Crizzel's P.O.V
Napakaganda ng bride na si Tita Shiela. Ngayon magiging Lim na ulit ang last name niya~ Parang mas naiiyak pa ko kaysa kay Migz nung nagpalitan sila ng vows. Ang sweet at sobrang romantic!
"Zel try mo masarap 'to." sabi ni Faith at inalok sakin yung onion rings. Bigla ko namang naramdaman na nasusuka ko.
Mabilis akong pumunta sa banyo at sinuka ko lahat. Buti nga at hindi ako sumuka kanina habang naglalakad ako bilang maid of honor eh. Nasa reception na kami ngayon ng kasal at medyo thankful na rin ako dahil ngayon lang ako nakaramdaman ng pagsusuka.
Pagkabalik ko sa table namin ay masama na yung tingin nila lahat sakin, si Migz naman pinipigilan yung tawa sa gilid.
"Bakit?" tanong ko
"Kailan niyo ginawa?" -Avy
"Saan niyo ginawa? Sa kama, sala, kusina o sa banyo?" -Randel
"Lalake ba?" -Angel
"O baka naman babae?" -Faith
"Sana lalake!" sabay na sabi ni Christoff at Oliver, tapos nag-apir pa sila.
"Maganda rin babae!" sabay naman na sabi nila Nelo at Jam at nag-apir din sila.
"Cute kapag girl, ako mamimili ng shoes and pink dress!" excited na sabi ni Daphnie
Nilingon ko si Migz na tawa na ng tawa ngayon.
"Hindi ako buntis, hindi pa namin ginagawa yung nasa isip niyo. Kumalma kayo guys!"
Umupo na ko pero sunod-sunod pa rin yung tanong nila kung bakit daw ako nagsusuka.
"Ang totoo kasi niyan kaninang umaga, nakakain si Crizzel ng expired na cholate—hahahahaha—syrup." paliwanag ni Migz pero parang nang-aasar siya eh.
Sumunod din sa pagtawa yung barkada. Hayaan niyo na sila. Ganyan yung mga yan, gusto lagi may source of laughter.
Nang natapos na yung reception ay kasabay ko si Migz pauwi. Wala naman akong choice. Fiancee ko na eh.
"Ah Migz ihinto mo." sabi ko
"Baby kung galit ka sakin dahil sa ginawa ko kanina, sorry na. Hindi ko kasi mapi—"
"Magsa-submit ako ng resume sa restaurant na yan kaya ihinto mo na."
Mukhang natauhan naman siya kaya hininto sa tabi yung sasakyan. Sa restaurant kasi na'to ako magtatrabaho, ang may-ari nito ay yung girlfriend ni kuya na si Ate Charm kaya dito niya ko ni-reccomend.
Pagkatapos kong ipasa ay lumabas na rin ako, baka galit na yung lalakeng naghihintay dun sa labas.
"Kamusta?" tanong niya
"Ayun, hihintayin ko na lang yung tawag nila sakin."
Nagmaneho na ulit siya at hinatid ako sa bahay.
"Baby maaga kitang susunduin bukas ah, sisimulan na natin yung paga-asikaso sa kasal natin." pagre-remind ni Migz.
"Roger!"
"Baby..."
"Mmm?"
"Sorry dun sa kanina, naging laughing stock ka tuloy ng barkada kanina."
Asus yun lang pala.
"Wala yun. Hayaan mo, makakaganti rin ako sayo."
"Baby..."
"Mmm?"
"Ilan gusto mong baby?"
Muntikan na kong matawa sa sinabi niya. Kaya ba tahimik siya sa biyahe namin dahil yan yung nasa isip niya?
"Dalawa."
"Konti. Borning nun baby."
At ilan ang gusto niya? Parang football team? Ganun ba?
"Mga four babies, okay na ko." nakangiti pa siya sa kawalan ng sinabi niya yun
Napahawak ako sa tiyan ko ng di oras. Four? Medyo marami yun ah.
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.