Ewan ko kinikilig ako kainis.

147 3 0
                                    

Chapter Fifteen


ABEPov

Nang nabitawan ako ni Calvin agad akong tumakbo pabalik nang villa, Hinahawakan ko yong dibdib ko. Ang lakas, Sobrang lakas nang tibok nang puso ko. Bakit ba siya ganyan? Isa siyang malanding nilalang! Isa siyang fuckboy! Nakakainis naman, Tapos yong puso ko parang tanga nagreresponse sa mga nonsense nang lalaking yon.

Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa kusina kumuha nang tubig para kumalma ang puso ko este ang sarili ko. Napapailing nalang ako, Baliw nga talaga siya. Kasalanan to ni Migo kung kinuhanan niya ko nang matinong magpapanggap na asawa sana hindi ako napapagod nang ganito. Partida 2 araw palang to!

"Pain in the ass"- Umupo naman ako, Feeling ko pagod na pagod ako ngayon. May biglang bumukas nang pinto at simpre sino paba yon, Si Calvin.. Siya ulit. Nakangisi siya sakin. AYOKO NA!!!!!!!!!!!!

"Stop teasing me!"- Ngumiti naman siya at lumapit sakin.

"If I don't? How are you going to stop me?"- Tanong niya sakin. I quit, Kiss ko siya kaya? Sabihin ko ikikiss ko siya "Sasabihin mong ikikiss moko"-Napahawak ako sa bibig ko how did he know na sasabihin ko yon! "Gusto ko yong ikikiss mo ko"-Napasubsob nalang ako sa lamesa. I can't stop him. Wala na kong magagawa. "By the way ayos na yong bahay"- Napatingin naman ako sakanya, Nakalimutan ko tuloy na may mga bwisita kami mamaya.

"Talaga?"- Ngumiti naman ako.

"Mag-ayos kana pinabili ko lang nang makakain natin si Dexter after that babalik na tayo marami pakong trabahong naiwan"- At iniwanan nako at umakyat na sa kwarto niya, Tinignan ko siya hanggang makapasok siya. Napangiti naman ako, Ano ba to? Kinikilig ba ko? Ridiculous. At naglakad nako papuntang kwarto ko.

~~

Pagkatapos kong mag-ayos bumaba ako at bumungad sakin sina Dexter at Calvin, Si Dexter nag-aayos nang pagkain while Calvin may kausap sa phone.

"Wow ang sarap"- Sabi ko habang umupo narin, Binaba na ni Calvin yong cellphone niya at naghanda narin para kumain.

"Dexter ikaw na maghatid kay Abe sa bahay didiretso nako nang hotel"- Instructions niya kay Dexter tinignan niya naman ako. "Magpaalam kana muna na magleleave ka, Nakausap ko na yong supervisor mo, Pero much better kung ikaw mismo ang pumunta don"- Tumango naman ako at kumuha na nang pagkain, Iba ang ugali niya ngayon mukha siyang kagalang-galang. Nagsimula na kaming kumain. "By the way about sa preparations, Nasabihan ko na sina Nanay inday na iassist ka"- Tinignan ko naman siya. Bakit ang seryoso niya?

"Okay thank you"- At pinagpatuloy na ang pagkain ko, Pagkatapos naming kumain umalis na agad si Calvin,

Hindi siya nagpaalam sakin, Wait... ano naman kung di siya nagpaalam much better diba.

"Dexter bakit badmood yon?"- Tanong k okay Dexter habang nililigpit namin yong pinagkainan namin.

"Hindi daw kasi nakascore sainyo ma'am"-

"HA?!!!!"- Ngumiti naman siya at nagpeace sign, Bastos din ang bibig nang isang to. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko naalala ko yong posisyon namin dalawa kagabi, Kyaaaah! Nakakainis naman kasi eh.."Ikaw magtapos niyan!"- Tapos umakyat ako sa taas, Pumasok ako sa kawrto ko at humiga ulit. Nagpaikot ikot ako sa kama at sinuntok suntok ang mga unan. Nakakainis kinikilig ba ko? Kinuha ko ang phone ko at tinext siya.

Pervert 639XXXXXXXXX

Ingat ka sa byehe^^.

Pagkatapos magsend huminga ako nang malalim at umayos nang higa. Nagulat ako nang biglang may tumawag tinignan ko.

'Pervert'

Sinagot ko naman agad.

="Bakit namiss mo agad ako?"= Ang kapal niya.

"Hindi ang kapal mo!"- Tumawa naman siya sa kabilang linya.

="Ano? Ang gwapo ko?"= Oo gwapo ka! Napailing-iling naman ako.

"Feeling mo lang yon! Wala ka bang magawa? Iinisin mo nanaman ako?"- Tumatawa parin siya sa kabila

="Ang cute mo kasi"-Napahawak naman ako sa bibig ko, Muntikan nakong mapatili. Enebe Abe focus..

Wag kang bibigay.

"Thank you pero matagal ko nang alam yan no need to remind me"- Wala siyang ginawa kondi tumawa nang tumawa sa kabilang linya. So clown nako ngayon?

="Don't worry darating ako mamaya"=- Sabi niya napangiti naman ako.

"Kahit wag na hindi kana kailangan"- Sarcastic kong pagkakasabi, Ewan ko ba ang saya saya niya.

="Sure ka?"= Tanong niya sakin, Napaisip naman ako, Gusto kong andon siya simpre

"Joke lang di ka naman mabiro, Ikaw ang magaling sating umarte eh"- Biro ko, Hindi naman siya agad nakapagsalita.

="Sorry kung hindi ako nakapagpaalam, Nagmamadali na kasi ako"= Nagulat naman ako bakit siya nagsosorry?

"Ano kaba okay lang yon!"- Sagot ko naman, Bakit naman kasi siya magsosorry, Wala naman sakin yon,

Pero natutuwa ako dahil nagsorry siya. Napabuntong hininga naman ako. Bakit bako ganito?

="May new hobby ako ngayon"= Himala nagopen siya nang topic.

"Uhmm.. Ano naman yon?"- Tanong ko sakanya. Ngumiti naman ako.

="Asarin ka HAHAHAHAHA"= Walangyang to! Asarin ako?!

"Wow gusto mo bang masayahan ako dahil may bago kang hobby ngayon?"- Tumawa nanaman siya. Nakakainis talaga to.

="Abe"= Tawag niya sakin

"ANO!!!!!"- Naiirita ako sakanya

="Napapasaya moko"= Bigla namang lumakas ang tibok nang puso ko, Hindi ko alam yong sasabihin ko o ano, Bakit ba siya ganito?

"C-clown ba ko?"- Tumawa lang siya nang mahina.

"Thank you"- Bigla siyang sumeryoso

"F..for what?"- Tanong ko sakanya, Napabalikwas naman ako nang higa.

"For making me happy"- Natigilan ako. Ha? Ano?

"Ma'am Abe?"-

"Kyaaaaaaaaaah!" (BAG) nahulog ako sa kama. Inalalayan naman ako patayo ni dexter. "Kumatok ka naman!"- Habang hinahaspas siya.

"Kumatok kaya ako ma'am"- Depensa niya sa sarili niya

"Antayin mo munang sumagot ako!"- Sabay hampas sakanya, Namumula ang pisngi ko ngayon alam ko ramdam na ramdam ko ang init nang pisngi ko.

="Abe? Abe?"= Si Calvin

"Sorry sorry nagulat ako kay Dexter"- Sabay awkward na tawa ko.

="Ah.. Okay ka lang?"-

"O..oo okay lang"- Kahit hindi ako okay kasi ang lakas nang tibok nang puso ko tapos ang sakit pa nang pwet ko!

="Abe?"=

"B..bakit?"- Hindi ko alam pero this time mas lumakas ang tibok nang puso ko hindi pa siya nagsasalita pero....

="Thank you for coming into my life"= Napangiti ako nang narinig ko yon, Hindi ko alam but those words make me so happy.

Let's Make it RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon