Thirty Three
CALVINPov's
Nandito ako ngayon sa bahay ni Andrea, Bakit ako nandito? Tinitignan ko siya habang nag-iimpake nang mga gamit niya.
"Bakit ka aalis?"-Tanong ko sakanya tinignan niya naman ako nang seryoso.
"I'm sick and tired of you Calvin!!! Isa kang puppet nang mga magulang mo!"- Habang patuloy parin sa pag-aayos nang gamit pinigilan ko siya at nilabas ang mga pinapasok niya sa maleta.
"Don't leave me Andrea... Mahal na mahal kita"- Umiiyak nako, Nagmamakaawa akong wag niya kong iwan,
Siya lang ang nakakaintindi sakin, Proud sakin sa lahat nang achievements ko kasi alam niyang pinaghirapan ko yon. Siya lang ang meron ako..
"Calvin, I'm choosing my career over you"- Tapos pinagbabalik ang damit na nilabas ko. Nilabas ko naman yon, NIlabas ko lahat nang damit na pinapasok niya sa maleta, tapos sinampal niya ko. "Hindi mo ba maintindihan ang ibig sabihin nang sinabi ko? Mas mahal ko ang career ko kesa sayo"- Hinawakan ko naman ang kamay niya.
"Please Andrea I'm begging you, wag mo kong iwan"- Habang umiiyak ako sakanya.
"Hindi na kita mahal, Napakawala mong kwenta. Wala kang sariling desisyon at hindi moko kayang ipaglaban sa mga magulang mo. Ang tagal tagal mo nang nagtratrabaho sa kompanya niyo hindi mo pa nakukuha yong pinakamataas na pwesto sana hindi nako aalis kong may pakinabang ka"- Sinarado ang maleta at tumayo na sa kama.
"Gagawin ko ang lahat para sayo"- Ngumisi siya saakin. "Ibibigay na sakin ni Daddy ang kompanya Andrea.. Just wait"- Inirapan niya ko at tinalikuran.
"How long? 1 year, 5 years 10years... I'm done with you calvin"- Hinawakan ko siya sa kamay at pinigilan siyang umalis.
"Marry me Andrea"- Tapos nilabas ko ang singsing at tinabig niya to. Tinignan niya ko sa mata.
"HINDI NA KITA MAHAL CALVIN"- Nanlulumong binitawan ko siya hindi niya na ako mahal? Ganon lang ba kadaling mawala ang pagmahahal niya tinignan ko siya hanggang mawala na siya sa paningin ko. Napayuko ako at hinanap yong singsing na tumilapon sa box. Pinag-ipunan ko pa naman to para sakanya. 'BLUE VIOLET RING'..
~~
"Calvin gising!!!!"- Nagising ako sa yugyog sa braso napamulat ako at nakita ko ang mukha ni Abe. Niyakap niya naman ako. "Okay ka lang ba?"-Tanong niya sakin, Panaginip? Napaniginipan ko ang nangyare 5 years ago..
"Y..yeah"- Tinignan niya naman ako bakas sa mukha niya ang pag-aalala, Ngumiti ako sakanya para hindi na siya mag-alala sakin. "Okay lang nga ako"- Bigla naman niyang hinawakan ang mukha ko at pinahiran ang luha ko. Ha? I'm crying?
"Napaniginipan mo siya?"- Tanong niya sakin habang nakangiti pero malungkot ang mga mata niya.
"N..no"- Pagsisinungaling ko pero tinignan niya parin ako nang seryoso.
"You're calling out her name"- Nagulat naman ako tumayo siya at lumabas nang pinto napasapo naman ako sa noo ko. Totoong umiyak ako at binabanggit ang pangalan niya. Napabuntong hininga naman ako, Ano kaba naman Calvin! Tinignan ko ang orasan nasa 5:48am na tumayo din ako at sundan sa labas si Abe bumaba ako nang hagdan at dumeretso sa kusina andon siya nagtitimpla nang kape.
Tinignan niya ko at ngumiti.
"You want some?"- Tinignan ko lang siya tumalikod siya saakin. Agad na may nilapag siya sa mesa.
"Sorry"- Sabi ko ngumiti naman siya sakin at ang blangko nang mga mata niya.
"For what?"- Tanong niya sakin na parang hindi siya naaapektuhan sa mga sinabi ko. Hindi ako nakapagsalita.
"Ah, yong kanina ba sa kwarto? Wala yon.. Naisip ko na yong isa sa nakasulat sa kontrata mo you can do whatever you want so I am"- Medyo sarcastic na pagkakasabi niya tinignan ko lang siya. "Gusto ko sanang bumalik na sa pagtratrabaho nabobored nako dito sa bahay"-Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko parang nasasaktan ako sa tono nang pananalita niya.
"Wag ka nang magtrabaho"- Sagot kong nginitian niya naman ako.
"Kailangan kong magtrabaho ayokong masanay nang ganitong set-up Calvin, After 3months tapos na ang kontrata natin 1 month na rin tayo nagpapanggap"-Nilapitan ko naman siya at naiinis na ko sa mga sinasabi niya.
"Goodmorning"- Bungad ni Sonia nagulat kami at ngumiti naman kami sakanya "Ang aga niyo ah"- Sabay lapit kay Abe at nagpout "Gail gawa mo ko coffee ang sakit talaga nang ulo ko"- Agad namang ginawan siya nang kape ni Abe umupo to sa upuan kaharap ko.
"Kamusta tulog mo?"-Tanong ko sakanya ngumiti naman siya sakin.
"Masarap feeling single ako"- Sabay tawa nang malakas tinignan ko naman si Abe na ginagawan nang kape si Sonia. "Nag-away ba kayo?"-Tanong niya.
"Hindi.. Medyo masama lang ang pakiramdam ni Abe"- Nagulat naman siya at tumayo saka kinapa kapa ang noo nito.
"Ayos ka lang?"-Tanong niya dito ngumiti naman si Abe sakanya.
"O..oo magiging ayos din ako"- Sagot niya na sobrang makahulugan sakin "Akyat muna ako sa taas"- At umakyat na sa kwarto tinignan ko naman si Sonia na parang nagtataka sakanya.
"Puntahan ko muna siya"-Tumango lang ito at humigop na nang kape umakyat ako sa taas at inabutan siyang nag-aayos. "Kaya nga 3moths lang bakit gustong gusto mong magtrabaho agad 2months nalang naman"- Tinignan niya naman ako nang deretso.
"Ayokong masanay na kasama ka"- Nagulat naman ako sa sinabi niya tinignan niya ako nang seryoso at napayuko nalang ako "At saka kalimutan mo na yong sinabi ko sayo. HINDI PALA KITA MAHAL"-
BINABASA MO ANG
Let's Make it Real
RomanceStory between Abegail Garcia and Calvin Bueneventura, Babaeng naghanap nang magpapanggap na asawa niya para hindi mapahiya sa kaibigan niyang si Sonia, Hanggang pagpapanggap nalang ba sila or masasabi din nila someday na LET'S MAKE IT REAL Inspired...
