Thirty Seven
CALVINPov
Andito ako ngayon sa office.. Off kasi ngayon si Draker minsan lang magoff ang isang yon.. Tinawagan ko naman si Migo siya muna ang gagawa nang mga gagawin ni Drake, Marunong naman din si Migo sa kompanya kasi kahit sakanya strict din ang parents namin pero mas strict sakin..
"Kuya"- Tinignan ko naman siya nang masama.
"Don't call me kuya kapag nasa office tayo"- Napasimangot naman siya sakin.
"Sus, Ang formal naman nasiyado"- Lumapit siya sakin kasi may pinagawa ako sakanya kanina. Inabot niya sakin yong mga picture nang gown na napili niya na susuotin ni Abe sa party.
"Maganda lahat"- Komento ko tinignan ko lahat nang gown gusto ko si Abe ang pinakamaganda bukas nang gabi. Tinignan ko naman siya. "Anong tingin mong maganda?"-Sumimangot naman siya.
"Lahat nga. Lahat naman bagay kay Abe"- Napakunot naman ang noo ko.
"May problema ka ba?"-Tanong ko sakanya. Napabuntong hininga naman siya.
"Kasi naman ayaw sagutin ni kisses ang mga tawag ko"- Napangiti naman ako. "Ang hirap pala kapag seryosong panliligaw kuya"- Natawa naman ako.
"Subukan mo ulit bukas pilitin mo siya para makita ko na rin siya, Pilian mo narin siya nang damit alam mo ba ang size niya?"- Umiling iling siya.
"Kasing laki lang ata sila ni Ate Abe"- Tumango lang ako.
"Sige ikaw na bahala saka yong kaibigan ni Abe na si Sonia pero tandaan mo dapat si Abe ang pinakamaganda sa gabing yon!!! Naiintindihan mo"- Tinaasan niya naman ako nang kilay.
"Oo na, patay na patay na"- Saka umalis na palabas. Naisip ko kamusta kaya si Drake hahahaha. Well mas magaling naman siya sakin bahala na siya.
ABEPov
Papunta ako ngayon sa Hotel kikitain ko si Migo, May itatanong daw kasi siya sakin na hindi pwedeng sa telepono nalang sabihin well hindi ko naman alam kung ano yon, Sumama sakin si Sonia kasi wala naman siyang gagawin sa bahay.
"Gwapo ba yong Migo?"-Tanong ni Sonia ngumiti naman ako sakanya. May pagkahawig si Migo kay Calvin pero hindi mo silang magpapakamalan magkapatid kasi serious type si Calvin happy go lucky naman si Migo magkaibang-magkaiba sila nang ugali.
"Gwapo yon kaso pilyo"- Ngumiti naman siya sakin, Nagfile na sila ni Mon nang divorce sa korte on process na talaga, Ako naman kung saan siya masaya at kung ano ang makakabuti sakanya susuportahan ko siya. Tinawagan ko naman si Migo, at sinagot niya naman agad yon.
"Andito na kami"- Bungad ko sakanya.
="Sige pababa nako"=
"Sa Café nalang kita antayin"- At pinatay ko na, Nagulat nga ako nang sinabi ni Calvin na gustong magtrabaho na ni Migo kasi nainlove sa mysteryosong babae nagsinungaling pa siya saking may fiancée siya. Umorder kami nang tatlong coffee at puwesto sa pinakadulo at inantay si Migo.
"Ang kulet talaga"- Napatingin naman ako kay Sonia.
"Bakit?"-Tanong ko sakanya at tinignan niya ako ngumiti naman siya at umiling lang.
"Wala may makulet lang"- At tinago na ang cellphone natanaw ko sa entrance nang café si Migo. Kumaway ako sakanya at lumapit siya sakin.
"Ano ba yong hindi mo masabi over the phone?"-Bungad ko sakanya at ngumiti naman siya umupo siya at nagulat nang nakita si Sonia, Nagulat din si Sonia nang nakita niya si Migo. Ako naman nalito magkakilala ba sila?
"Angelo?"-Bungad sakanya ni Sonia napataas naman ako nang kilay.
"Kisses?"- By the way ang full name ni Sonia ay Kisses Sonia Miranda kaya kiss ang tawag ko sakanya nang hindi pa kami nag-aaway, Ayaw niyang tinatawag siyang kisses.
"Sabing wag mo kong tawaging kisses"- Galit na pagkakasabi niya kay Migo. Miguel Angelo pala ang pangalan ni Migo. Dahil naguguluhan na ko nagsalita nako.
"Magkakilala kayo?"- Tinignan naman nila ako pareho.
"Hindi"- Si Sonia
"Oo"- Si Migo napataas naman ako nang kilay.
"Alam mo bang kapatid siya ni Calvin?"-Tanong ko kay Sonia na kinagulat niya.
"Hindi"- Sagot niya sakin habang tinitignan nang masama si Migo.
"Alam mo bang kaibigan ko siya?"-Tanong k okay Migo.
"No"- Habang nakangiti kay Sonia.
"So siya ang sinasabi ni Calvin na mystery girl mo Migo"- Tumango naman si Migo na parang kinikilig. Sumakit bigla ang ulo ko, Paanong nangyare to? "Tara umakyat tayo sa office ni Calvin"- Yaya ko sakanila at sinundan naman nila ako tinext ko si Calvin nasa elevator kami at si Migo sobra makatingin kay Sonia nako nakakatakot pala mainlove ang isang to.
"Tigilan mo nga ang kakatingin sakin, Dudukutin ko talaga yang mata mo"-Tinitignan ko lang sila habang nag-aaway. May mga empleyadong pumasok at binati ako binati ko din sila. Nang nakarating na kami sa pinakamataas na palapag naglakad kami nang konti at pumasok sa office ni Calvin..
"O?"-Bungad niya samin habang busy sa pagpirma nang mga papeles. Tinuro ko ang dalawa na biglang kumunot ang noo niya. Tumayo naman siya at tumabi sakin umupo sa couch habang ang dalawa nasa harapan namin.
"Remember yong sinabi mong may nagugustuhan si Migo, Aksidenteng nalaman ko ngayon kung sino siya. Si Kisses ay si Sonia"- Nagulat naman si Calvin at tinignan nang seryoso ang dalawa "Hindi alam ni Sonia na si Migo ay kapatid mo, Hindi alam ni Migo na kaibigan ko si Sonia ang pakilala naman ni Migo kay Sonia is Angelo si Sonia naman ang tawag sakanya ni Migo ay Kisses yong isang pangalan niya"-Napailing-iling naman si Calvin na sobrang hindi makapaniwala sa nangyayare napatawa naman siya nang malakas. "Calvin!!"- Saway ko sakanya at tinignan ako saka ngumiti sakin.
"Honey napakaliit nang mundo talaga"- Habang tinitignan ang dalawa, kitang-kitang iritado si Sonia habang si Migo talagang inlove talaga. "Saan kayong nagkakilalang dalawa?"-Tanong ni Calvin sakanila.
"Sa Bar"- Natawa naman si Calvin tinignan ko naman siya at tinignan din nila siya.
"Honey doon din tayo nagkakilala parang nagiging tulay na ngayon ang bar sa mga totoong love story"- Napatingin naman ako sakanya at ngumiti tinignan naman namin sina Sonia at Migo si Sonia medyo namumula habang si Migo akala mo kinikiliti.
"SInabi ko na sayo na may asawa ako"- Seryosong pagkakasabi ni Sonia kay Migo, Tinignan naman siya ni Migo nang seryoso.
"Okay lang mahal parin kita"- Nagulat naman kami nang sinagot yon ni Migo. Napangiti naman ako.
"Kiss, nakalimutan mo naba hiwalay na kayo inaayos mo na yong divorce niyo"- Ngumiti naman si Migo, Tinignan naman ako nang masama ni Sonia.
"Okay lang naman sakin maging sister in law si Sonia"- Pilyong sagot ni Calvin napatingin naman bigla sakanya si Sonia. "Alam mo bang nagbabago na ang kapatid ko dahil sayo"- Napabuntong hininga naman si Sonia. "Hayaan mo muna siyang manligaw sayo"- Tinignan naman ni Sonia si Migo si Migo naman ngunitian siya.
"Hihintayin kita hanggang sa maging ready kana"- Napangiti naman si Sonia at Napangiti din ako, Ako din hihintayin ko si Calvin hanggang maging ready na siyang mahalin ako pabalik.
BINABASA MO ANG
Let's Make it Real
RomantikStory between Abegail Garcia and Calvin Bueneventura, Babaeng naghanap nang magpapanggap na asawa niya para hindi mapahiya sa kaibigan niyang si Sonia, Hanggang pagpapanggap nalang ba sila or masasabi din nila someday na LET'S MAKE IT REAL Inspired...
