Crizzel's P.O.V
Halos 20 minutes ang tinagal ng meeting namin. Eh 30 minuto na lang tapos na yung break namin eh.
*Cafeteria*
Naabutan ko pa yung mga kabarkada kong nagkukwentuhan habang nagtatawanan. Maliban kay Christoff. Hay ewan ko ba diyan, pinag-aaksayan pa niya ng oras yung babaeng christine na yun na malandi naman. Diba tama naman ako? Walang kwentang mahalin yung ganung babae.
"Ay oo yung mukha siyang tanga na may lipstick pa sa ngipin——"
"Alam niyo ang lovelife parang mga pauso ni Vice Ganda." Singit ko
Tumingin lang sila sakin na parang ang laki ng nagawa kong kasalanan. Oh...kay?
"Tanungin niyo ko ng 'BAKIT?' " pamimilit ko at sumunod naman si Avy
"Oh bakit?"
"Minsan eksaherada pero minsan naman nga-nga!" hinampas ko pa yung lamesa para may effects.
"Waley." -Jam
"Last mo na." -Randel
"Huwag na ulitin. Not healthy yung joke." -Faith
"Isa pang hampas sa lamesa, suspension letter na ihahampas ko sayo." sabi ni Christoff. Teka....parang pamilyar yun ah.
"Wag ka nga nanggagaya ng linya ko." inis kong sabi at nakikain sa pagkain nila
"Siya nga yun. Ang tinde niya diba. Nasampal niya ng ganun-ganun na lang si Migz."
"Huh? Grabe nga siya. Part pa man din ng student council tapos ganyan makitungo sa mga new student."
Tumingin sakin si Jam at alam niya na ako yung tinutukoy. Napakabilis namang kumalat ng ginawa ko.
"Explain...now." utos sakin ni Jam
Tsk. Oo na.
"Nakita ko kasi si Christine na hinahalikan nung lalakeng yun sa leeg. Syempre nagalit ako. Learning facility ang school at wala sa curriculum ang paghalik sa leeg. Kaya yun....sinampal ko siya." paliwanag ko
"Pwede mo naman siyang pagsabihan ah. Bakit kailangan mo pang sampalin?" sunod na sabi ni Faith pero biglang sumingit si Christoff.
"Sampal? Ang babaw nga ng ginawa ni Crizzel eh. Sa lalakeng tulad nung Migz na yun, dapat sinasapak na!" at umakto pa siyang may sinasapak sa hangin.
"Tigil nga christoff. Sinampal ko siya kasi hindi naman siya yung tipo ng tao na makikinig sa mga normal na warning diba. Ganito kasi, lumapit siya sakin ng malapit na malapit hanggang sa wala na kong ibang magawa kung hindi sampalin siya para sa ganun ay lumayo-layo naman siya sakin diba? Tama lang naman yung ginawa ko."
"Sa bagay may punto ka. Pero nasaktan mo pa rin yung tao. Kahit na sabihing mali yung ginawa niya, still, hindi pa rin sampal ang tamang gawin. Sana sinigawan mo na lang sa mukha para laway na lang yung tumalsik sa kaniya at hindi yung kamay mo." sermon ni Avy sakin. Si Jam naman ay nakatingin lang sa kaniya na parang napoakagaling na councilor ng babaeng 'to. Okay sige. Pagbigyan na yan. Umiibig eh.
Pero tama rin si Avy na hindi nga dapat ganun yung ginawa ko.
....Nagkamali na ko. SIGE AKO NA.
Sana nga sinigawan ko na lang talaga siya para puro laway na lang yung tumalsik sa kaniya.
"Mag-sorry ka." utos ni Randel
Yun na nga yung nasa isip ko eh. Pero... Pano ba yun? Hindi naman ako sanay mag-sorry.
"Pano ba?" tanong ko
"S-O-R-R-Y...Sabihin mo lang yun. Lagyan mo na rin ng I-M para mas mukha kang sincere." pilyang sagot ni Faith
Migz...I'm sorry. Ganun? Okay na ba yun? Sincere na ko dun ah.
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.