Migz's P.O.V
Nakaupo siya sa damuhan dun sa labas at binubunot ang mga damo sa paligid niya. Naka-dress pero ganiyan ang behavior. Nako naman.
"Ano bang probelam mo?" tanong ko
"Ikaw, anong problema mo?"
Ibalik ba naman yung sarili kong tanong sakin. Umupo ako para maging magka-level kaming dalawa.
"Ikaw yung problema ko." sabi ko
"Ikaw rin yung problema ko." sabi niya sakin
Tumahimik kaming dalawa hanggang sa magsalita siya,
"Napaka-attention seeker mo kanina. Nagmatapang kang kumanta sa stage para di maisip ng ibang tao na natatapakan yung ego mo kasi yung ka-date mo ay may katitigang iba." mahinahong sabi niya pero naiinis ako. "Pa-fall ka, aware ka ba dun? Kaya ka maraming nalolokong babae kasi pa-fall ka. Muntik na nga kong mahulog eh. Simula nung nalaman kong may puso ka pala kasi inalagaan mo ko, kasi binigyan mo ko ng bagong uniform, kasi niligtas mo ko sa bakla nating teacher. Pero sa tuwing iniisip kong marami ng babae yung naloko mo, dun bumabalik yung isip ko na 'Oo nga pala. Casanova pala yung lalakeng 'to at natural lang na ma-fall ako kasi pa-fall siya' "
Kahit kailan hindi ko naisip yung sinabi niya. Muntikan na siyang mahulog sakin?
8:45. 15 minutes na lang.
"Crizzel please listen to me. I only have 15 minutes to explain what's on my mind." Sinabi ko at tumingin siya sakin.
Nakatingin lang din ako sa kaniya at hindi ko alam kung pano ko 'to sisimulan. Pano ba mag-explain sa isang babae? Bahala na.
" *sigh* Siguro nga attention seeker ako. Pero hindi gaya ng inaakala mo. Nung mga panahong umakyat ako at kumanta sa stage, hindi ko inisip yung ego ko o yung attention ng iba. Di ko gusto yung atensyon nila, ang gusto ko lang yung sayo, na sana ako yung tingnan mo ng mga oras na yun at hindi si Nelo."
Halata yung pagkabigla sa mga mukha niya.
"Kung naiinis ka sakin dahil pa-fall ako. Mas naiinis ako sa sarili ko kasi yung pa-fall na tulad ko ay unti-unting nahuhulog sayo. Di ka na naniniwala? Ako rin hindi. Pero I can feel through my veins that I like you. I like you because you're not my type. Di ka matangkad, di ka mukhang model, di ka mahilig sa red lipstick, di malaki yung harap mo, in short, di ka pasado sa standards ko pero ang weird kasi gusto kita. Inis na inis ako sa sarili ko kasi hinahayaan ko yung sarili kong mahulog sa taong hindi ko dapat magustuhan kasi may gusto ng iba."
Literal na napa-nganga si Crizzel. Ang pangit niya dun but I find her cute.
"Migz, baka hindi totoo yung nararamdaman mo. Matagal mo ng napaghalo ang salitang pag-ibig at paglalaro, diba? Think again Migz. Your feelings for me might be only a part of changing your flavor of the month."
Ito ba yung indirect way of rejecting my feelings?
Think again Migz.
Kung ganun lang kadali mag-isip ulit, sana ginawa ko na diba. Pero tuwing nag-iisip ako, mas lalo ko lang nakukumbinsi yung sarili kong gusto ko siya.
"Crizzel!" tawag ni Nelo sa kaniya at nilapitan siya "Nagpaalam ako kila tita kung pwedeng ako na lang yung maghatid sayo, pumayag naman sila. Tara na?"
Di man lang ba siya magtatanong kung nakaka-istorbo siya o hindi? -_-
"Una na ko Migz. Goodbye." ngumiti siya ng pilit at mula sa kinakatayuan ko ay nakita ko kung pano ibigay ni Nelo yung jacket niya para hindi malamigan si Crizzel.
She looks like my princess tonight but obviously, she's not mine.
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
JugendliteraturTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.