Migz's P.O.V
Pagkatapos kong ayusin yung bag ko, wala na si Crizzel. Sbai ni Randel bumaba na daw. Tsk. Di man lang ako hinihintay?
Sumakay agad ako ng kotse at mabagal na pinaandar yun. Baka sakaling makita ko siya sa side walk eh. At di nga ko nagkamali, nakita ko siyang naglalakad na parang walang paki na gabi na.
Bumusina ko sa gilid niya at laking gulat niya ng makita ako.
"Sakay na. Hatid na kita."
"Okay lang."
Nagptuloy siya sa paglalakad at hindi napansin na may malaking bato sa daan. Tinawag ko yung pangalan niya para sana makaiwas siya sa bato kaso hindi siya nakinig kaya yun.
"Aww." sabi niya at hinihipan yung tuhod niya. Agad akong lumabas ng kotse at binuhat siya papasok ng sasakyan.
"Gamutin na lang natin yan sa bahay ko." sabi ko dito pero nagmatigas siya.
"Sa bahay ko na lang. At ako na ang mag-gagamot. Marunong naman ako." sabi nito habang sinasakbit yung seatbelt sa kaniya. Buti naman at hindi siya tumanggi na ihatid ko siya.
"Crizzel, pahiram ng kamay mo, pwede?"
Nilahad niya yung kamay niya at pinatong ko dun yung kamay ko. Napangiti ako kasi hinigpitan ko yung hawak ko.
"Di ko kasi alam kung pano sabihing pwede bang makipag-holding hands." explain ko. Nakatingin lang siya sa kamay naming dalawa at,
"Simpleng bagay ginagawa mong kumplikado." bakit ba ang sungit niya?
Pagkadating namin sa bahay niya ay inaya ako ng kuya niyang dun na kumain. Papayag na sana ko kaso,
"May katulong sila sa bahay. Pwede siyang gawan ng dinner." cold na sabi ni Crizzel at tuluyan ng pumasok sa bahay nila.
"Di mo ba alam yung problema bakit siya ganyan?" tanong ng kuya niya sakin. Umiling ako. Gusto kong malaman, ang weird kasi ni Crizzel at sobrang miss ko na siya.
"2months kang nawala, ni wala ka daw reply sa mga messages niya sabi niya sakin. Tutulungan mo daw yung papa mong magtrabaho dun, pero bakit parang mas busy ka pa daw kaysa sa papa mo? Yan yung tanong niya. Tara na, mag-dinner na lang tayo."
Kinamusta ko nila tito pati na rin yung presentation na ginawa namin ni papa. Habang nage-explain ako ay biglang tumayo si Crizzel at sinabing,
"Labas lang po muna ko."
Sinundan ko siya hanggang sa labas ng pinto at ng palabas na siya ng gate ay pinigil ko na.
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.