CHAPTER 26 : Love

6.1K 80 5
                                    

Migz's P.O.V


Tinigil ko yung kotse sa gilid. Dun sa parteng hindi mapapansin. 


"Ayan na~Palabas na si Crizzel!" excited na sabi ng kasama ko -_-


"Migs ayan na, ayan na—-" 

"Oo na Angel. Nakikita ko namang palabas na siya eh."


Lumabas na ng kotse si Crizzel pero nung malapit na siya sa gate nila ay biglang labas naman ni Nelo, na nagmamadali. Naman oh! Ano pa bang gusto ng lalaking 'to? Nahatid niya na nga sa bahay oh!


Mukhang seryoso silang nag-uusap at wala naman kaming magawa ni Angel kung hindi maghintay ng mga susunod na mangyayari.


Hanggang sa...


Nilalapit na ni Nelo yung mukha niya...


*BEEEEEEEEEEEP*


Pinindot ni Angel yung busina ng sasakyan ko kaya naman nagulat yung dalawa...pati ako.


"Labas. Kunin mo yung dapat na sayo." maliwanag na utos niya sakin at pinagtulakan ako palabas ng sasakyan.


"M-migz?" -Crizzel


"Ako nga."


"A-anong ginagawa mo dito?" gulat pa rin siyang nandito ko. Hindi ko alam kung bakit, dahil ba hindi niya alam? O dahil alam niyang nakita ko yung pagp-PDA nila ni Nelo?


"Kayo...anong ginagawa niyo?" 


pinipilit kong pigilan yung sarili ko para hindi ko masuntok si Nelo at para hindi makagawa ng gulo pero tuwing tinitingnan ko silang dalawa, mas lalong umiinit yung ulo ko!


"Magpa-paalam lang si Nelo sakin."


"Paalam?" Hinarap ko si Nelo at malakas ko siyang sinapak, dahilan para mapahiga siya sa sahig! Sorry Crizzel pero kanina ko pa talaga gustong gawin 'to. 


Angel's P.O.V


Napalabas ako ng sasakyan ng suntukin ni Migz si Nelo! Sh.t naman Migz! Crush ko yung sinaktan mo oh! Palapit na sana ko kaso...tumigil ako ng makita ko si Crizzel na pinuntahan si Nelo. Oo nga naman, sa panahong ganito, ang gusto lang ni Nelo na tumulong sa kaniya ay si Crizzel. Bakit ba kasi ako ume-epal? Alam ko namang wala kong pag-asa kay Nelo.


"Migz ano ba! Ano ba sa tingin mo yung ginagawa mo?!" Galit na sabi ni Crizzel kay Migz. 


"Ikaw, ano sa tingin mo yung ginagawa mo? Makikipag-halikan ka sa taong yan?!" 


The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon