Epic House Visit-1

179 2 0
                                    

Chapter Sixteen


ABEPov

Nakarating na kami nang mansion ngayon, Hanggang ngayon iniisip ko parin yong sinabi niya kanina.

Pinagtritripan nanaman niya ko siguro, Binuhat ni Dexter ang maleta ko at pumasok na kami sa loob sinalubong naman ako anim na maid at isang matandang babae na kahit ang tanda na ay maganda parin.

"Welcome home. Ija"- Sabay yakap sakin nang matanda yong mga maid naman binati ako. "Natutuwa ako at nagkita tayo ulit, Hindi manlang sinabi sakin ni Calvin yong tungkol sainyo kaya nagtampo ako sakanya"- Ngumiti nalang ako, Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"By the way I'm Lisa, Nanay Inday ang tawag sakin ni Calvin kahit nong bata pa siya, Nanny niya ko"- Napawow naman ako. Nanny pala siya kala ko kung sino maganda kasi siya manumit at maganda siya sobra kahit may edad na.

"Hello po, Nice to meet you po"- Ngumiti naman siya sakin.

"Una nating pagkikita kasi lasing ka"- Napangiwi naman ako tinakpan ang mukha ko.

"Sorry po"- Saka yumuko ako.

"No need to say sorry, Tara pumasok na tayo"- At hinila nako papasok. "Actually ayaw ni Calvin na may katulong dito, Siguro kasi lagi kayo nandito no?"-Naubo naman ako nang sinabi niya yon, Malay ko pangalawang beses palang ako nakakarating dito. Baka ibang babae yon, Malanding nilalang po ang alaga niyo.

"Wag kanang mahiya ito naman, Sa malaking mansion kami namamalagi ngayon ako na namamahala non simula namatay ang mga magulang niya"- So patay na pala mga magulang niya, Hindi ko alam.

"Ganon po ba"- Umupo kami sa sala.

"Buti naman at magsasama na kayo sa iisang bahay, Lagi akong nag-aalala sa batang yan kasi laging nag-iisa at subsob sa trabaho, Hindi ko alam nag-asawa na pala"- At tumawa ito, Ngumiti naman ako. Nilapagan kami nang juice nang isa sa mga maid kanina. Uminom naman ako "Ano kailan niyo naman balak magkababy?"- Muntikan ko nang maibuga ang iniinom kong juice nagsitaasan ang mga balahibo ko. Literal na straight forward magtanong ang nanny ni Calvin.

"Ah..ah, Hindi naman po kami nagmamadali"- Tumawa naman siya

"Madaliin niyo na para makarami agad"- Napahawak ako nang mahigpit sa throw pillow. Hindi ko alam kung papano ako magrereact "Alam mo mas maganda may maraming anak lalo na't hindi na kayo bumabata"- Ngumiti naman ako. Hindi ko akalain mas nakakaloka pala siyang kausap kesa kay Calvin, HAHAHAHA pero ang gaan nang loob ko sakanya.

"Opo"-Saka ngumiti lang ako. Hinawaka niya naman ang kamay ko.

"Ija, Thank you kasi dumating ka sa buhay ni Calvin, Please take care of him. Ngayon mapapanatag nako kasi alam kong may kasama na siya"- Pagkakasabi niya sakin habang medyo naiiyak pa. Niyakap ko naman siya, Tingin ko mahal na mahal niya si Calvin.

"Opo, Makakaasa po kayo"

CALVINPov

Pumasok agad ako sa office at bumungad sakin si Drake. Umupo agad ako sa couch.

"So what's happened?"- Inabot niya sakin ang mga papeles tinignan ko naman yon.

"Ikaw na bahala sa kanila"- Ngumiti naman siya at umalis na, Napabuntong hininga naman ako at isinandal ang likod ko. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ko. Natawa nalang ako sa sarili ko tingin ko nahawaan nako nang kaweirduhan niya. Biglang may kumatok sa pinto. At biglang pumasok, It's Migo.

"O?"- Nagugulat ako sa kapatid kong to hindi naman bumibisita yan dito.

"Kamusta ang pagpapakasakal? Este kasal?"- Tapos tumawa, Napailing nalang ako sakanya.

Let's Make it RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon