Patay

195 4 2
                                        

Chapter Thirty


ABEPov

Pumasok kami sa restaurant ito ang pinagkainan namen nang nakaraan ni Calvin napangiti nalang ako.

"Bali parang late lunch nato"- Sabi niya sakin ngumiti naman ako naiilang ako kay hindi naman kami ganon kaclose ni Nathan. "Anong gusto mong orderin?"- Tanong niya sakin.

"Anything, Hindi naman ako mapili sa pagkain"- Tapos ngumiti siya sakin at umorder na napatingin ako sa direksyon nang 'Message for love ones' yong board kung saan pwedeng magsulat nang note for your love one gusto ko talagang magsulat don. "Pwedeng makahingi nang piece of paper?"-Tanong ko sa waiter, Nag excuse naman siya at kinuha ako.

"Anong gagawin mo?"- Tanong ni Nathan sakin..

"Tignan mo yon, Note board yon message for the one you love"- Tinignan niya naman ang tinuro ko.

"Magususlat ka don?"- Ngumiti naman ako at tumango.

"Para kanino naman?"- Tanong niya sakin.

"For someone I love"- Napatingin ako sa direksyon na yon at parang may nakita akong pamilyar. Tapos dumating ang pagkain namin.

"Let's eat"- Ngumiti naman ako at kumain na, Hindi maari yon namamalikmata lang ata ako.

CALVINPov

Hindi ako mapalagay sa palusot ni Abe tumayo ako.

"Wag mong sasabihin na susundan mo siya?"- Natatawang tanong ni Drake sinamaan ko naman siya nang tingin.

"Kasalanan mo to, Pinayagan mo, I'm going ikaw na bahala dito!"- At iniwanan siya tumawa naman siya nang malakas at sumigaw.

"Ayoko nang asawang katulad mo! Walang tiwala"- Nilingon ko naman siya.

"Ayoko din sayo!"- Saka tinalikuran na siya. Nakita ko siyang sumakay nang taxi wala nakong magagawa kondi pumara na din, Pinasundan ko lang sa driver ang taxing sinasakyan ni Abe at huminto ito sa mall na pinuntahan namin nang nakaraan sa harapan nang restaurant. Nagulat naman ako nang makita ko ang lalaking kinita niya.

Yan yon P****inang naghatid sakanya nang nakaraan, Pagpasok nila bumaba agad ako nang taxi pumesto pa talaga sila sa dati naming pwesto nang nakaraan pumuwesto ako kung saan ko sila makikita. Naiinis ako kasi si ABENG MALANDI ngiti nang ngiti sa unggoy na yon! Tapos kada kinakausap siya nang unggoy ngumingiti siya!

Sabi ko na nga ba iba ang pakiramdam ko ngayon. Tingin ko magloloko siya eh! Samantalang ako loyal sakanya.

"Excuse me?"-Tinignan ko yong nagsalita nakita ko magboyfriend-girlfirend na tingin ko nasa 19-20 palang.

"Table namin to eh"- Sabi nang lalaki nakakainis dito kitang kita sina abe eh.

"Nauna ako dito sainyo"- Pabulong na pagkakasabi ko.

"Ha? Nakiupo ka lang kanina pa kami dito"- Sumimangot naman ako at inabutan nang 5000 yong lalaki.

"Lumipat na kayo nang table, Pangdate niyo yan"- Pinaalis ko na sila para wala nang asungot biglang binaling ni Abe ang tingin niya sa direksyon ko at tinakpan nang menu ang mukha ko . Sinilip ko sila at nagstart na silang kumain may lumapit naman sakin.

"Sir Calvin"- Regular customer kasi ako dito kaya kilala nila ako.

"Wag kang maingay"- Nagulat naman siya sakin.

"Andiyan yong babaeng kasama mo kahapon"- Pabulong na pagkakasabi niya, Sabay turo sa direksyon nina abe.

"Hindi siya basta-basta babae asawa ko yan"-Nanlaki naman ang mata niya.

Let's Make it RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon