I'm the wife!

162 3 1
                                    

Tweenty Two


ABEPov

Nandito kami ngayon sa isang icecream shop, Kasi tinanong niya ko kung anong gusto ko sabi ko gusto ko nang icecream. Sasabihin ko sana 'SIYA' pero hindi ko magagawa yon no. Ngayon ko lang nalaman na hindi kayang itake ni Calvin ang mga HORROR thing na gustong gusto ko. Totally opposite talaga kaming dalawa pero may kasabihan nga diba opposite attracts.

"So what are we going to do next??"- Tanong niya sakin, Actually I don't even know. Hindi naman ako nakipagdate dati bakit ba ako lagi ang tinatanong niya. Siya tong F<CKBOY dito eh.

"I don't know"- Sagot ko sakanya. Okay na sakin basta kasama ka. Yieeeh! Nyeta ang mais ko.

"Napansin ko kanina wala na tayong stocks sa bahay. Let's go grocery"- Aya niya sakin. Grocery with Calvin?

Parang mag-asawang mag-asawa talaga kami.

"Okay"- Inubos na namin ang kinakain na namin at dumeretso na sa grocery store. Kumuha si Calvin nang cart at nagstart na kaming maglibot, Kumuha kami nang tingin namin ay kailangan namin.

"Alam mo first time kong maggrocery"- Napatingin naman ako sakanya.

"Talaga?" Tumango naman siya.

"Pumupunta don sina Nanay Inday to replenish my stocks"-Napatango nalang ako kaya pala.

"Speaking of Nanay Inday. Bakit hindi ko na sila naabutan kanina?"- Tanong ko sakanya.

"Maaga silang umalis pagkatapos nilang maglinis. May aaskikasuhin kasi sila sa malaking bahay"- Paliwanag niya habang busing-busy sa paglagay nang kung ano-ano sa cart. "Saglit lang hanapin nalang kita"- At umalis muna siya. Tinignan ko siya palayo at naghanap nang mga snacks. Kumuha ako nang kung ano-ano tapos napansin ko yong babae sa gilid ko kasi parang hirap na hirap siyang pumili.

"Ano kaya yong hindi nakakataba?"- Napabuntong hininga naman siya. Base sa katawan niya para siyang model. Napalingon naman siya sakin, At ngumiti lang ako. Maganda siya ang cute nang mukha niya.

"Sorry"- Yon nalang ang nasabi ko. Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa.

"Ano kaya yong hindi nakakataba?"- Tanong niya sakin.

"Hindi ko rin alam kasi hindi naman ako nagdidiet or what"- Sagot ko sakanya tinaasan niya naman ako nang kilay.

"Talaga? Pero maganda ang figure mo"- Sagot niya sakin. Hindi ako masiyadong natuwa sa sinabi niya kasi medyo sarcastic ang tono niya.

"Salamat, Sige mauna nako"- Dumaan lang ako sa tabi niya at may tumawag sakanya.

"Andrea! Bilisan mo na"- Bakit ganon parang inis na inis ako sa babaeng to. Parang gusto ko siyang kalbuhin.

Parang lang naman naglakad ako at nakasalubong ko si Calvin.

"Anong ginawa mo?"- Tanong ko skanya.

"Tinawagan ko si Dexter para siya nalang kukuha nang pinamili natin"- Sagot niya at pinagpatuloy na ang pamimili. Pagkatapos non pumila kami sa cashier nakita ko ullit yong babae kanina paalis na siya dahil kakatapos lang nila.

"Nakuha mo na?"- Tanong ko kay Calvin na kakarating lang kasi may kinuhang kung ano. Pagkatapos non kinuha na ni Dexter yong pinamili namin. Pumasok kami sa isang restaurant.

"Anong gusto mo?"- Tanong niya sakin. Ngumiti naman ako. 'IKAW'

"Kahit ano, Bahala ka na"- Nilibot ko ang paningin ko ang ganda dito. May nahagip ang mata ko.

"Ano yon?"- Tanong ko sa waiter, Tinignan niya naman ang tinuro ko.

"Ah.. Yong po ba? Mga note po yon ng mga customers namin mga gusto nilang sabihin sa taong mahal nila"- Napawow ako may mga ganon pala sila.

"Bakit magsusulat kaba diyan?"- Tanong ni Calvin sakin.

"H..hindi nacurious lang ako. Saka para kanino naman?"- Tanong ko sakanya ngumisi naman siya sakin.

"SAKIN"- Napaiwas nalang ako nang tingin tapos biglang kinuha ang menu para takpan ang mukha ko.

Ramdam na ramdam kong namumula ang pisngi ko."May gusto kabang orderin?"- Tanong niya.

"Bahala ka nga basta masarap"- Sagot ko tapos naalala ko nanaman ang nagyare kaninang umaga. I bite my lower lips, Kinikilig ako nakakainis.

"Bakit ka nanaman napapangiti diyan?"- Tanong niya sakin, Umiling naman ako.

"Bakit masama ba ngumiti?"- Tanong ko sakanya. Ngumisi naman siya.

"Iniisip mo nananaman ako. Andito naman ako sa harap mo"- Napalunok nalang ako. Ang gwapo niya talaga.

Nako Abe.. Stop baka ikaw na mismo magbigay nang sarili mo sakanya.

"B..bakit naman kita iisipin?"- Tanong ko sakanya nagkibit balikat naman siya.

"I dunno"- Tapos ngumiti siya nang makahulugan. "Ah.. Yong kanina ba?"-Nagulat naman ako at binato siya nang nilukot na tissue.

"Nang-aasar ka nanaman"- Sabi ko sakanya at kinindatan niya naman ako. Napahawak ako sa short ko.

Gustong bumaba kasama ang panty ko. Napainom naman ako nang tubig para pakalmahin ang sarili ko.

Yong puso ko naman nagooverjoy parang gustong kumawala sa ribcage ko at pumunta kay Calvin.

Bigla namang dumating na ang order niya nilapag na to lahat nang waiter at nagsimula nakong kumain mukhang madradrain naman nang lalaking to ang lakas ko.

"Alam mo ang lakas mong kumain pero dika tumataba"- Puna sakin ni Calvin. Naalala ko tuloy yong babae kanina.

"Sabi nga nang babae kanina ang ganda daw nang katawan ko imposibleng hindi ako nagdidiet tapos parang pinapalabas niya gumamit ako nang science"- Tumawa naman siya.

"Baka inggit lang sayo yon"- Ngumiti naman ako.

"I know right"- Matiwasay naman kaming kumain hanggang matapos kami. Tinignan ko ang relo ko 8:45 na nang gabi. Naglakad na kami papuntang parking.

"Bakit mo pala ako binilhan nang mamahaling singsing?"- Tanong ko sakanya ngumiti naman siya.

"Simpre you deserve something like that"- At binuksan ang pinto nang kotse. Pumasok naman ako at sinarado yon saka pumasok na rin at nagsimula nang magdrive.

"Sobrang saya ko nang araw na to"- Sabi ko sakanya. Ginulo niya naman ang buhok ko.

"Pinasaya mo rin ako nang araw na to"- Nagulat ako nang sinabi niya yon, Hinawakan niya ang kamay ko. "Holding hands while jogging, Holding hands while walking and holding hands while driving"- Natawa naman ako sa sinabi niya lahat nang yon ginawa niya. "Holding hands while sleeping naman mamaya"- Ngumiti naman ako at hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. Sobrang saya ko. Sobra.

~

Dumating kami sa bahay at nagulat akong may babaeng nakatayo sa pinto, Medyo pamilyar sakin ang likod niya.

Halatang nagulat din si Calvin, Unti-unti kaming naglakad palapit dito. Sino siya? Nagulat ako nang humarap siya, Ngumiti siya at tumakbo palapit kay Calvin at niyakap ako.

"Calvin!!"- Niyayakap niya parin si Calvin, Napakunot naman ang noo ko. Kilala ba siya ni Calvin?

"Anong ginagawa mo dito? Andrea?"- Kumawala siya sa pagkakayakap at tinignan si Calvin.

"Miss me?"- Tanong niya dito pero hindi sumagot si Calvin binaling niya ang tingin sakin.

"Ikaw yong babae kanina diba?"- Tanong niya sakin, Tinaasan ko lang siya nang kilay.

"Sino ka?"- Direktang tanong ko sakanya.

"Me? I'm Andrea Delo Santos, Calvin's First ever love."- Sagot niya 'FIRST EVER LOVE MY ASS' Tinaasan niya naman ako nang kilay "Ikaw sino ka?"- Balik niya nang tanong sakin. Tinaas ko ang singsing ko.

"I'm Abegail Garcia- Bueneventura Calvin's one and only wife"

Let's Make it RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon