CHAPTER 38 : Forgiveness

5.3K 67 8
                                    

Crizzel's P.O.V


Nauna kong pumasok sa classroom kasi pinatawag ng principal si Migz. Hindi ko rin alam kung bakit eh.


"Ms. Gomez, samahan mo ko sa faculty." utos ng teacher namin pagkatapos ng klase. Nagpabuhat lang naman siya ng gamit at magaan lang kaya hindi na rin ako nagreklamo. Pagkalabas ko sa faculty room ay saktong labas naman ni Migz sa principal's office. Mukhang badtrip siya at hindi niya ko napansin sa gilid niya.


Hanggang sa iba naming klase ay hindi siya kumikibo. Ano na naman kaya yung problema?


"Ma'am, may I go out?" sabi ko sa teacher ko at nagpunta ko ng CR. Habang naglalakad ako, iniisip ko kung bakit kaya parang sirang-sira yung araw ni Migz? May nangyari kaya sa office?


"Aray!"


Nako! Kakaisip ko, may nabangga na pala ko!


Tinulungan ko siyang makatayo at nag-sorry agad ako.


"Gomez yung last name mo? Hindi kaya ikaw si Crizzel Gomez?" sabi ng babae ng makita yung nasa upper left chest ko. Kasi nga yung uniform namin ay may nakaburdang last name namin at may initials ng Middle and First name.


Bakit niya ko kilala?


"Ah...opo ako si Crizzel Gomez."


Bigla niya kong niyakap ng mahigpit at sinabing "Thanks for loving my son."


Son? Hindi kaya...


"I'm Shiela Javier. Mommy ni Migz. Nice meeting you~"


"P-pano niyo po nalaman na may relasyon kami ng anak niyo?"


"Naku-kwento ka kasi ni Angel sakin."


Kaya pala. Pero teka lang, badtrip si Migz diba? At alam ko yung nangyari sa kanila dati. Hindi kaya yung mommy niya yung dahilan kung bakit siya nabadtrip?


"Hija, can I ask you a favor?"


Tumango ako


"Pwede bang pilitin mo si Migz na makipag-usap sakin? For sure sayo lang siya makikinig. Sana matulungan mo ko."


Mukhang sincere naman yung mommy ni Migz kaya hindi ako makatanggi. Pumayag ako sa gusto niya at nagpalitan kami ng number para ma-update ko siya.


Nang uwian na namin, kinausap ko si Migz.


"Mag-date tayo." matapang kong sabi


"Kailan?"

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon