Special Chapter 3: Oras

4.2K 62 1
                                    

Crizzel's P.O.V


Kinabukasan, naabutan ko si Migz na naghahanda na para pumasok. Okay na sana yung attire niya eh, kaso hindi maayos yung necktie. Kaya naman lumapit ako para ayusin yun.


"Sorry. Nagising ba kita?" sabi niya habang inaayos ko yung neck tie niya


"Hindi ah. Uhm, oo nga pala Migz, ayos lang ba sayo kung mag-start na kong magtrabaho?"


"Bored ka na ba dito sa bahay?"


"Hi-hindi naman. Gusto ko lang kasi gumawa ng mas productive na bagay. "


Tinapos ko na yung pagkabit ng necktie niya at medyo inayos ko yung buhok niya.


"Okay lang sakin pero sana magbigay ka ng araw para satin, baka mamaya makalimutan mo na ko." pasweet na sabi niya at niyakap ako mula sa likod.


"Asus."


***


Tatlong buwan na simula nung pumayag si Migz na magtrabaho ako. Masaya kong at least nagagamit ko na yung course na tinapos ko.


"Mrs. Lim gusto raw po kayong maka-usap ng customer." sabi nung waiter sa loob ng kusina ng hotel


Tinuro sakin nung waiter yung table ng customer na gusto raw kumausap sakin. Pagkatingin ko, sila faith pala. Agad akong lumapit sa kanila at kinamusta.


"Aba chef na chef ang dating natin ngayon ah!" asar ni Randel


Super namiss ko sila!


"Ikaw nga international chef na eh, sa Italy pa." -ako


Puro mga babae kong kaibigan yung bumisita ngayon, si Faith, Avy, Angel, Daphnie at Randel. Kahit bakla si Randel, idamay na natin, babae naman ang puso niya!


"Teka, bakit niyo pala naisipang bisitahin ako ngayon?" pag-usisa ko


"Kasi nai-intriga kami, halos magi-isang taon na kayo ni Migz, wala pa rin bang laman yan?" tinuro pa ni Faith yung tiyan ko


Napaiwas ako ng tingin sa kanila. Speaking of our marriage, medyo di na kami nagkikita sa sarili naming bahay. Kung nagkikita man, lagi naman siyang tulog o minsan ako naman yung nagpapahinga.


"May problema ba kayo ni Migz?" -Avy


"You can tell us anything, makikinig kami Crizzel." -Daphnie


"Agree! Tsaka kung may kalokohang ginawa si Migz, sabihin mo lang. Ako bahalang manapak dun!" -Angel

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon