Migz's P.O.V
3AM na at hindi pa rin ako nakakatulog. Sisihin niyo si Crizzel at yung ka-"friendly date" niyang lalake na si Nelo. Narinig ko, rinig na rinig ko kung pano umamin si Nelo kay Crizzel. Shit.
Bakit ba kasi gustong-gusto niya yung babaeng yun? Too plain.
*and its you and me and all of the people .*
*dad calling..*
May nabuntis ba ko kaya 'to tumawag?
"Bakit?"
"Sabi na gising ka pa eh. Mamayang gabi magkakaron ng welcome back party para sa kaibigan ko. Gusto kong sumama ka at maghanda ka na rin ng ka-date." -dad
"May panahon ba kong tumanggi? Sige pupunta ko. Date lang pala yung kailangan, dad alam mong master ko yan diba." - ako
"Ang gusto kong ipakita mo samin ng kaibigan ko mamaya ay isang babaeng simple. Ayokong makakita ng isang babaeng pinaglihi sa red lipstick yung nguso. Humanda ka sakin kapag hindi mo ko sinunod. " - dad
Demanding.
"Sige na ho. Magdadala ko ng babaeng mas prefer ang nude pink kaysa bold red." - ako
"May nakahandang invitation diyan for the two of you. May dress na rin at naka-ayon sa vital statistics na gusto mo sa isang babae. Yan yung gusto kong gamitin ng makaka-date mo mamaya. Sige na. May trabaho pa ko." -Dad
Tinapos ko na yung call at bumaba sa kusina para sana kumain pero walang stock. Ano bang ginagawa ng katulong namin dito? Nahiga na lang ako sa sofa namin at nangalkal ng phone.
"Babaeng mas prefer ang nude pink lipstick?" nagi-scroll ako sa girl contacts ko.
Puro mga naka-red. Except lang kay Crizzel na wala pang picture. Delete ko na kaya number nito? Di ko naman 'to mapapa-ikot gaya ng ibang babae kasi hindi naman talaga siya babae. *sigh*
Crizzel Gomez...too plain. Too annoying. Too cute. Erase the last part.
4:00 am. Makatulog na nga. Bangag na ko.
***
"Sir...si Miss Crizzel po nandito." boses ng yaya namin habang tinatapik-tapik ako. Binuksan ko yung isa kong mata at nakita kong may babaeng naka-plain T-shirt na naka-upo sa kabilang sofa.
"Yaya, bumili ka ng makakain......ko."
Sumunod naman siya at umalis na para makapag-grocery.
Tiningnan ko si Crizzel at naka-nude pink siyang lipstick. Naalala ko tuloy yung sinabi kanina ng dad ko.
"Nagpunta ko dito kasi gusto kong magpasalamat sayo ng personal. Thank you, Migz." at ngumiti siya ng konti. Nawindang naman ako ng makakita ako ng parang bulaklak sa gilid niya tas parang lumiliwanag siya.
KULANG PA TULOG MO MIGZ.
"Migz okay ka lang?" tanong niya at palapit na sana sakin kaso pinigilan ko siya.
"Nagnu-nude ka ba?" tanong ko ng wala sa sarili. Bigla siyang napatakip sa harapan niya at sinabing...
"May k-kinabukasan pa ko."
Dun ko lang narealized na ang tanga pala ng tanong ko.
"I mean kung nagnu-nude pink ka bang lipstick?" maayos kong tanong.
Tinanggal niya na yung pagkakatakip ng mga kamay niya sa katawan niya at sinagot ako ng,
"Oo."
"What do you prefer? Red long gown or Simple cocktail dress?"
"Simple dress."
Tumayo ako at pumunta sa kwarto ko para kunin yung dress na nasa box pa pati yung invitations. Pagkababa ko ay pinakita ko sa kaniya yung dala ko.
"Ipakita mo saking sincere ka sa pasasalamat mo mamayang gabi."
Binasa niya yung invitation card at tatanggi na sana siya kaso....
"Be my date tonight. That's my command and not my request."
"Oo na pero sana last na pagsasama na natin yun. Masyado na kasing nangyayari sa buhay ko tapos dumadadagdag pa 'tong pakikipag-date ko sayo mamaya. Pano na lang kung malaman ni Nelo 'to. Patay na ko."
Nadismaya ko sa mga sinabi niya. Normally, natutuwa yung mga babae tuwing inaaya ko silang makipag-date pero iba yung babaeng 'to. Dahil kaya may gusto siya?
"Gusto mo si Nelo?"
Umiwas siya ng tingin sakin
"Di naman mahalaga sayo kung may gusto ako sa kaniya o wala diba? " dinala niya yung dress at paalis na sana pero,
"Kasi cute ka kaya gusto kong malaman kung may gusto ka rin ba kay Nelo."
Anong rason yan migz?
"Isa pa, ayoko na ding ma-involve sa casanova na tulad mo. Cute pala ah? Wag ako Migz. Hindi ako haliparot."
"Ganun ba kasamang ma-involve ka sa tulad ko?"
"Oo. Lalo pa't alam kong hindi lang naman ako yung taong sinasabihan mo ng CUTE." Tinarayan niya ko at umalis na siya ng tuluyan.
Halos lahat ng ex ko ay puro "Maganda" yung compliment na nakukuha sakin. Baliw ba siya? Siya lang kaya yung unang babaeng sinabihan ko ng cute.
O baka ako yung nababaliw sa kaniya?
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.