Thirty Nine
ABEPov
Nandito kami ngayon sa bahay ni Sonia kasama ang mga kaibigan namin, ipapaalam niya na daw sakanila na hiwalay na sila ni Mon at kung ano ang naging totoong relasyon nila noon. Kinukwento niya na sa kanila ang mga kinukwento niya rin sakin nang isang araw.
"Okay lang yan yang baka hindi talaga kayo meant to be"- Pagpapagaan nang loob niya ni Mary ngumiti naman si Sonia.
"Oo nga, hindi ko akalain na gagawin yon ni Mon.. Sana andon kami nong time na ginawa mo yon sa babae"- Sabi naman ni Sam ikinuwento niya rin yong nangyare sa Hotel.
"Wag kayong mag-alala makakamove-on agad yan si kiss"- Napatingin naman sila sakin "May nanliligaw na agad"- Tumawa naman ako nang malakas at tinignan niya ko nang masama sila naman nakatingin sa kanya.
"Anong ibig sabihin nito?"-Tanong ni Rizz sakanya, ngumiti naman siya na parang naiilang. Tapos biglang may kumatok sa pinto nagulat kami nang makita namin kung sino ang kumatok. It's Migo at may pa boquet of flower pa.
"Siya ang manliligaw ni Sonia"- Namula naman si Sonia lumapit sakanya si Migo at inabot ang bulaklak sakanya, Nagkikiligan naman ang mga kasama ko sama mo na ko kinikilig din ako.
"Ang gwapo"- Sabi ni Lea, Tumango tango naman ang iba.
"Hello, I'm Miguel Angelo Bueneventura just call me Migo"- Nagulat naman sila.
"BUENEVENTURA?"- Sigaw nila tinignan naman nila ako.
"Yes kapatid siya ni Calvin"- Napawow naman sila at tinignan si Sonia, Hiyang-hiya naman siya na umiiwas nang tingin.
"No wonder na may pagkahawig sila ni Calvin"- Sagot naman ni Mary.
"Kayo ha, Dalawang magkapatid ang ginoal niyo"- Pagbibiro naman ni Sam natawa naman ako si Sonia hindi naman makapagsalita.
"Ilang taon kana?"-Tanong naman ni Rizz kay Migo.
"27 nako"- Napasapo naman nang noo si Rizz.
"Mas matanda kapa sakanya"- Sabi niya kay Sonia ngumiti naman si Migo.
"Okay lang yan, Sa love age is doesn't matter"- Napapout naman ako nakakainis parang mas sweet pa si Migo kesa kay Calvin.. "Kisses ko"-Nagtilian naman ang mga kasama ko ako tinakpan ko naman ang bibig ko, Naiingit ako.
"Be my date tonight please"- Si Sonia naman nagpapabebe pa pero pulang-pula na ang mukha niya.
"Wag kanang tumanggi napakaganda mo naman"- Sabi naman sa kanya ni Lea inunahan na siya.
"Maganda naman si Kisses sa paningin ko"- Nakakainis naman to si Migo pinapaingit ako, Calvin ko asan kanaba.
"Naiingit na kami dito"- Sabi ko naman. Naglabas naman si Sam nang suklay.
"Akin na susuklayin ko ang buhok ni Sonia"- Pagbibiro nito.
"Wait naaapakan natin hanggang gate ang haba"- Sagot naman ni Lea. Ngumiti naman si Sonia kay Migo.
"Sige na nga"- Pabebe kurutin ko to eh. Ngumiti si Migo at kiniss sa noo si Sonia saka umalis na nang bahay.
"Ikaw na maganda"- Sarcastic na pagkakasabi ni Mary sakanya ngumiti naman siya,
"I know right"- Biro nito masaya naman ako para sakanya at kay Migo.
"Kiss baka ito ang reason kung bakit kayo nagkahiwalay ni Mon kasi may mas deserving na tao para sayo si Migo"- Ngumiti naman siya at niyakap ako nagsitayuan naman sila at nakiyakap narin sakanya.
"Tama we're happy for you"- Sabi nila sakanya.
"Salamat"- Sagot ni Sonia na umiiyak na.
~
Kasalukuyang inaayusan kami ngayon nina nanay at Sonia sa bahay, Matagal na nag-announce ang Asia Hotel na closed ang buong hotel ngayong araw hanggang bukas kasi gusto ni Calvin na andon lahat ang empleyado sa anniversary nang kompanya, Ang alam ko kumuha din sila nang sikat na organizer at catering company para makasama ang lahat.
"Kinakabahan ako"- Si Sonia habang nanginginig din ang kamay.
"Pareho tayo"- Sagot ko naman sakanya tumawa naman si Nanay.
"Ano ba kayo maging normal lang kayo"- Advice niya sakin, ang daming invited mga share holders at mga investor pati narin yong mga may-ari nang ibang kilalang company. Parang ayoko nang pumunta.
"Si Dexter ang maghahatid satin diba? Bakit saan si Calvin bakit hindi siya natin kasabay?"-Tanong sakin ni Sonia tumingin din si nanay na parang gusto din malaman kung bakit.
"Andon sila ni Drake dinodouble check yong preparations ibang company ang hahawak nang event hindi naman ang mga empleyado ni Calvin, He's being cautions lang para maayos ang event mamaya saka baka may mga kailangan pang ayusin maaayos na agad habang maaga pa yon ang sabi niya sakin kanina"- Explain ko sakanila, Okay na ang make-up naming pinasuot na saamin ang mga gown namin. Yong dress ni nanay kulay grey na longsleeves na above the knee bagay na bagay naman sakanya simple lang pero napakaelegante. Si Sonia naman kulay pink na dress na medyo hapit sa katawan niya lomgsleeves din na kita ang likod taray sobrang bumagay sakanya,
Nagulat ako sa dress ko. Red na dress na backless sa likod na medyo hapit sa dibdib ko at sa katawan ko mahaba siya na sumasayad yong tela sa likod ko sa lupa yong sa harap naman above the knee no sobrang above the knee konti nalang masisilipan nako kitang kita ang legs ko. Dapat yong telang sumasayad sa likod nilipat nalang sa unahan kulang sa tela yong sa unahan eh..Napailing-iling nalang ako.
"Ayoko nito"- Sabi ko sa nag-aayos sakin.
"Ma'am Abe ito po ang sinabi saamin ni sir Migo"- Patay talaga saakin yang Migo na yan. "Tapos may pinapasabi pa po siya ma'am"- Napatingin naman ako sa babaeng nag-aayos sakin nauutal pa siya. "P..para daw po m..makabuo na kayo ni sir Calvin"- Namula naman ako at tumawa sina nanay at Sonia.
"Kaya naman pala. Push nayan Gail"- Pang-aasar ni Sonia sakin.
"Anak maganda maglalaway si Calvin sayo"-Namula naman ako lalo. Patay talaga sakin si Migo.
"Ang hirap maglakad nito"- Pagrereklamo ko tinignan ko sa salamin ang sarili ko nakakagulat ang sexy at seductive ko. Tinakpan ko ang mukha ko kinakabahan ako kapag nakita ako ni Calvin sa itsura kong to. "Pwede bang ibagsak nalang ang buhok ko?"- Tanong ko sa babaeng nag-ayos sakin.
"Ano kaba Gail yon nga ang dahilan kung bakit tinaas yang buhok mo para makita yong likod mo at yang cleavage mo"- Tinignan ko naman siya nang masama at dahil wala na kong magawa para palitan ang lahat patay nalang sakin si Migo mamaya. Sinundo na kami ni Dexter sumakay kami sa kotse habang sa byehe kami sobrang kinakabahan ako sa magiging reactions ni Calvin sakin. 7:26 pm na nang dumating kami sa Hotel sinalubong na agad kami nang mga mag-aassist samin mas lalong kinakabahan ako ang lakas talaga nang tibok nang puso ko. Nang binuksan ang pinto bumungad agad samin ang maraming tao, Naguusap at kung anu-ano. Inalalayan agad ni Dexter si Nanay kung saan ang table nila at kinuha agad ni Migo si Sonia kinabahan ako kasi ako nalang ang natitira sa may pinto.
Nakita ko agad si Calvin napatingin siya sa direksyon ko lumakas ang tibok nang puso ko, Ngumiti ako nang nakakailang kasi yong mga kausap niya at napatingin din sa direksyon ko. Mas kinabahan ako nang bigla siyang nagsalita.
"Everyone"- Ang lakas nang boses niya na nakakuha nang atension nang mga tao lumapit siya sakin nakatingin lang siya nang diretso sakin. Napalunok ako at mas lalong lumakas ang tibok nang puso ko nang nasa harap ko na siya tinitigan niya muna ako at ngumiti.
"You're so beautiful na sobrang nakakabaliw Abegail"- Halos mamlambot ang tuhod ko sa sinabi niya hinapit niya ang bewang ko palapit sakanya at humarap sa mga guest. "Everyone I present to you, My wife Abegail Garcia-Bueneventura"
BINABASA MO ANG
Let's Make it Real
RomanceStory between Abegail Garcia and Calvin Bueneventura, Babaeng naghanap nang magpapanggap na asawa niya para hindi mapahiya sa kaibigan niyang si Sonia, Hanggang pagpapanggap nalang ba sila or masasabi din nila someday na LET'S MAKE IT REAL Inspired...