Crizzel's P.O.V
Nagtext sakin si Migz at sinabi niyang pabalik na daw siya dito sa Pilipinas para sabay naming salubungin yung New year's eve. Napagdesisyunan kasi naming magbabarkada na sabay-sabay naming salubungin yung bagong taon, first time namin gawin 'to kaya san memorable talaga!
"Ma sama ko!" sabi ko at sabay sampa sa van ni mama. Magsha-shopping daw kasi sila nila tita, kasama yung iba ko pang pinsan na babae. Okay na rin 'to para makalibre ako ng shopping.
Si Macy naman nagpa-iwan kasi maglalaro daw ng barbie doll. Magba-bonding sila xD
"Eh akala ko ba may lakad ka mamaya?" tanong ni mama sakin
"Mamaya pa naman pong gabi yun eh. Tara shopping!"
Habang nag-iikot kami sa mall ay may nagtext sakin. Si Randel pala.
"Baks! Napa-aga yung calltime. Dapat mamaya pang 8pm kaso baka puro putukan na sa kalsada, mahirap na. Kaya naman 6pm, kitakits na tayo dito sa bahay nila Faith! Sige magpapaganda pa ko. Bye~~"
Time check: 5:30
WHAAAAT?! Ni wala pa kong nabibili eh.
"Pasabi male-late ako. Thanks baks!" -reply ko
Madami kaming nagustuhang damit ng mga tita ko kaya bili dito at bili doon! Yay Libre!
Migz's P.O.V
9PM na at wala pa rin si Crizzel. Nako naman! Sinundo ko siya kanina sa bahay nila pero sabi wala daw kasi nagshopping kasama yung mga tita niya. Nakita ko na rin si Macy, ang cute niya nga talaga sa personal! *U*
Pero wala pa rin si crizzel -_- Andito na kami lahat, siya na lang wala.
"Tara ihanda na natin yung mga fireworks!" excited na sabi ni Angel
"Masyado pang maaga babe." sabi ni Nelo. Wait...BABE?
"Sorry guys. Nakalimutan naming sabihin na kami na, nung last week pa." explain ni Angel at biglang inakbayan si Nelo. At naglilihim na pala yung bestfriend ko ngayon sakin?
"At dahil umamin yung pinsan ko, sige ako rin aamin na. Si Daphnie kasi niligawan ko tapos sinagot niya ko ngayong araw lang." nakikilig na sabi ni Christoff.
Yung nangyari samin ni Daphnie, nakalimutan ko na yun at wala na kong galit sa kaniya. Masaya ko para sa kaniya, nakamove on na siya sakin.
"Guys, kami ring dalawa." tinuro ni Jam si Avy
"Kami na!" -Avy
"Hay salamat naman! Ilang buwan ka ring nililigawan ni Jam at sa wakas, kayo na rin!!!!!" tinaas-taas pa ni Faith yung kamay niya kaya naman may napansin kaming kumikinang sa kamay niya.
Hinawakan ni Randel yung kamay ni Faith at sinamaan ng tingin "So ano 'to? Sila boyfriend-girlfriend pa lang tapos ikaw engaged na?"
"Hindi. Binigay lang 'to sakin ng boyfriend ko. Si Oliver, yung nasa basketball team ng school. Teka nga, ikaw ba baks? Musta yung lablayp mo?"
Tinanggal ni Randel yung kamay niya kay Faith at umirap pa 'to. "Kami na ni Migz."
WHAT?!
"Joke lang. Wala na kong love life, break na kami nung last month pa. Tse! Anubayan! Naaalala ko na naman siya." at umacting pang kunwari ay naiiyak.
Tsk. Nagka-aminan na ng lovelife pero wala pa rin si Crizzel -_-
***
11PM, niready na namin yung mga fireworks na sisindihan mamayang 12.
Sinubukan kong tawagan si Crizzel pero busy daw. *sigh*
***
"10...9....8...7...6...5...4—-"
"WAAAAAAAAH!!!!!!! SORRY LATE AKO!!!!!!!!" Tumatakbong lumapit sakin si Crizzel at hinawakan yung kamay ko ng mahigpit.
"3...2...1...HAPPY NEW YEAR!!!!!!"
"I miss you!" sigaw ni Crizzel kasi sinindihan na namin yung mga fireworks kaya sobrang ingay na ng paligid. "Sorry late ako!!!!"
"Ang importante nandito ka na!!!!!"
Halos magsigawan kaming dalawa habang nag-uusap. Sa huli ay dumating siya, buong taon akong masaya kasi nandito siya sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.