Special Chapter 4: Envelope

4.5K 64 4
                                    

Crizzel's P.O.V


Um-absent muna ko sa trabaho ko para sa kasal nila Faith ngayon. Maaga kong nagising para magluto ng almusal namin.


"Goodmorning...baby." bati ko kay Migz na bagong gising pa nung pumunta sa kusina


Kinurap-kurap niya yung mata niya na parang hindi makapaniwala. Siguro kasi nadatnan niya ko dito sa bahay o baka dahil sa pagtawag ko sa kaniya na 'baby'


Nilapitan niya ko at hinawakan yung magkabila kong pisngi.


"I miss you." sabi niya at hahalikan niya na sana ko ng biglang may nag-doorbell.


"Tsk. Istorbo." badtrip na sabi niya at hinarap yung nasa pinto.


"Sino daw yun?" tanong ko ng makabalik na siya


"Pusang ligaw." niyakap niya ulit ako


"Pusang ligaw na naabot yung doorbell?"


"Basta wala yun. Baby I miss you."


Super higpit ng yakap niya sakin na talagang miss na miss na ko.


"Kumain na tayo, Migz. Itigil mo na yang pagyakap sakin." saway ko at nilapag sa table yung omelette.


"Ang sarap!" sabi niya ng matikman yung luto ko. Mukhang tuwang-tuwa nga siya sa pagkain eh.


"Migz may ketchup ka sa labi." matawa-tawa kong sabi, para siyang bata kumain.


Dumampot na ko ng tissue para ipunas sa labi niya ng bigla niya kong halikan.


"Ikaw rin may ketchup na." pasaway talaga!


Matapos ng kalokohan niya sa paga-almusal namin ay hinanda ko na yung mga damit namin para sa kasal mamaya. Housewife na housewife ang dating ko.


*Simbahan*


Nagsimula yung seremonya ng kasal at masasabi kong si Faith ang pinakamagandang babae sa araw na'to, bagay na bagay sila ni Oliver.


Nung nagpalitan na sila ng wedding vow ay naalala ko yung vow na binitiwan namin ni Migz para sa isa't-isa. Tuwing bumabalik ako sa memories na yun, di ko maiwasang kiligin.


"Baby wag kang masyadong ngumiti, natatalbugan mo yung ngiti nung bride eh." bulong ni Migz sa tabi ko


Ay sorry. Hindi na po masyadong ngingiti.


Pagkatapos ng kasal ay dumiretso kami sa reception ng kasal. Nung nakaupo na kami sa table ay may inabot na envelope sakin si Migz. Nang buksan ko yun ay isang weird na letter yung nakasulat.


Approval letter 'to ni ate Charm sa request kong 3 weeks leave. Huh? Hindi naman ako nanghingi ng leave sa trabaho eh.


"Migz ano 'to?"


"Pwede ka ng mag-leave." nakangiti pa talaga siya ha.


"Pero hindi naman ako nanghingi ng leave."


"Nanghingi ako as your behalf. Dapat nga isang buwang leave eh, kaso hindi daw pwede."


May binigay ulit siya saking envelope, yung totoo? Hindi ko siya magets.


Binuksan ko yung envelope at bumungad sakin yung dalawang plane ticket papaunta sa Paris.


Sobrang saya ko ng makita ko yun, Paris talaga? Waaaaah! Ang romantic!


"Three weeks tayong magsasaya diyan sa land of love. Honeymoon na rin natin."


Seryoso ba siya dun?! Nae-excite na ko!


"Thank you Migz!"


"Sobrang namiss kita kaya gumawa ko ng paraan. Isa pa, pwede natin ulit subukan magkababy. Okay lang ba?"


Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Okay na okay sakin!


"Malay mo, yung first baby natin, made of paris pala."


parehas kaming natawa sa sinabi niya pero sana nga magkababy na kami this time.

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon