Z/N: Nelo's face yung nasa taas. ^_^
=======================================
Nelo's P.O.V
"Hindi niya nga kasi alam na magtatay yung dalawa. Nakakatawa talaga si Crizzel kahit kailan. Pero okay lang, tanggap mo naman siya diba? HAHAHAHAHAHA" Text sakin ni Randel.
Break ko kasi ngayon at si Crizzel yung topic namin. Lagi namang siya eh pero okay lang kasi pabor naman sakin :D
"Yung si Migz, nagkakamabutihan ba sila ni Crizzel?" -ako
"Ayun? Naku hindi. Ayaw ng friend ko sa kaniya kasi nga diba...casanova siya. Pero malay mo....maging sila? HAHAHAHA. Sige na pa-expire na ko."
Di ko na siya nireplyan nun at medyo nabahal ako sa mga sinabi niya. Pano nga kung maging sila kasi di naman alam ni Crizzel na gusto ko siya. Mabuti pa tawagan ko na lang muna siya.
*Kriiing Kriiiiing*
"Hello?"
hindi pa agad ako nakasagot agad kasi parang nanibago ko sa boses niya. Ang hina ata masyado?
"Uy Nelo ano ba. Magsalita ka na. May klase ako."-Crizzel
"Ah sorry. Nakakaistorbo ba ko?"
"Hindi naman. Basta bilisan mo lang. Ano ba sasabihin mo?"
"Gusto ko lang kasi malaman kung anong impression mo sa casanova mong seatmate? May....nararamdaman ka ba?"
Napakamot ako sa ulo ko dahil sa sobrang katangahan ng tanong ko sa kaniya.
"Ayun ba? Nako wala! Wala kong masabin kung hindi pangit ang ugali niya!"
Nilayo ko ng konti yung cellphone ko sa tenga dahil sa lakas ng boses niya.
"Ms. Gomez, Bakit ka gumagamit ng cellphone sa klase ko?"sabi ata nung sir nila
"Yun yung impression. Sige Nelo bye na, magtutuos lang kami ng bakla kong teacher. I miss you!"
"I miss you to—-"
*tooooooooot*
Okay na rin kahit hindi niya narinig...at least miss niya ko. Mas may edge ako dun sa casanova na yun. Pero para mas makasigurado ako, sinearch ko yung pangalan niya. Dati pala siyang star playes ng WHS na school ko ngayon. So parang nagpalit lang kami ng school. Migz Lim, wag ka lang magkakamaling pormahan si Crizzel kasi baka ako yung unang makatalo sayo pagdating sa babae.
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.