Chapter Nine
ABEPov
Umuwi ako sa bahay ngayon, Naabutan ko si daddy na inaayos ang mga gamit niya tinulungan ko naman siya.
"Hindi ka umuwi kagabi ah"- bungad niya sakin.
"Sorry daddy, Overtime ako sa trabaho masama kasi pakiramdam ko kahapon,
nakatulog ako nang anim na oras kaya binawi ko nalang"- Patuloy parin siya sa ginagawa niya.
"Doon nako matutulog sa bahay nang kaibigan ko sabay-sabay na kami bukas"- Tumango naman ako,
Pumunta ako sa kusina para magluto. Maya-maya mag iimpake din ako nang mga gamit ko.
Pinapalipat kasi ako ni Calvin sa mansion. Nagluto ako nang paborito ni daddy sinigang na bangus at adobo.
Tinignan ko narin yong ibang maluluto sa fridge, Masisira lang to pag nagkataon.
"Anong lulutuin mo?"- Lumapit si daddy sakin "O? Parang alam ko yan ah HAHAHAHAHA"- Umupo naman siya na parang inaantay ihain ko ang pagkain niya.
"Ipagluluto kita nang gusto mo para masabi mong mas magaling parin ako kay marga"- Umubo naman siya.
Natawa naman ako, nang kumukulo na ang mga niluto ko hinanda ko na ang lamesa.
"Pilya kang bata ka"- Sagot niya. "Baka pagbalik ko buntis kana ha.
Gumamit nang trust para hindi makabuo"- Muntik ko nang mabitawan ang hawak hawak ko.
Nilapag ko naman agad yon sa mesa baka mabagsak ko pa.
"Aba! Bastos ka Alfonso ah"- Tumawa naman siya nang malakas nang naayos ko na ang mga pagkain,
nagsimula na kaming kumain.
"Daddy okay lang naman sakin hindi naman ako katulad mo kastrict"- Tumawa naman siya nang malakas.
"Pinapangaralan mo ba ako, ABEGAIL?"- Nagpeace sign ako sakanya. "Iloveyou anak"- Tinignan ko siya at napaluha naman ako.
"Nakakainis ka ang cheesy mo!"- At tumayo siya at niyakap ako. "Iloveyoutoo dad"
CALVINPov
Nasa office ako at tinitignan yong bagong balita tungkol sakin, So malaking impact ang ginawa ko kagabi.
Pumasok si Drake na nakangisi sakin.
"You really enjoy kissing her huh"- Tinaasan ko naman siya nang kilay.
"Are you a friend or a secretary?"- Tumawa naman siya sakin.
"You have a meeting around 2pm with Mr. Anderson Sir"- Remind niya sakin, Tumango naman ako.
"Nagkagulo nang nakaraan ang mga board of directors, You need to act well sir para maayos na ang issueng to"- Tinignan ko naman siya nang seryoso.
"I'm doing my best, Ginagawa ko ang gusto mo, Hayaan mo silang magkagulo. Such a noisy geezers"-
Tinignan ko ang mga papeles sa desk ko. "Drake, malaking pera ang nawawala sa company.
I think we need to take actions now"- Ngumiti naman siya sakin.
"I already did, I'm just waiting for the results"- naimpress nanaman ako sakanya. He's so smart.
"You're the best man"- Ngumiti naman siya at lumabas na nang pinto. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan
Si ABE the weird girl.
="Bakit ba?"= iritadong bungad niya sakin.
"Let's date"- Hindi naman siya agad sumagot "Hello? Sabi ko let's date"- Inulit ko ulit.
="Wag kang magulo. I'm busy!"= At pinatayan ako, Wow pangalawa na niya to ginawa sakin.
Yong ibang babae kapag inaya ko mag date go agad siya? Pahard to get naman masiyado.
Natawa naman ako. Ang weird niya talaga. Tinawagan ko siya ulit.
"Sino ka para babaan ako?!"- Kunwaring galit ako.
="Ano ba aalis ang daddy ko ngayon, Ihahatid ko siya"= Sagot niya sakin.
"Pumunta ka dito pagkatapos mo diyan!"- Hahaha pagtritripan ko siya tinignan ko ang oras 12m palang naman.
="AYOKO! NAHIHIYA AKO!"=
"You're my wife right? Pumunta ka dito!"- nakarinig ako nang buntong hininga mula sa kabilang linya.
="Tingin ko hindi moko titigilan kapag hindi ako pumunta"= Yeah alam mo yan. You can run but you can't hide
"Magbihis ka nang maganda yong karapat-dapat kang tawaging asawa ko"- Pang-iinis ko sakanya.
="Oo na!"= At ulit pinatayan niya nananaman ako. Natawa naman ako sa susunod ako naman gagawa niyan sayo.
ABEPov
Pagkatapos kong ihatid si daddy doon sa bahay nang kaibigan niya dumeretso agad ako sa Asia Hotel,
Like kamahalan said gandahan ko ang damit ko. Nakakahiya naman ang ganda ko para sakanya.
May dala akong pagkain na niluto ko. Lumapit ako sa Front desk. Ngumiti naman sila sakin.
"Excuse me anong floor yong office ni Mr. Bueneventura?"- Nagulat naman yong babaeng pinagtanungan ko.
"Sorry ma'am we can't give private—"-May lumapit na lalaki sakanya.
"Everyone this is Ms. Abegail Garcia wife of President Bueneventura"- Napahigpit ang hawak ko,
sa dala kong pagkain, Bakit may ganitong portion. Tingin ko namumula ang pisngi ko pinatitinginan nila akong lahat. "Remember her"- Tapos lumapit sakin ang lalaking eskandaluso.
"Siya pala yon?"- Mga bulong bulongan.
"Ganda naman pala"- Alam ko nay an.
"You don't need to do that"- Saway ko sa lalaking nagsalita. Ngumiti naman ako sa mga empleyado at binati naman nila ako. Kinuha niya sakin ang dala-dala ko.
"I'm Dexter ma'am at your service"- Napabuntong hininga naman ako pano ba naman kasi kada may empleyado siyang nakikita ginagawa niya yong ginawa niya kanina. Namumula nako sa kahihiyan. Dumating na kami sa pinakataas na floor naglakad naman kami nang kaunti at bumungad samin ang malaking pinto binuksan niya yon at pumasok kami.
"Office of the president Ma'am"- Umupo naman ako sa couch, Wow mas malaki pa ito sa bahay namin. Amazing.
"Asan pala si Calvin?"- Cassual na tanong ko. Wala kasing tao dito sa loob.
"May meeting lang po pero babalik din yon"- Nanggigil naman ako pinapunta niya ko dito tapos wala siya dito!
Baliw ba siya. Tumayo ako at naglakad palabas. "Madam saan po kayo pupunta?"- Tinignan ko siya.
"Samahan mokong maglibot-libot dito"- Agad naman siyang pumayag at naglibot libot kami.
Bumaba kami sa lobby kung saan may café don, Umorder ako at umupo sa may tabi nang glass door.
Naiilang ako kasi ang mga empleyado ay halatang pinagmamasdan ang kilos ko.
Habang si Dexter nakatayo lang sa likod nang upuan ko kanina ko pa siya pinapaupo ayaw niya. Hays
"Abegail!"- May tumawag sakin pamilyar na boses, Nilingon ko at nakita ko si Sonia.
Nagtimpi naman muna ako, Nasira tuloy ang araw ko nang makita ko siya. Lumapit siya sakin at umupo sa harap ko.
"Anong ginagawa mo dito?"- tanong ko sakanya
"May meet up ako with my friends"- Tumango lang ako at tumingin sa view na nasa harap ko
"Ikaw anong ginagawa mo dito? At sino siya?"- Sabay turo kay Dexter.
"I'm her personal guard"- Sagot ni Dexter
"P...personal Guard?!"- Ipit na sigaw niya at tinakpan ang bibig niya. "Anong ginagawa mo dito?"- tanong niya ulit sakin, Ano nga ba?
"She missed me kaya pinuntahan niya ko dito. Right honey"
BINABASA MO ANG
Let's Make it Real
RomanceStory between Abegail Garcia and Calvin Bueneventura, Babaeng naghanap nang magpapanggap na asawa niya para hindi mapahiya sa kaibigan niyang si Sonia, Hanggang pagpapanggap nalang ba sila or masasabi din nila someday na LET'S MAKE IT REAL Inspired...