Crizzel's P.O.V
Nagmadali akong nag-ayos ng gamit ng sabihin ni mama na may naghihintay daw sakin sa baba. Baka si Migz na yun!
Sorry, mukha kong excited pero kasi nung mga nakaraang araw, sobrang busy na naming dalawa. Hindi niya na ko magawang ihatid sa university namin kasi may thesis siya ngayon at tuwing dismissal naman, dumidiretso na ko sa trabaho ko. Maraming salamat lang din talaga sa cellphone at sa unli load!
Pagkabukas ko ng gate ay ibang hitsura yung nakita ko. Hindi si Migz.
"Hi...Drew." bati ko
"Sorry. Mukhang iba ata yung inaasahan mong maghahatid sayo."
Ganun ba ka-obvious?
"Uhm...ihahatid mo ko sa school diba? Tara na, baka malate pa tayo." pag-iiba ko sa usapan.
Pagkarating namin sa university ay naghiwalay na kami ni Drew. Sa ibang building kasi siya. Sa buong biyahe namin kanina, medyo nagi-guilty talaga ko. Paano kasi parang napakasadista ko sa nararamdaman niya.
Pero hindi ko rin kasi maiwasan kasi siyempre...may boyfriend ako. Malamang na si Migz yung hanapin ko kaysa sa kaniya diba? Argh!
Feeling ko tuloy, napakaganda ko kahit hindi naman talaga.
"Oy babae, buntis ka ba?"
Napahawak ako bigla sa tiyan ko dahil sa sinabi ni Randel sa tabi ko.
"Buntis ka nga?" pag-uulit niya.
"Hindi ako buntis, parang sira 'to."
"Oh hindi naman pala eh. Bakit parang daig mo pa yung namomrobleng buntis diyan sa tabi?"
"Wala. Tara na nga baka malate pa tayo."
Naglakad na lang kami ni Randel paunta sa una naming klase ngayong araw. Sa barkada, kami lang ni Randel ang blockmate. Buti nga naging magka-block kami eh, at least hindi ako masyadong nahihirapan.
Nung lunch break namin ay tinext ako ni Drew na sabay na daw kami, hindi ko naman matanggihan kasi sobrang bait niya sakin.
"Sasabay daw si Daphnie satin. Tapos after 10 minutes, makiki-join din si Migz tsaka si Faith." sabi ni Randel habang binabasa yung text sa phone niya
Patay. After 10 minutes, pupunta si Migz. Pano kung mag-abot si Drew tsaka si Migz sa iisang table, maga-attitude na naman yung boyfriend ko. Pano na 'to?
"Buntis ka na naman." ayan na naman tayo sa term ng baklang kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.