lang. Maghintay ka lang diyan ah."
Dumiretso ako sa kwarto ko para kunin yung laptop at gitara.
"Oh" inabot ko yung gitara sa kaniya " Para naman may pagka-abalahan ka habang nagda-download ako ng mga kantang bago ngayon."
Kahit na alam kong nawi-weirduhan siya, kinuha niya na lang yung gitara at umupo katabi ko. Actually, hindi ko lang kasi talaga alam kung pano ko sasabihin na "Migz, Oo! Sinasagot na kita!"
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.