Oo o Hindi?

152 2 0
                                    

Tweenty Seven


ABEPOv

Nagising akong wala nanaman si Calvin sa tabi ko bumangon ako at ayos saka bumaba na sa baba. Dumiretso ako sa kusina at naabutang nakaupo si Calvin habang nagkakape at kausap si Nanay Inday. Nagtatawanan sila.

"Gising na siya nanay, Pagsabihan mo nga"- Parang batang nagsusumbong naglakad naman ako palapit at kumuha ang tubig sa Fridge nakasanayan ko nang uminom muna ang tubig bago kumain o uminom nang kape.

"Goodmorning nanay"- Bati ko kay nanay inday, umupo naman ako at tinignan si Calvin. "Ano bang problema mo?"-Tanong ko sakanya aga-aga eh.

"Naikwento kasi sakin ni Calvin ang nangyare kagabi"- Sabay abot nang kape sakin.

"Salamat po"- Tapos umupo sa tabi ko.

"Tawa ako nang tawa, Sabi ko kay Calvin sinabihan kitang wag magpapatalo kaya siguro ganon ang inasta mo"- Natatawa siya habang nagkikwento. "Tapos nagsusumbong sabi mo puputulan mo daw siya, Okay lang naman yon ija, Kapag nagluko putulin mo"- Napasimangot naman si Calvin natawa ako.

"Nanay kala ko kampi ka sakin"- Nagtatampong pagkakasabi niya kay nanay.

"Pero ija isipin mo kasiyahan mo si junjun"- Nahiya naman ako sa pinasasabi ni nanay at tinakpan ang mukha ko ngumisi naman si Calvin sakin.

"Nanay"- Saway ko kay nanay inday at tumawa naman siya. "Hindi kaba papasok?"-Tanong ko sakanya.

"Gusto mo ba kong pumasok?"- Tanong niya sakin. Actually ayoko.

"Oo, para wala nang makulit dito"- Sumimangot naman siya.

"Sige basta puntahan moko sa hotel at dalhan moko nang pagkain. Wife's duties remember"- Napabuntong hininga naman ako. Demanding masiyado ang asawa ko.

"Hindi pa okay yong mga pasa ko baka kung anong sabihin nila pag may nakakita"- Napasimangot siya ulit "Sige pupunta ako"- Baka pumunta doon si Andrea patay sakin ang babaeng yan! Ngumiti naman siya at umakyat sa taas.

"Parang bata"- Ngumiti naman si nanay.

"Ngayon lang naging ganyan si Calvin ija, Simula pagkabata matured ang isip niyan kasi strict ang mga magulang niya, Saka simpre alam niyang may mga responsibilidad siya paglumaki niya, Yong kapatid niya kasi hindi mo maasahan, Gusto lang lagi nang batang yon magliwaliw"- Nagulat naman ako sa sinabi ni Nanay.

"May kapatid po siya?"-Nagulat naman si nanay sa tanong ko.

"Hindi mo alam?"- Umiling ako at kumunot ang noo ko. "Miguel Angelo Bueneventura, pero Migo lang ang tawag naming sakanya"- Nagulat ako sa sinabi ni nanay.

"Whaatt, Migo?

~

Umalis na si Calvin at tinawagan ko si Migo.

="O? Napatawag ka?"= Tanong niya sakin ="Miss me?"=

"Miss mo mukha mo, puntahan mo ko sa bahay"- Natahimik naman siya.

="Saan?"= Tanong niya sakin.

"Sa bahay nang KAPATID MO!"- Tumawa naman siya nang malakas.

="Anong sinasabi mo?"= Ginigigil talaga ako nang isang to.

"Miguel Angelo Bueneventura! Pumunta ka dito!"- At binabaan siya. Nakakainis tong isang to kapatid pala niya si Calvin, Pinagtripan niya ko. Naligo ako dahan dahan lang akong nagbihis kasi medyo masakit parin ang pasa ko. Pagkatapos ko tinignan ko ang cellphone ko may 5 misscalled from unknown number.

Tumawag ulit at sinagot ko.

"Hello sino to?"- Tanong ko.

="Hi.. Abegail?"= Medyo pamilyar sakin ang boses niya

"Yes?"-

="Nathan, Hans Nathan Velasco"= Sabi na nga ba pamilyar ang boses niya.

"O? Ikaw pala"- Tumawa lang siya nang mahina sa kabilang linya.

="Kamusta? Kamusta ang mga pasa at sugat mo?"- Tanong niya sakin.

"Yong sugat okay na gasgas lang naman hindi naman malalim, Sa pasa naman unti-unting nawawala na pero meron parin"- Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

="Good to hear that, I'm so worried"= Napangiti naman ako. Ang gwapo nito ni Nathan, sobrang lalim nang dalawang dimples niya^^.

"Okay na ko wag kang mag-alala"- Tumahimik naman siya "Hello?"-

="Abe, pwede ba tayong lumabas? Friendly date lang"- Hindi ko alam ang sasagot ko baka magalit si Calvin pero friendly date lang naman eh.. Wala namang masama don diba.

"Uhmm. Sige"- Sagot ko.

="Mamaya okay lang ba?"- Dapat makauwi nako before 6pm.

"Hapon nalang mga 2pm"- Sagot ko.

="Okay, sunduin kita?"=

"N..no, no. Text mo nalang sakin ang restaurant"-

="Okay sige see you"-

Tapos emend call ko na, Maya-maya may kumatok sa pinto ko. Binuksan ko si Lucy.

"Ma'am nasa baba po si sir Migo"- Ngumiti ako sakanya saka tumango. Nag-ayos muna ako at dali-daling bumaba.

"Hi"- Dali-dali ko siyang hinila at dinala sa garden, tapos pinaghahampas.

"Bakit hindi mo sinabi?"-Tanong ko sakanya sumimangot naman siya.

"Yan agad ang bungad mo sakin tagal nating di nagkita, Pareho talaga kayo ni kuya"- Tumaas naman ang kilay ko.

"Anong pareho?"- Napabuntong hininga naman siya.

"Sinabi ko na kay kuya nang nakaraan araw na ako ang may pakana nang lahat tapos binugbog niya ko"- Nagulat naman ako.

"So ano sabi niya?"- Tanong ko sakanya.

"Wala ka bang pakialam na binugbog niya ko?"- Tanong niya sakin.

"Hindi halatang binugbog ka niya wag kang magsinungaling"- Nagpout naman siya at hinila ko ang nguso niya. "Tigilan mo kakaganyan mukha kang pato, so ano ang sinabi niya?"-Pag-uulit ko sa tanong niya.

"Okay nga lang daw"- Saka umupo siya sa upuan. Napangiti naman ako. "Dapat nga nagthathank you kayong dalawa sakin kung hindi dahil saakin hindi niyo makikilala ang isa't-isa tapos binubugbog niyo lang ako. Hays"- Pagrereklamo niya na parang bata tumabi naman ako sakanya at nagpacute.

"Thank you Migo"- Ngumiti naman siya "By the way wala silang alam na nagkukunwari lang kami tayong tatlo lang"- Tumango naman siya at ngumiti sakin nang nakakaloko.

"Inlove kana ba kay kuya?"- Uminit naman ang pisngi ko ramdam kong namumula ako.

"Ano ba!"- Sabay haspas sa kanya.

"Ano inlove ka na nga!"- Tinignan ko naman siya nang seryoso.

"Kasalanan mo to Migo eh!"- Tumawa naman siya "Masaya ako pag andiyan siya. Masaya ako sakanya"- Inirapan niya naman ako.

"Pareho kayong indenial, puro Masaya ako kapag andiyan siya, Masaya ako sakanya. Bakit ayaw pang sabihin na inlove na kayo sa isa't-isa nakakainis napakaold passion"- Natigilan naman ako.

"Ano? Ulitin mo nga ang sinabi mo. Inlove sakin si Calvin?"- Ngumiti siya nang may pagkabitter.

"Ewan ko kay kuya manhid kasi ang isang yon pero tingin ko he's already inlove pero hindi niya alam"- Napangiti ako at tinakpan ang bibig ko. Kinikilig ako. Si Calvin? Inlove sakin.. "Isang tanong isang sagot, OO lang o HINDI. Inlove kana ba kay kuya?"- Napaisip ako. Inlove na ba talaga ako sakanya? "Ano inlove kaba o hindi?"-Tanong niya ulit.

"OO INLOVE NAKO KAY CALVIN!"

Let's Make it RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon