Migz's P.O.V
6:00 pm na nung nakapag-ayos ako ng sarili ko. Tingnan lang natin kung hindi mapanganga si Crizzel sa hitsura ko ngayon. Walang makakatanggi sa isang Migz Lim na naka black-suit.
Nag-text na ko sa kaniya na nasa harap na ko ng bahay niya. Wala pang limang minuto ay lumabas na siya sa gate nila.
Hindi lang siya basta cute. Maganda siya.
(Z/N: Crizzel's dress sa taas. ^_^)
"Halatang hindi para sakin yung damit. Ang luwag kasi sa bandang dibdib." sabi niya na parang uneasy.
Oo nga pala. Inayon ni dad yung dress base sa gusto kong katawan sa babae. Hindi nagtugma yung sa parteng dibdib? HAHAHAHAHA.
"Okay lang. Lalaki rin yan." pang-aasar ko at pinagbuksan na siya ng pinto
"Ang gentleman mo ata ngayon? Ganyan ba talaga kapag mukhang babae yung nakakasama mo?" sabi niya nung nagda-drive na ko.
"Matagal na kong gentleman sayo. Simula nung nagkasakit ka."
Natahimik naman siya at panay yung angat ng dress niya sa harap. Nalalaglag kasi nga hindi sukat.
"Di ka ba komportable? Pwede naman tayong bumili ng panibago. Wait ihihinto ko lang yung sasakya——"
"Wag na. Sisikipan ko na lang yung tali sa likod."
Napahinto ako sa pagdadrive dahil nakahawak siya sa kanang kamay ko.
"Sorry." sabi niya
"Ay hindi. Kahit tagalan mo pa."
"Huh?"
Teka, Sinabi ko yun?
"Wala. Ang sabi ko, bahala ka kung anong paraan gagawin mo siyan para magsakto."
"Okay. Sungit mo."
Pinagpatuloy ko na yung pagda-drive pero traffic. Nakalimutan kong sa EDSA pala ang daan papunta dun sa venue ng party. Sana inagahan ko yung sundo dito kay Crizzel. 7:30 na, wala pang usad.
"Migz...wala kong dalang salamin. Pwede bang gamitin yung rear-view mirror mo?"
"Sige lang."
Nilagay niya sa direksyon niya yung salamin at may nilabas na lipstick. Nude pink.
Hindi tulad ng mga babaeng nakita ko, mahaba yung eyelashes ni Crizzel kaya di na kailangang mag-fake lashes pa. Mukhang malambot pa rin yung labi niya at parang di pa masyadong gasgas ng lipstick.
*beeeeeeep*
Busina ng sasakyan sa likod namin.
"Migz, umandar ka na kaya." sabi ni Crizzel
Di ko namalayan na nakatingin na pala ko sa kaniya ng ganung katagal.
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.