Chapter Seven
CALVINPov
Andito kami ngayon sa isang cheap na restaurant, Yong pwedeng mag-inom at kumain. Nakaupo ako at nasa tabi ko si Abegail lahat sina nakatingin sakin, napabuntong hininga naman ako.
By the way pano nga bang nangyareng ganito na ang pakikitungo ko sakanya. Last night may bagong balitang kumalat ulit sa internet about sakin tinawagan naman agad ako ni Drake.
FLASHBACK
="Sir tignan mo yong bagong news sayo"= Dali dali akong nagopen nang laptop at tinignan ko ang bagong balita about sakin.
= MR. CALVIN BUENEVENTURA IS AN ABUSIVE HUSBAND =
After a news about Mr. Bueneventura secretly married break through, another news came. About him being a rude and abusive husband. Well it is not comfirm yet, If that news about him is true, but many many people that in the bar last May 29 XXXX witness how he treated his wife you can see the comment below.
Mia XXXXX- I saw him he is ill mannered husband
Patrick XXXX- I don't know what happened pero naaawa ako sa babae.
Roy XXXXX- She don't deserve someone like him.
Lovely XXXX- He is the definition of Ass****
View more
Hindi nako nagview pa baka masira ko lang yong laptop, What the **** ako pa ngayon ang masama dito?
Ako nga ang biktima ditto napailing-iling nalang ako, I don't know kung ano bang ginawa ko para sa mga kasiraan na to.
="What are you going to do now sir?"= Tanong ni Drake
"Sue her"- Natawa naman siya sa kabilang linya.
="Let me advice you Calvin not as your secretary but your friend, Are you really out your mind? Sue her?
She already makes those people believe in her, If you sue her mas magiging masama kapa lalo sa paningin nila, Masisira ang image mo you know what I mean? Hindi sila maniniwala sayo kasi mas kapanipaniwala ang
nakita nila nang May 29 nang gabi, And people see her as a poor girl no she's a poor little girl na walang labang kinakawawa nang asawa niyang mayaman"= napatahimik naman ako sa sinabi ni Drake, Drake is also my friend.
"What should I do then?"- tanong ko sakanya
="Make friends with her and ask her to act as your wife"= Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Are you insane?"- Tumawa naman siya sa kabilang linya.
="Yes I am insane, So ano ang naiisip mong paraan to clear your name? Kahit ipabura natin yan sa internet hindi natin mabubura yon sa utak nila"= Napabuntong hininga naman ako
"Wala na bang ibang choice?"- tanong ko sakanya.
="No take it or take it. Your only options is to take it"=
END OF FLASHBACK
"Cheers!"- Pagbabasag nang babaeng katrabaho nila sa tahimik na atmosphere naming lahat, Tahimik lang si Abegail sa tabi ko, Actually pinabackground check ko siya kaya alam ko ang lahat sakanya.
Tinaas naming lahat ang baso namin.
"Nag-away ba kayo ni Ma'am Abe kaya nagpadala ka nang pizza?"- Tanong nang isang lalaking payat ngumiti naman ako.
"Nagtampo kasi sakin to kaya pinadalhan ko ang office niyo nang pizza"- Sabay akbay sakanya ramdam ko yong nginig nang balikat niya tinignan ko naman siya at sobra siyang namumula nakakatawa naman siya.
"Bakit hindi kami invited sa kasal niyo kung ganon?"- Sabi nang lalaking pinakamatanda sa kanila. Nakalimutan na nilang magpakilala how rude.
"Sekreto kasi ang kasal namin, As much a possible hindi kami nang invite, You know what situation I have, Gusto ko lang mapakasal agad sa babaeng mahal ko kaya biglaan.. Right honey?"- Napaiwas naman siya nang tingin at inimom ang lahat nang beer na nasa baso niya. At nagsalin ulit tingin ko kinakabahan siya.
"Mr. Buneventura paano naman kayo nagkakilala?"- Tanong nong babae "Well you see ang gwapo gwapo mo ang yaman yaman mo at ang ganda pa nang katawan mo nako. Ma'am abe your so lucky,"- Habang kinikilig pa tinignan ko naman siya at mas lalo pang napalakas ang inom niya.
"Nagkakilala kami sa isang bar she's drunk lumapit siya sakin then she kissed me"- Muntik naman niyang maibuga ang iniinom niya nang sinabi ko yon.
"Bold"-Sagot nang matabang katrabaho nila
"Forceful"- Sabi nang matanda
"Badass"- Yong mapayat naman na lalaki.
"Ma'am Abe idol na kita!"- Sigaw nong babae.
"Anong nagustuhan mo sakanya?"- tanong ulit nang babaeng katrabaho nila na sobrang kinikilig.
"Yong mga sinabi niyo, Bold, Forceful at badass, Gusto ko kasi yong mga babaeng palaban"- At ngumiti naman ako sakanya napahampas siya sa dibdib niya natawa naman ako. Hindi niya alam ang gagawin niya.
"Nagkukunwari ka lang palang dalagang pilipina Abe"- Sabi naman nang matandang lalaki.
"h..hindi!"- Sagot niya. Kinindatan ko siya at inirapan niya naman ako ngayon wow ibang iba ang ugali niya ngayon.
"Please don't tease her baka hindi kami magkabati lalo"- Ngumiti naman silang lahat sakin "Libre ko order what you want"- Napayehey naman sila at nagthank you sakin.
"Ass*****"- Nagulat naman ako nang sinabi niya sakin yon tinignan ko siya at inirapan niya naman ako.
May split personality ba siya? Kahit yong mga katrabaho niya nagulat din. Tinunga niya yong bote nang beer sa lamesa.
"Kuya isang bucket pa!"- Sigaw niya sa waiter. Naaamaze ako sakanya tinignan ko naman siya.
"Anong tinitingin tingin mo? Dudukutin ko yang mata mo"- I chuckled wow how did she change after drinking.
"See?"- Sabi ko sa mga katrabaho niyang gulat na gulat sa inasal niya. "She's a real badass wife"- Natawa naman ako. Siguro kahit papano maeenjoy ko tong kalokohang to.
8pm nang lumabas kami sa restaurant, This girl is throwing tantrum right now.
"videoke! Videoke!"- napabuntong hininga naman ang mga kasama niya.
"Ma'am Abe!"- Kahit sila napapagod sa kaingayan niya.
"Let my handle this. Thank you for tonight"- nagthank you naman sila at kanya-kanya nang nagtaxi naglakad naman siya palayo sakin sinundan ko siya.
"Wag mo nga akong sundan!"- Sigaw niya sakin pero sinundan ko parin siya. How can I let her go diba, She's drunk and she's a girl baka kung anong mangyare sakanya konsensiya ko pa. And beside I still need her.
"I told you, Don't follow me!"- nakuha naman namin ang atensiyon nang mga taong dumadaan nilapitan ko siya at hinawakan sa sa kamay. "Let me go"- Pagpupumiglas niya nahahampas niya narin ako.
"Stop Abegail"- Pero hindi parin siya tumitigil "If you don't stop I'll kiss you"- Parang wala siyang naririnig maraming taong nagkumpulan samin.
"Stalker, Hinaharass niya ko!"- Sigaw niya nag-iba naman ang expression nang mga tao nasapo ko nalang nang noo ko.
"I said stop"- Last warning ko sakanya to. Kapag hindi pa siya titigil hahalikan ko na talaga siya!
"What if I don't?"- I kissed her, She froze hindi siya gumalaw. Natawa naman ako sakanya.
"I told you if you don't stop I'll kiss you, gusto mo lang atang ikiss kita eh"- And I grin at her nahimatay naman siya. Tinignan ko ang mga taong nakatingin samin.
"I'm Calvin Bueneventura and this girl is my wife, We had a small fight kaya ganito kami, Sorry for the trouble. I'll be going then"- Ngumiti ako saka naglakad na papuntang kotse.
BINABASA MO ANG
Let's Make it Real
RomanceStory between Abegail Garcia and Calvin Bueneventura, Babaeng naghanap nang magpapanggap na asawa niya para hindi mapahiya sa kaibigan niyang si Sonia, Hanggang pagpapanggap nalang ba sila or masasabi din nila someday na LET'S MAKE IT REAL Inspired...
