Calvin and Migo cousin

195 8 2
                                    

Forty One

ABEPov

Nang sinabi ni Calvin yon nahimatay ako at mabilis na umalis kami sa party, nainis ako sa sarili ko kasi hanggang sa anniversary nang kompanya gumawa ulit ako nang eksina. Lumapit si Calvin sakin at inabot nang tubig.

"Okay kana?"-Tanong niya sakin tumango tango naman ako pagkatapos kong uminom nang tubig umupo siya sa tabi ko at ngumiti "Sobra bang nakakahimatay ang kagwapuhan ko"-Inirapan ko naman siya pero kinikilig ako nakakainis. "Dito na pala titira si Migo"-Napatingin naman ako sakanya nang sinabi niya yon..

"Whatt?"- Sagot ko tumawa naman siya.

"Lakas nang tama kay Sonia ewan ko ba"-Natawa narin din ako. Humiga siya sa tabi ko at niyakap ako. "ILOVEYOU Abegail"- Bulong niya sa teanga ko na sobrang kinakilig ko. Sana hindi na matapos to.

SONIAPov

Andito kami lahat sa lamesa at nag-aalmusal.

"Migo nagtext sakin si Aly"- Bungad ni Calvin habang nagbabasa nang dyaryo.

"Nakabalik na sila?"-Tanong ni Migo tumango naman si Calvin habang humihigop nang kape.

"Sino si Aly?"- Tanong ni Abe oo curious din ako sino yong babaeng yon..

"Ah, Second cousin namin anak siya nang pinsan ni Mommy"- Sagot naman ni Calvin sa tanong ni Abe ngumisi naman ito sakanya. "Don't tell me—"

"No.. I'm not"- Natawa naman ako sa kanila ang cute ni Gail.

"Alam mo namang loyal ako sayo"- Cheesy na pagkakasabi ni Calvin sakanya napainom naman ako nang kape feeling ko lalanggamin kami ngayon dito. "Pinapapunta niya tayo sabi ko busy ako kasi maraming aasikasuhin sa office ikaw nalang kasi marami ka namang free time"- Pang-aasar niya kay Migo napabuntong hininga naman ito.

"Busy naman ako kaso mas busy ka lang"- Sagot sakanya ni Migo tinignan niya naman ako "Sama ka ha"-Nagulat naman ako tinignan ko naman ang mag-asawa at tumango lang sila.

"Sasama si Abe para makilala din niya din si Aly ang nag-iisa naming kamag-anak ikaw din para makilala mo siya"- Namula naman ako nang sinabi ni Calvin yon, Actually ewan ko ba pero si Calvin todo push din kay Migo sakin.

"Tara"- Sabi ni Abe ngumiti naman ako at tumango nalang pagkatapos naming kumain ay nag-ayos na kami para pumunta sa bahay nitong second cousin nina Calvin at Migo si Aly Cardosa yong mommy niya ang pinsan nang Mommy nina Calvin at Migo. Nakasakay kami ngayon sa kotse katabi ko si Abe at nasa harap si Migo ilang oras din ang byehe papuntang tagaytay pumasok kami sa parang isang exclusive subdivision napatingin ako sa labas parang paakyat ang kalsada at ang daming mga bahay na dinadaan na magaganda huminto kami sa pinakadulo sa isang malaking bahay..Napawow naman ako grabe, Mayayaman talaga ang angkan nina Calvin at Migo lumabas kami wow ang ganda dito ang daming bulaklak at matataas na puno at sobrang lawak nang paligid.

"Hi"- Napatingin ako sa babaeng maputi na lumapit samin, Napakaamo nang mukha niya at ang ganda niya. "Migo namiss kita"- At yumakap kaagad kay Migo niyakap din siya nito.

"I miss you too Aly kamusta?"- Humiwalay siya kay Migo at ngumiti.

"Pwede bang pumasok muna tayo sa loob bago magkamustahan?"- Binalingan niya naman nang tingin si Gail tapos napangiti siya nang malapad. "Siya naba ang asawa ni kuya Calvin?"- Tumango naman si Migo at nilapitan niya si Gail. "I'm Aly Cardosa, Alam mo bang gustong gusto kitang mameet"- Habang hinahawakan ang kamay ni Gail tapos ngumiti siya wow ang ganda niya talaga.. Yong totoo pamilya ba sila nang mga GOD AND GODDESS?

"Hello, I'm Abegail Garcia-Bueneventura nice to meet you too"- Hinampas naman nito sa balikat si Gail na kinagulat namin.

"You're too stiff.. Ngayong parte kana nang pamilya no need to be so formal ano ba ate Abe"- Nagulat ako sa pinakita niya akala ko sobrang formal niyang babae, Ngumiti naman agad si Gail inakbayan naman siya ni Migo.

Let's Make it RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon