CHAPTER 42: Partner

5.1K 51 4
                                    

Crizzel's P.O.V


Maaga kong nagising para dalhin sa school yung mga flower designs. Tinext kasi ako nung president namin nung isang araw na kung pwede ay gumawa ako ng bulaklak. At dahil wala kong choice, ginawa ko na. Nakakatakot kasi talaga yung president namin, utos kung utos.


"Ang ganda naman nito!" sabi ung secretary namin habang tinatanggal sa supot yung mga bulaklak na ginawa ko.


Nakisali din ako sa pagdikit-dikit ng ibang design sa main stage na gagamitin. Mukhang maganda yung prom namin, nae-excite na tuloy ako. Ini-imagine ko kasing dito sa main stage na'to kami magsasayaw ni Migz habang tumutugtog yung paborito kong kanta.


Hay~


"Crizzel yung phone mo kanina pa nagri-ring!"


Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at sinagot. Istorbo naman eh!


"Hello faith bakit?"


Si faith kasi yung tumawag.


"Lumabas ka na diyan. Nandito kami sa front gate!"


"Kami? Sino kasama mo? Tsaka may ginagawa pa ko—"


"Lumabas ka na diyan kung ayaw mong agawin ko si Migz sayo!" -sigaw ni Randel


So si Randel pala yung kasama niya.


"Napag-paalam ka na namin sa president niyo. Lumabas ka na diyan!" -avy


Aba at magkakasama ang tatlo? Ano bang meron? Tsk. Porket prom? Nagpaalam na lang ako sa council at pumunta na sa labas. Naabutan ko silang kinakausap yung guard. Weird. Parang dati lang ayaw na ayaw nila sa gurad namin ah.


"Uy zel!" -Faith


"San tayo pupunta?"


"Dun sa parlor. May kilala kong bakla dun, magaling na make-up artist! Tara dali, try natin yung talent niya sayo!" hinatak ako sa kamay ni Randel at sa kabila naman ay si Avy.


"Ayoko guys! Wala kong pambayad!" pagpupumiglas ko


"Don't worry. May nagbayad na sayo." sabi ni Avy at tinuloy ang paghaltak sakin palabas ng school.


Faith's P.O.V


Pagkalabas namin ng school ay nagtext agad ako kay Migz.


"Ayos na. Papunta na kami dun sa salon na sinabi mo. Mukhang umaayon naman sa plano mo ang lahat."


"Yun! Thanks faith. By the way, kamusta yung pakikipag-usap niyo sa guard? Pumayag ba?"

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon