Crizzel's P.O.V
Habang nasa kotse kami papuntang airport ay nagtext si papa sakin. Sabi niya wag na daw namin sunduin si Tito, dumiretso na lang daw kami sa welcome party.
"Migz"
"Mmm?"
"Dumiretso na daw tayo sa company." nakapout na sabi ko. Pano kasi bigla-biglang binabago yung mga isip nila. Mga adults nga naman.
"Ano ba yan! Kung kailan malapit na tayo sa airport oh!" see? nainis din si Migz. Sayang kaya sa gas yun.
[welcome party]
Ahm...hindi ata ko bagay sa party na'to.
"May problema ba?"
Sobrang laki ng problema.
"Kasi...formal attire pala dapat. Tapos ako nakaganito..." tumingin ako sa damit na suot ko. Maong pants at isang black v-neck shirt. Nasaan ang formality sa suot ko?!
"Tara dun tayo!" hinawakan ni Migz yung kamay ko at pumasok kami sa isang kwarto na puro damit.
"Tumalikod ka lang saglit. Sasabihin ko pag okay na." utos niya at parang may plano siyang gawin. Ano naman kaya yun? "Okay na. Pwede ka ng humarap."
Pagkaharap ko ay iba na yung suot niya. Katulad ng akin, naka-maong pants at black v-neck shirt rin siya. Napangiti ako sa ginawa niya. Bagay pa rin kasi sa kaniya kahit na napaka-simple lang ng damit.
"Di ka na nag-iisa."
Lumabas kami ng kwartong yun at pumasok sa party na parang napaka-formal ng attire namin. Alam ko, pinagtitingnan kami kasi hindi kami sumunod sa rule. Pero mas okay na'to kaysa naman sa walang suot diba?
Umupo kami ni Migz sa table nila mama at nandun na rin si Tito Michael. Nag-start na yung party at may malaking announcement na ginawa si tito, nagustuhan daw ng foreign investor yung proposal na ginawa nila ni Migz and they are looking forward to more negotiations with this company.
Lumingon ako kay Migz "Congrats."
Kinindatan niya ko at bilib na bilib sa sarili niya. *sigh* boyfriend ko nga naman oh.
Eh? Teka, nakipagbalikan na ba ko ng maayos sa kaniya? Mamaya ko na nga lang siya kakausapin after ng party na 'to.
Nang nakaramdam ako ng gutom ay pumunta ko dun sa buffet at kumuha ng mga pagkain na gusto ko. Napansin ko namang may dalawang babaeng pinagbubulungan ako sa gilid ko.
Siguro nagtataka sila kung bakit hindi ako naka-formal attire. Napakabig deal ata sa kanila yun. Tsk. Hayaan na yan, mas uunahin ko yung tiyan ko kaysa sa kanila.
Parang masarap ata yung carbonara ah. *yum* Kaso hindi ako makakuha kasi nakaharang yung dalawang babae. Anubanaman.
"Excuse me. Kukuha lang ako ng carbo." paalam ko sa kanila
"Anak ka pa man din ng may-ari ng company na'to pero hindi ka naka-formal attire? Parang ang rude naman ata nun Ms. Gomez."
Kilala pala nila ko?
"Naka-formal attire kayo pero ganyan niyo pagsalitaan yung anak ng nagpapasweldo sa inyo? How rude is that Miss?" singit ni Migz sa gilid namin "Gutom na yung girlfriend ko at kumakain siya ng tao. Alis."
Umalis naman yung dalawang babae at hinawakan ni Migz yung bewang ko tapos may binulong.
"After mo kumain, kita tayo sa garden."
Okay?
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.