Chapter Six
ABEPov
Hindi ako nakatulog kakaisip sa nangyare kagabi. Bumabalik sa isip ko yong sinabi ni Migo na si Calvin Bueneventura ang mismong lalapit sakin. Hays ano ba tong gulong pinasok ko sana sinabi ko nalang ang totoo kay Sonia na wala pakong asawa. Bakit kung wala pa, Masiyado kasing mataas ang pride ko.
"Anak"- Nabalik ako sa katinuan nang alugin ni Daddy ang balikat ko. "Okay ka lang ba?"- Halatang concern siya sa itsura niya. Hays
"Opo, Medyo hindi lang ako nakatulog nang maayos"- Tinaasan niya naman ako nang kilay.
"Sure kang medyo lang? Ang laki nang eyebugs mo o! Medyo lang?"- Napabuntong hininga nalang ako kahit kelan ang usisa talaga ni daddy. "By the way uuwi ako sa probensiya sa Thursday"- Napatingin naman ako sakanya.
"Tuesday na ngayon bakit biglaan?"- Sabay higop ko sa kape ko. Ngumiti naman siya.
"Kasi naman nakalimutan kong sabihin agad"- Sinamaan ko siya nang tingin. "At busy ka diba"- Inirapan ko naman siya. So ako naman ngayon ang may kasalanan.
"Ilang araw ka don?"- Tanong ko sakanya habang kumakain ako.
"3months"- nanlaki naman ang mata ko.
"Ang tagal naman!"- Lumapit siya sakin
"Anak may mga aasikasuhin ako sa lupa don, Saka maraming reunion akong pupuntahan, Matanda na ko abegail gusto ko namang magliwaliw"- Hindi ko siya pinansin
"So inamin mo na ngayong matanda kana?"- Napangiwi naman siya. "Wala nakong magagawa, enjoy mo nalang ang bakasyon mo daddy"- Ngumiti naman siya. May naalala ako "Daddy sino si Marga?"- Nagulat naman siya sa tanong ko. Tinignan ko siya at mukhang kinakabahan siya.
"Ah.. K..kaibigan ko"- Tinaasan ko siya nang kilay "B..bakit?"-
"ILOVEYOU daw eh"- Nanlaki naman ang mata niya mas tinignan ko pa siya "Don't tell me kasama mo siya sa Thursday kaya biglaan ka aalis?"- Napalunok naman siya saka napakamot nang batok. "Sabin a nga ba eh"-
Saka tumayo ako. "Gumamit nang Trust para hindi makabuo okay"- Tapos naglakad nako palayo.
"HOY ANONG TRUST! Bata ka bastos yang bibig mo at matanda nako para makabuo pa!"- Nginitian ko lang siya, at ngumiti din siya sakin.
Si daddy parang barkada ko narin. Strict siya pero mabiro close kami kaya kahit ganon ang usapan hindi siya napipikon sakin. Masaya ako para sakanya buti pa siya. Hays paglabas ko sa kanto naming may itim na kotse na bumungad sakin hindi ko ito pinansin at naglakad nako nang dirediretso, nagulat ako kasi sinusundan ako nito.
Nagmadali ako sa paglalakad nang biglang bumukas ang pinto nang sasakyan at niluwa nito si CALVIN.
Kinabahan ako, hala bakit siya nandito. Tumakbo ako hindi ko alam kung blessing in disguse yong diko pagsuot nang heels ngayon. Sinusundan parin ako nang kotse bigla akong pumara nang taxi at sumakay.
"Manong mega tower po"- At umandar na ang taxi yong sasakyan nakasunod parin, Ano bang problema niya nakakainis ha. Pagkadating ko nagbayad ako at bumaba agad sa taxi daig ko pa si flash sa pagmamadali ko.
Nang makarating nako sa office nakahinga ako nang maluwag.
"AAHh, AAAH!"- May umabot sakin nang tubig si Aldrin.
"Bakit hingal na hingal ka?"- Tanong niya sakin, Uminom muna ako nang tubig para huminahon ako.
"Ayokong malate"- Sagot ko umismid naman siya na parang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
Let's Make it Real
RomanceStory between Abegail Garcia and Calvin Bueneventura, Babaeng naghanap nang magpapanggap na asawa niya para hindi mapahiya sa kaibigan niyang si Sonia, Hanggang pagpapanggap nalang ba sila or masasabi din nila someday na LET'S MAKE IT REAL Inspired...
