Thirty Five
ABEPov's
Andito parin kami sa restaurant ni Nathan nag-uusap kami nang mga randoms topic lang na napag-iisipan lang namin ang gaan talaga nang pakiramdam ko sakanya parang matagal ko na siyang kilala, Ewan ko basta ang gaan talaga nang pakiramdam ko sakanya
"Anong ginagawa pala nang parents mo?"-Tanong niya sakin.
"Yong daddy ko nasa probensiya may lupa kami doon at negosyo kaya umuuwi siya lagi don, About my mom namatay na siya nang 18 birthday ko"- Bigla naman nag-iba ang expression niya at tinignan ako nang seryoso.
"Bakit namatay ang mommy mo?"- Seryosong tanong niya sakin medyo nagulat naman ako.
"Yong 18th Birthday ko kasi 10 years ago sa mismong birthday ko namatay ang mommy ko, Nagkasunog sa venue lahat nakaligtas mommy ko lang ang namatay sa sunog"- Kapag naaalala ko yon, Feeling ko ang unfair sa dami namin don halos lahat nakaligtas bakit si mommy pa? Pwede namang nakaligtas din siya para kahit nasunog yong venue nang birthday ko masaya parin ako. "Umpisa non hindi nako nagcecelebrate nang birthday ko"- Kitang-kita ko ang lungkot sa mukha niya naninibago ako kung bakit ganon ang naging reaksyon niya.
"Sorry kung hinalungkat ko pa yong masakit na past mo"- Sabi niya sakin habang pinipilit ngumiti.
"Okay lang yon.. Wala yon"- At pinunasan ko ang luha kong bigla nalang nangilid sa pisngi ko.
"Kailan ba ang birthday mo?"-Tanong niya sakin.. Nag-alangan naman akong sumagot "Kailan?"-At ngumiti sakin.
"Matagal pa, November 12"-Sagot ko sakanya dumating naman ang pagkaing inorder namin inasikaso niya naman ako nilagyan niya nang pagkain ang pinggan ko napangiti naman ako tingin ko ang swerte nang babaeng mapapangasawa at makakatuluyan ni Nathan.
"Gusto mo bang puntahan natin yong puntod nang mommy mo pagkatapos nating kumain"-Nagulat naman ako ang tagal ko na ding hindi nakakapunta sa puntod nang mommy ko, Ngumiti naman ako sakanya.
"Okay lang ba sayo?"-Tanong ko sakanya ngumiti naman siya sakin.
"Oo naman"- Saka nagpatuloy nang kumain, Marami pa kaming pinagkwentuhan sabi ni Nathan kaya nalulungkot siya nang sinabi kong patay na si Mommy kasi nang pinanganak daw siya hindi niya na nakita ang mommy niya so daddy niya nalang ang meron siya at ang stepmother niya saka kapatid niya sa ama. At sobrang dami pa naming pinagkwentuhan okay naman kasama si Nathan eh, Sobrang napakakomportable siyang kasama.
Pagkatapos naming kumain bumili kami nang dalawang bulaklak para ibigay sa puntod ni Mommy tapos bumili kami nang prutas para ialay doon.
"Ngayon ko lang ulit madadalaw si Mommy"- Sabi ko sakanya habang nagdridrive siya papunta sa sementeryo ngumiti naman siya sakin..
"Bakit naman ngayon ka lang dumalaw sakanya?"- Tanong niya sakin natigilan naman ako.
"Nagpakabusy kasi ako sa trabaho saka may mga dumating ngayon sa buhay ko na kinabusyhan ko nakakainis buti nalang andiyan ka at naalala ko si Mommy"-Ngumiti naman siya sakin.
"Wag kang mag-alala lagi kitang ireremind at sasamahan kapag pupunta ka sa puntod nang mommy mo"- Napangiti naman ako, He's handsome at mabait hindi katulad ni Calvin gwapo nga kinulang naman nang ugali. Nakakainis bakit ba ko nagkagusto sakanya.
"Salamat"- Tinignan niya ko at kinurot sa pisngi.
"Walang anuman"- Pagkasabi niya non ay huminto na ang sasakyan nakarating na kami dinala namin ang prutas at bulaklak sa puntod ni Mommy agad na nilinis ko to pagkatapos kong maglinis agad na nagdasal ako pagkatapos non kinausap ko na si Mommy.
BINABASA MO ANG
Let's Make it Real
RomanceStory between Abegail Garcia and Calvin Bueneventura, Babaeng naghanap nang magpapanggap na asawa niya para hindi mapahiya sa kaibigan niyang si Sonia, Hanggang pagpapanggap nalang ba sila or masasabi din nila someday na LET'S MAKE IT REAL Inspired...