CHAPTER 9: One night. One roof.

8K 116 9
                                    

Crizzel's P.O.V

Nasa tapat ako ng bahay ni Tito Michael kaya naman pinindot ko na ng pinindot yung doorbell. Basa na ho ako! Wala pa bang magbubukas ng pintuan?


"Yes ma'm ano po kailangan nila??" sabi ng katulong. Yes naman may nakarinig na rin sakin!


"Si Mr. Michael po, nandiyan po ba? Pakisabi po nandito yung anak nila Mr. and Mrs Gomez." sinabi ko habang nanginginig na nakahawak sa bag ko na basa na rin. Patay ako sa mga notes ko nito. First day pa lang pero yung mga requirements sa buong period nakasulat na dito kaya sayang pa rin!


"Sige po pasok muna kayo." 


Pumasok ako at inabutan niya naman ako ng malaking tuwalya. Buti naman at medyo may pang-iwas na sa lamig. 


...pero yung aircon din panira eh. Shit lamig!


"Sir ayun na po yung babaeng naghahanap sa inyo. sabay turo ng yaya sakin


Kumaway ako sa kaniya kasi nasa gitna pa lang siya ng grand staircase nila. Actually 3 years na rin kaming hindi nagkikita. Tinablan na siguro ako ng konting puberty kaya natuwa siya nung makita ako.


"Crizzel hija, ikaw na ba yan?" 



"O-opo tito..."  pinagpatuloy ko na ang pagpunas ng sarili ko.




"Hija mabuti pa siguro kung magpalit ka muna ng damit. Yaya, pakisamahan naman siya sa guest room." 


"Salamat po tito"


Maganda yung guest room nila, parang hotel room lang. ^_^

Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na yung nakahandang damit dun sa kama. Inintindi ko rin yung laman ng bag ko.


"Hala...sayang yung designs!" sabi ko habang nanghihinayang sa mga nabasa kong notebook. Tatlo lang 'to pero...ang cute kasi ng mga design!


 Wala na rin naman akong magagawa kaya lumabas na rin ako ng kwarto para makwento kay tito lahat-lahat kung bakit ako napadpad sa bahay niya. Nagpunta kong salas at naabutan ko siyang naglalaro ng video game. Nag-iba siya ng suot? at mukha siyang bata?


Lumapit na ko sa mismong upuan ng salas...


"TITO !!!" tinawag ko sya para makausap at lumingon sya sa kin



pero hindi si Tito ang nakita ko.


Kung hindi si...Casanova. O_O

 

Nanlaki yung mga mata ko at ganun rin siya. Pero mas OA yung kaniya. Lumelevel na sa kuwago.

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon