Tweenty Five
ABEPov
Nasa bahay ako ngayon at nandito sina nanay inday at ang isa pang maid, Pinapunta daw sila ni Calvin dito.
"Ano bang nangyare anak?"- Tanong ni nanay inday sakin. Nag-aalangan pa sana akong magkwento sakanya kaso gusto kong may mapagsabihan eh.
"Nanay yong Andrea kasi pumunta dito"- Nagulat naman siya.
"Kelan?"- Tanong niya sakin.
"Kagabi"- Tapos pinagpapatuloy niya parin yong paggagamot sa pasa ko at galos ko. "Si Calvin kasi sabi kakausapin niya daw yon to fix things out, bakit kailangan pang ayusin?"- Ngumiti naman siya.
"Anak baka iba naman kasi pagkakaintindi mo sa sinabi ni Calvin.. Fix things out baka gusto niya nang tapusin or magkalinawan na sila"- Tinignan ko naman si nanay nang seryoso. "Umalis kasi si Andrea dati, iniwan si Calvin.
And beside ikaw naman ang asawa ngayon ano bang kinakatakot mo?"- Tanong niya sakin, Yon nanga first ever love niya yon, Hindi ko pa din alam kung anong nararamdaman sakin ni Calvin at hindi kami totoong mag-asawa.
Hindi nako nagsalita pa. "Alam mo bang nakakailang text na sakin si Calvin ngayon paulit-ulit lang ang text niyang kamusta ka? Kamusta na ang pakiramdam mo, okay kana ba ang kulit niya"- Napabuntong hininga naman siya at ngumiti ako.
"Sorry po"- Ngumiti naman siya sakin.
"Don't worry okay lang yon natutuwa ako, Hindi naman ganyan kakulit si Calvin dati ngayon lang. Saka ija huwag mo nang alalahanin si Andrea past na siya ni Calvin ikaw ang present niya ngayon.. Hindi mo ba nararamdaman ang pagmamahal niya sayo?"- Yan ang tanong na hindi ko masagot sagot. Nakakalito si Calvin pero alam ko hindi lahat totoo, He's good at acting and pretending. Ngumiti nalang ako. "Alam mo, Tingin ko mahal na mahal ka ni Calvin, Basta wag ka lang magpapatalo kay Andrea. Panghawakan mo ang asawa mo. Kasal kayo at kahit anong mangyare asawa mo siya"- Napangiti naman ako naalala ko ang mga sinasabi sakin ni Calvin. "ASAWA MO PARIN AKO",
"I'M YOUR HUSBAND", at yong sabi niya saking "IF YOU'RE SCARED HOLD MY HAND AND NEVER EVER LET GO".
"Opo nanay, Hindi ko hahayaang agawin sakin ni Andrea si Calvin! I'm his wife"- Ngumiti naman si nanay.
"Gayan nga, ipaglaban mo kung anong sayo. Kaya mo yan"- At naglabas nang kamao natawa naman ako. Mamaya pag-uwi niya ipagluluto ko siya.
"Nanay tulungan niyo po ako ipagluluto ko si Calvin"- Ngumiti naman si nanay inday.
"Sige"- Hindi ako papayag na may umepal nanaman sa lovelife ko. Ngayon pa, Ngayon pa na alam na alam ko na ang nararamdaman ko sakanya. Hindi ako papayag.
CALVINPov
"Tapos na rin naman ang mga meeting uuwi nako Drake ikaw na bahala dito"- Napabuntong hininga naman siya.
"Kahit lumalaki ang sahod ko gamit na gamit ako sayo"- Tumawa naman ako.
"Sorry na"- Ngumiti naman siya.
"Ikaw na may lovelife, Sige na"- At umalis nako. Nagdrive ako at dumaan sa isang flower shop at bumili nang bulaklak para kay Abe, may nakita akong 7/11 at bumili ako nang chocolate. Sana maging okay na kami. 2:30 palang nang hapon at uuwi nako sa bahay. Inaantok na din ako kaya ganon pero mas nangingibabaw yong gusto ko siyang makita.
Nagdrive ako pauwi nang bahay, Pumasok ako nang gate at pinagbuksan naman ako nang pinto ni nanay inday.
"Ijo, ang aga nang uwi mo ah"- Bungad sakin ni nanay niyakap ko naman siya at inabot sakanya ang tobleron na dala ko. "Sus, May pabulaklak kapa at chocolate nasa kusina siya"- Nagulat naman ako.
"Bakit nandon na siya?"-Tanong ko sakanya
"Medyo okay na siya gusto ka daw niya ipagluto"-Napangiti naman ako at dali-daling pumunta sa kusina. Nakalong sleeves siya nang itim at nakajogging pants.
"Okay ka naba?- Nginitian niya naman ako.
"Oo, Si nanay inday magaling mag-alaga"- Lumapit naman ako sakanya at inabot ang bulaklak saka ang ferrero na paheart shape yong lagayan.
"I'm sorry"- Sabi ko tinanggap niya naman to.
"Sorry din"- Hindi ko alam kung bakit pero niyakap ko siya agad.
"O..aah"- Binitawan ko siya agad.
"Sorry sorry"- Nakalimutan ko ang pasa niya.
"Calvin magdahan-dahan ka naman"- Galit na pagkakasabi ni nanay inday.
"Sorry na nanay, Namiss ko agad ang asawa ko eh"- Ngumiti naman si nanay at tinuro si Abe, tinignan ko siya na parang kinikilig at namumula. "Anong niluluto nang asawa ko?"- Tanong ko sakanya.
"W..wag ka ngang ganyan"- Saway niya sakin, Nginitian ko lang siya. "Sinigang at adobo"- Inamoy ko naman ang niluluto niyang sinigang.
"Ang sarap, Honey gisingin mo nalang ako pagkakain na tayo, Inaantok ako sobra"- Napaiwas naman siya nang tingin.
"Sorry"- Ginulo ko ang buhok niya.
"Okay lang, I'm your husband, Kahit saan ka magpunta hahanapin kita." Pagkasabi ko non kiniss ko ang noo niya at umakyat na papuntang kwarto, Nagbihis ako at humiga na hanggang sa nakatulog nako.
~~
Nagising ako, Pagmulat ko nasa tabi ko si Abe.
"Gising kana, tara kain na tayo"- Bumangon ako at tinignan ang oras 8;43 na.
"Bakit hindi moko ginising?"-Tanong ko sakanya, Pababa na kami nang hagdan.
"Sarap nang tulog mo eh"- Naglakad siya diretso sa kusina. "Iinitin ko lang to"- Sabay init nang ulam.
"Sina nanay?"-Tanong ko
"Pinakain ko na sila kanina saka pinapahinga ko na sabi ko ako na bahalang mag-asikaso sayo pagnagising ka"- Ngumiti naman ako ngayon ramdam na ramdam ko ang may asawa. Niyakap ko siya sa likod.
"Thank you"- Sabi ko ngumiti naman siya at hinarap ako saka hinawakan ang pisngi ko.
"I'm your wife, Ito ang tinatawag na wife's duties diba"- Ngumiti naman ako, Biglang may kumatok sa pinto.
"Sino naman yan gabing-gabi na"- Nakakainis may sumingit pa.
"SIge na aayusin ko na ang lamesa at buksan mo na"- Inayos niya na ang pagkain at naglakad ako papuntang pinto walang ganang binuksan ko yong pinto at nagulat ako.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!"- Tanong ko sa taong kaharap ko.
"Supriseee!"- Lumapit naman si Abe at nagulat din.
"Linta!"- Pabulong na sabi nito. Ngumiti naman si Andrea nang nakakaloko.

BINABASA MO ANG
Let's Make it Real
RomansaStory between Abegail Garcia and Calvin Bueneventura, Babaeng naghanap nang magpapanggap na asawa niya para hindi mapahiya sa kaibigan niyang si Sonia, Hanggang pagpapanggap nalang ba sila or masasabi din nila someday na LET'S MAKE IT REAL Inspired...