CHAPTER 24: Hatid

6.2K 78 4
                                    

Crizzel's P.O.V 

 

"Hindi na nawala yung ngiti mo anak ah. Sino ba yung nagpapa-ibig sa bunso namin?" sabi ni papa habang nagka-kape. 


Lalong lumaki yung ngiti ko ng mapansin ni papa. Hanggang ngayon kasi, di ako makapaniwala sa nangyari kagabi. Mahal ako Migz, totoo yun!


"Baka dahil yan sa lalakeng hinatid ka kagabi sa bahay?" singit ni mama at mas lalo niya pang dinamihan yung fresh milk ko sa baso. 


"Ah naalala ko na! Yung anak ni Michael. Nako napakabuting bata, ang galang pa." sige lang pa, ipaalala niyo pa po siya. Kinikilig ako! 


"Asus. O baka naman yung isa yung dahilan ng ngiti mo. Sino ulit yun? Si Nelo? Ay tama, si Nelo nga!"  asar ni Kuya habang nagtatali ng sapatos sa sala. 


Nabura yung ngiti ko ng maalala ko si Nelo. Oo nga pala, nanliligaw pa siya sakin. Kailan ba ko magkakalakas loob para sabihin sa kaniya...na wala siyang pag-asa?


"Ahm...tapos na po ako kumain. Una na po ako sa school." paalam ko. Pagkalabas ko ng gate ay saktong dating ni Nelo na sinundan naman ni Migz.


"Hatid na kita." sabay alok nung dalawa


Nagtinginan sila ng masama at parang may namumuoong tensyon kaya naman nagsalita na agad ako.


"May kasabay na kasi ako eh."


"At sino naman?" masungit na tanong ni Migz. 


"Si Avy!" 


"Ganun ba? Sige Zel, mag-ingat ka ha." sabi ni Nelo sabay ngiti sakin. 


"Oo naman. Ako pa ba?" biro ko. Bago siya umalis ay nagflying kiss pa siya. Napalunok na lang ako dahil nababaduyan ako sa ginagawa niyang yun. Pati rin si Migz, ng makita ko yung mukha niya....halatang nababadtrip siya.


"Makapag-almusal na nga lang." sabi ni Migz sabay pasok sa bahay ko. BAHAY KO?!


"Hoy, makikikain ka samin?" 


Di niya ko sinagot. Winave niya lang yung hands niya habang nakatalikod sakin.


"Mag-ingat ka na lang~" sabi nito at tuluyan ng pumasok sa bahay.


Tsk. Ang totoo niyan, wala naman akong kasabay eh. Ginawa ko lang talagang rason yun para hindi masyadong tumaas yung tensyon sa pagitan ni Nelo at Migz. *sigh* Makapasok na nga lang mag-isa. 

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon