Thirty Two
ABEPov
Nakasakay kami nang bahay ngayon at pauwi na nang mansion, Naiilang ako kay Calvin, Dati kasi puro siya asar sakin tapos ngayon napakabanatero niya, Feeling ko icecream ako kanina natutunaw sa paglubog nang araw. I feel lots of butterflies on my stomach, Nakakaloka. Hindi ko siya kinakausap kinakabahan ako saka hindi ko alam ang gagawin ko kapag patuloy pa siyang ganon. Hala, Naalala ko si Sonia pala nasa bahay pagkatapos naming magbayad pumasok agad ako sa gate at patakbong umakyat sa main door.
"O?*Hik* Andiyan na pala kayo *Hik*"- Bungad ni Nanay samin nagulat si Calvin at biglang lumapit kay nanay. Hala lasing ba si nanay.
"Kiss, anong ginawa mo? Bakit pati si nanay pinainom mo?!"- Sermon ko kay Sonia, Kiss ang tawag ko sakanya dati nang hindi pa kami magkaaway.
"Kung alam mo lang Gail, *Hik* Round two ko na to *Hik* mas malakas pa siyang uminom samin. Itong isang to mas weak *Hik* mas malakas pako sakanya *Hik*"- Paliwanag naman ni Sonia Gail naman ang tawag niya sakin siya lang ang tumatawag sakin niyan.
"Sana hindi mo na pinainom"- Panenermon ko pa.
"Anong hindi? *Hik* Siya nga nag-aya samin *Hik* Ayaw panga namin eh"- Binuhat naman ni Calvin papasok sa kwarto niya si nanay at tinawag si Lucy para ligpitin ang kalat, Inalalayan ko naman si Sonia sa kwarto niya. Si Dexter bahala siya sa buhay niya. Pagdating namin don sa kwarto.
"Are you okay?"-Tanong ko skanya ngumiti naman siya sakin.
"No.. "- May mga luhang pumatak sa kanya "P..pero matagal na kaming ganito si Mon.. Hindi naman masaya ang pagsasama namin Gail"-Paliwanag niya at saka humiga. "Ayaw ko lang malaman nina Mary na ganong buhay mag-asawa ang meron ako. Alam mo kung bakit umiiyak ako? kasi ang taas nang pride ko ayokong mapahiya, pero ang tagal ko nang gustong gawin sa babae yon. Yon kasi pagginawa ko maghihiwalay kami ni Mon"- Humiga din ako sa tabi niya at niyakap ko siya sa likod.
"Kiss, Alam mo sabi nila may tao talagang nakalaan sayo. Alam mo namang first love ko si Mon diba pero naisip ko lahat may reason baka kasi hindi kami sa isa't-isa kaya naging kayo. Malay mo din hindi talaga kayo para sa isa't-isa kaya nagkahiwalay kayo matagal makamove-on pero hihilom at hihilom parin naman yong sugat diyan sa puso mo"- Hinarap niya naman ako. Umiiyak siya.
"Namiss kita"- Niyakap ko siya.
"Namiss din kita"- Kumawala naman siya sa yakap ko at tinignan ako.
"Matagal nang nakikipagrelasyon si Mon pero pinabayaan ko kasi mataas ang ego ko. Mahal ko si Mon pero habang ginagawa niya yong kalokohan niya unti-unting nawawala kaya siguro kahit umabot kami sa ganito hindi ako ganon nasaktan kasi matagal nakong nasasaktan at naging manhid na ang puso ko sa sakit, Pero Gail ikaw wag mong gawin ang ginawa ko, Napakabait ni Calvin, He's too good for you kaya katulad nang sabi mo sakin kanina. Ipaglaban mo lang ang sayo. Kung may dumating na asungot sainyo wag kang mag-alala andito lang ako para tulungan ka"-Ngumiti naman ako. Oo may umaasungot sa buhay namin at hindi ko hahayaan makapasok siya nang tuluyan.
~
Pumasok ako sa kwarto at naabutan ko si Calvin hawak ang cellphone niya bagong ligo at nakaupo sa kama ngumiti siya at nginitian ko din siya.
"Kamusta si Sonia?"-Tanong niya sakin.
"Okay na siya naikwento niya na sakin ang nangyare, Hindi ko akalain magagawa sakanya ni Mon yon"-Habang tinatanggal ko ang mga alahas ko sa katawan.
"Sometimes talaga ganon.. Yong taong akala mo kilala mo na at hindi ka ipagpapalit yong akala mo mahal na mahal ka iiwanan ka parin talaga"- Napakunot naman ang noo ko.
"Humuhugot kaba?"-Tanong ko sakanya tumawa naman siya nang malakas.
"Medyo lang"- Inirapan ko siya at pumasok na sa banyo nagshower ako. Bigla akong napaisip nang kung anu-ano. Naisip ko tuloy yong sinabi niyang iiwanan ka parin talaga, About kay Andrea ba yon? Nang-init ang ulo ko ano? Hindi parin ba siya makapagmove-on don? Napalunok nalang ako. Paano kung mahal niya parin yon saka balikan niya.. Eh, Hindi naman kami totoong mag-asawa. Kinakabahan ako sobra, Ayokong iwan ako ni Calvin naiyak naman ako, Bakit kasi kailangan niya pang bumalik? Bakit kailangan niya pang makiepal. Bakit?
"Abe?"- Nagulat ako nang magsalita si Calvin pinatay ko ang shower. "Ang tagal mong maligo gabi na baka magkasakit ka"-Napalunok ako.
"O..oo patapos na"- Dali-dali akong nagshampoo at sabon at nag-anlaw. Kinuha ko ang tuwalya at dumeretso sa walk-in closet saka kumuha nang damit paglabas ko naglalaro parin siya nang cellphone huminga ako nang malalim at lumapit sa salamin at inumpisahan na ang pagblower sa buhok ko. Lumapit siya sakin.
"Ako na"- At kinuha ang blower at pinagpatuloy na ang ginawa ko.
"C..calvin"- Napatingin naman siya sakin nang tinawag ko siya.
"What?"- Habang busing-busy sa pagpapatuyo nang buhok ko.
"Pwede ba kong magtanong?"-Tumango lang siya sakin. "M..mahal mo parin ba si Andrea?"- Natigilan naman siya sa ginagawa niya at napatingin sakin. Hindi agad siya nagsalita, Ako naman inaantay ko ang sagot niya. Napabuntong hininga naman siya.
"Why did you ask?"- Pagiiwas niya nang tanong ko at pinatuloy ang pagblower nang buhok ko.
"Ah.. curiousity"- Nanunuyo naman ang lalamunan ko at kinakabahan ako.
"I dunno"- Sagot niya natigilan naman ako, I dunno means yes or no, hindi niya alam, and he's confused. Hindi nako nagsalita nalungkot ako posibleng mahal niya parin si Andrea. "Maybe No"- Napatingin naman ako sakanya, Naramdaman ko na parang yong tinik sa puso ko nabawasan. "All done lets go sleep"- At binuhat niya ako at pinahiga sa kama, Humiga din siya sa tabi ko at nakatingin ako sakanya. "Don't worry hindi ako magchecheat sayo"- HInalikan niya naman ang noo ko at tinignan ako ngumiti naman ako sakanya.
"Yes, Subukan mo lang pipisatin ko ang itlog mo"-Tumawa naman siya nang malakas.
"Yes takot ko lang sayo"- Inayos niya ang higa ko pinaunan niya ang ulo ko sa braso niya at hinawakan ang kamay ko. "Holding hands while sleeping"- NGumiti naman ako sakanya "Goodnight Abe"- Kailan mo kaya sasabihing mahal moko?
"Goodnight Calvin"- Pumikit na siya, pinagmasdan ko lang siya hanggang makatulog na siya nang narinig ko na humihilik na siya binulungan ko siya "Iloveyou".
BINABASA MO ANG
Let's Make it Real
RomansaStory between Abegail Garcia and Calvin Bueneventura, Babaeng naghanap nang magpapanggap na asawa niya para hindi mapahiya sa kaibigan niyang si Sonia, Hanggang pagpapanggap nalang ba sila or masasabi din nila someday na LET'S MAKE IT REAL Inspired...