Migz's P.O.V
Kung pwede lang sana hindi na umuwi kanina eh. Gusto ko lang na makasama si Crizzel, mag-aksaya ng oras habang kasama siya. Baduy pero sh.t nakakakilig lang nung time na sinagot niya ko! Yun nga lang pinauwi na ko ni papa -_- , gabi na daw at may pasok pa bukas.
Bubuksan ko na sana yung gate kaso biglang may humatak sa kwelyo ko at hinalikan ako.
"Long time no see" sabi ni Sarah
Tinulak ko siya ng malakas at pinunasan ko yung labi ko.
"Balita ko, may mahal ka na daw? Nakalimutan mo na agad ako?" malanding sabi niya habang palapit na naman ng palapit sakin. "Guess who kung kanino ko nalaman. Sa bestfriend mo lang naman."
Kay Angel? Teka, kahit kailan hindi maglalabas ng mga ganitong bagay yung bestfriend ko. Siguro nga nagsisinungaling lang siya para makuha ang atensyon ko. Nice try Sarah.
"Migz!" tawag ni Angel habang palapit samin "Sorry. Hindi ko sinasadyang sabihin sa kaniya. Na-blackmail niya lang ako at sinabing kung hindi ko sasabihin sa kaniya yung lagay mo ngayon, ikakalat niya daw lahat ng pictures mo nung araw na hinubaran ka ng mga tropa niya."
Kalokohan.
"Angel, mag-isip ka naman. Nakalimutan mo na ba nung first year tayo, yung terror na principal na anti-technology? Bago tayo pumasok ng school ay sinu-surrender natin yung mga gadgets na meron tayo at saka lang natin makukuha kapag uwian na. Isa pa, may cctv sa classroom kaya ang sinumang makikitaan ng cellphone o ng camera ay ipapatawag sa principal's office."
Tumingin ako kay Sarah at nag-iba ng direksyon yung tingin niya. Sabi na eh.
"Kung gusto mong malaman yung lagay ko, gumamit ka ng intelehenteng paraan at hindi tulad ng ganitong katangahan."
"Di pa tayo tapos Migz." sinabi nito at umalis na
"Umalis ka na Sarah. Bumalik ka kapag mas maganda ka na sa girlfriend niya!!!!" sigaw ni Angel sa kaniya habang papalayo "Uy Migz, sorry ha. Kung natandaan ko lang siguro yun, baka hindi na umabot sa ganito. Nahalikan ka pa tuloy niya."
"Mag-memory plus ka na lang kasi."
"Di pa nga ko kumakain eh. Pa-dinner ako ah!" Sigaw niya at dire-diretsong pumasok sa loob
***
"Teka, tama ba ko kanina? Sinabi ko kasi na Bumalik ka kapag mas maganda ka na sa girlfriend niya!!! Kayo na ba ni Crizzel?" tanong niya habang kumakain
Tumango ako at ang tindi naman ng tuwa niya. Hay nako Angel.
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.