Nasasaktan ako, Nyeta

169 3 0
                                    

Chapter Twelve


ABEPov

Natigilan ako nang sinigaw niya yon, 'LET'S GET MARRIED?' Lumakas ang tibok nang puso ko at kinabahan ako.

"Come on what's wrong Abe"- Nabalik ako sa realidad, Hindi ako makapaniwala sa sarili ko,

Pinantasya ko siya tapos natigilan ako nang sumigaw siyang magpakasal kami. Mygad Abe baliw kaba!

Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa braso. "Are you okay?"- Tanong niya natulala ako, Ngayong malapitan na siya, Iba-ibang iba. Kyaaaaaaah!~~~ Ang gwapo.

"Aaaaray"- Yes po sinampal ko ang sarili ko, Wala nako sa tamang katinuan.

"Alam mo hindi ko alam ang takbo nang utak mo, Ang weird mo talaga. Bakit mo naman sinampal ang sarili mo?"- Nagtatakang tanong niya habang umiiling pa napahawak naman ako sa pisngi ko. SAKIT Ngayon normal nako!

Hindi ako pwedeng maattract sakanya baka isipin niyang ang gwapo gwapo niya mas lalo pa siyang yumabang.

"Sorry sorry inaantok kasi ako para magising ako"- Pagsisinungaling ko, Alangan naman sabihin ko sakanyang—

Hays I can't believe this, Baliw kana nga Abe.

"You don't need to do that anyway"- Sabay tawa sakin "Kakaiba ka talaga"- Sinimangutan ko naman siya.

"Wala kang pakialam"- Sabay irap ko sakanya

"Bakit? I'm your husband right"- Umiling ako sakanya

"Hindi pako sumasagot nang 'OO' sa tanong mong let's get married"- Mas lalo pa siyang tumawa nang malakas habang hawak hawak ang noo niya.

"Hindi paba? Well alam ko namang sasagot ka nang 'OO' sakin. Sure ako don"- Inirapan ko siya ulit, see ang yabang niya. Kalbuhin ko kaya siya.

"Ang kapal mo"-

"Ano ang gwapo ko? Thank you wife"-Napahawak ako sa noo ko sumakit ang ulo ko.

"Mr. Bueneventura baka masaktan ka lang"- Ngumiti siya sakin at kinindatan ako.

"I know, Hindi moko hahayaan masaktan"- Tapos tinalikuran nako at naglakad pabalik doon sa altar.

~~

Hindi ko siya hahayaan masaktan? Napangiti naman ako. Ass**** ang hilig mong mang-inis at mangtrip.

Lumalakas tuloy yong tibok nang puso ko! Nakakainis ka Calvin.

"Maglakad ka nang nakangiti na parang ang saya-saya mo, Kasal natin to kunwari"- Sigaw ni Calvin,

Napatingin ako sakanya, Natigilan ako bigla,. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "Come on"

Dagdag niya pa, Magkunwari akong masaya. I try my best, Hindi naman ako magaling magacting KATULAD niya. Inayos nila ang belo ko nakatingin lang sakin si Calvin, Kinakabahan ako. Huminga ako nang malalim at ginawa ko yon ngumiti ako na parang ang saya saya ko. Naiintindihan ko na ang nangyayare ngayon tingin ko gumagawa nang video nang kasal naming KUNWARI.

Ginawa ko ang best ko kitangkita ko yong ngiti ni Calvin alam kong peke yon.

Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko ngayon hindi ko mapaliwanag. Ganito ba ang pakiramdam nang kinakasal? Now nararamdaman ko na kung paano ikasal, I should be thankful to him.

Hindi ko inaasahang unti-unting bumagsak ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit, Nagpatuloy lang akong maglakad papuntang altar, Siguro naiiyak ako dahil yong kanta, Ito yong pangarap kong tumutugtog kapag ikakasal ako.

Let's Make it RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon