Si Calvin nalang ang Loyal ^^.

163 3 0
                                    

Tweenty Eight


ABEPov

Tapos nakong magluto, Sana magustuhan ni Calvin yong bulalo kong niluto. Andito ako sa taas ngayon at namimili nang magandang isuot, Nagdress akong black na longsleeves kasi naman baka makita ang pasako. Close neck siya at medyo maikli pero ang sexy kong tignan mas lalong lumutang yong aking kaputian. Tapos nagskeletos ako. Tinali ko naman pataas ang buhok ko. Bumaba ako at naabutan kong nag-uusap sina nanay at si migo.

"O? Ang ganda mo diyan ija"- Ngumiti ako kay nanay kinuha ko naman yong dadalhin ko para kay Calvin.

"Sana hindi nalang kita pinakilala kay kuya"- Sabi ni Migo tumawa naman ako.

"Wag ka nga Migo, Maghanap ka nalang nang iba, Kaya pala hindi mo alam na magkapatid sila kasi si Migo ang pakilala kaibigan siya nang kuya niya. Pilyo kasi tong batang to"- Napabuntong hininga naman ako.

"Sinabi mo pa po nanay, Ang daming kalokohan yang isang yan"- Tumawa naman si nanay.

"Sakanya ako nahirapan mag-alaga ija, Pero ito naman ang isa sa mga naging kasayahan ko"- At niyakap si Migo, Ngumiti naman ako tinignan ko ang relo ko 11am na.

"Nanay mauna nako"-Paalam ko.

"Hatid na kita"- Offer ni Migo. Umiling lang ako.

"Diyan kana mag-usap kayo ni nanay at namimiss kana niyan, Si Dexter na maghahatid sakin sa hotel, Alis napo ako"- At naglakad na palayo. Naglakad ako hanggang gate at sinalubong ako ni Dexter para kunin ang dala ko.

Pinagbuksan ako nang pinto ni Dexter at pumasok naman ako. Pumasok na siya at nginitian ako.

"Ang ganda mo ngayon ma'am Abe"- Ngumiti naman ako sakanya.

"Dexter kahit kailan bolero ka"- Ngumiti naman siya sakin. "Pero salamat"- Pinaandar niya na ang sasakyan.

~

Dumating ako sa Hotel, Binati naman ako nang mga empleyado. Halos lahat sila tinitignan ako na kinailang ko. Nakasunod lang sakin si Dexter nakasalubong ko si Sonia, Talaga naman kagabi lang nakipagbakbakan nako ngayon nanaman. Wait, Bakit siya umiiyak. Diretso lang siyang naglakad hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Anong nangyare"- Pag-aalalang tanong ko sakanya, Huminto siya at tinignan ako.

"Wala kang pakialam"- At akmang maglalakad na sana siya pinigilan ko siya.

"Soniaaa"- Mahinahon kong tawag sakanya, Umiyak naman siya lalo. "Dexter mauna kana sa taas"- Sabi ko kay Dexter at tumango siya saka umalis. "Let's talk"- Pumunta kami sa Café dito sa hotel umorder ako at doon kami pumuwesto sa kung saan tanaw na tanaw yong garden sa labas. "What happened?"- Seryosong tanong ko sakanya.

"Si Mon, N..nahuli kong may babae, ANdito sila ngayon sa Hotel nagcheck in"- Nagulat ako sa sinabi niya.

"Whaatt? Paano mo naman nalaman? At siya ba talaga yon?"-Tinignan niya naman ako nang seryoso.

"Ilang araw na siyang late umuwi, Naghinala ako sinundan ko siya ngayon imbes na pumasok siya sa office dito siya dumeretso tapos nakita kong hinalikan niya yong babae"- Nanggigil naman ako, Oo magkaaway kami ni Sonia pero hindi ko alam galit na galit ako kay Mon ngayon! Siguro kasi nararanasan kong may lumalandi kay Calvin.

"Sonia, Ipaglaban mo ang sayo!"- Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Anong ibig mong sabihin?"- Tanong niya sakin.

"Ikaw ang asawa, Ikaw ang may karapatan! Wag kang magpapatalo sa malanding babaeng yon"- Natigilan naman siya sa pag-iyak. "Dalhin mo yang kape mo!"- At hinila siya paalis sa pwesto namin. Oo naiinis ako kay Sonia kasi feeling ko inagaw niya sakin si Mon pero hindi naman naging kami kaya wala akong karapatan.

"Saan tayo pupunta?"- Tanong niya sakin.

"Saan ang kwarto nang asawa mo?"- Seryoso kong tanong sakanya, Tumalikod siya sakin.

"Wag na Abe"- Hinawakan ko naman siya sa braso.

"Sonia hindi ka ganyan! Ano ipakita mo sa babaeng yon yong ginagawa mo sakin! Ano? Sakin galit ka kahit wala naman akong ginawa sayo tapos sa babae nang asawa mo maggaganyan ka kahit nilandi niya ang asawa mo?"-Sinampal ko siya at napahawak naman siya sa pisngi niya "Gumising ka! Ito pupuntahan natin ang kalaban mo ihanda mo ang sarili mo. Hahayaan kitang bugbugin siya walang makikialam sayo"- Saka hinila siya papasok nang elevator.

Tinawagan ko si Calvin.

="Asan kaba?"= Bungad niya sakin.

"Sasalang kami sa gyera ni Sonia"- Sagot ko sakanya

="What? Saan ka?"=

"Papuntang room 906 sorry gagawa nanaman ako nang eksina"- At pinatayan si Calvin.

"Bakit mo ginagawa to Abe, Galit ka sakin diba"- Ngumiti naman ako sakanya.

"Magkaibigan tayo at dahil sayo nakilala ko si Calvin"- Sagot ko sakanya.

"Anong ibig mong sabihin?"- Tanong niya sakin hinarap ko siya.

"Ibig kong sabihin wala na sakin ang past, ipaglaban mo yong ASAWA MO kasi ikaw ang ASAWA NIYA"- Ngumiti naman siya sakin. "Handa ka naba?"- Tanong ko sakanya.

"Oo, So it's showtime?"-Tanong niya sakin saka ngumisi "Patay sakin yang P*****nang babaeng yon!"- Ngumiti naman ako.

"Yan ang Sonia na kilala ko"-Lumabas kami sa elevator at naglakad papuntang 906 nang nasa harapan na kami tinignan ko siya at inayos ang damit niya at ang buhok niya. "Ready ka naba?"- Tanong ko sakanya, ngumisi naman siya at tinignan ako nang seryoso.

"Anong tingin mo sakin"- Akmang kakatok na sana kami nagulat ako nang dumating si Calvin.

"What are you doing?"- Kasama niya si Dexter at may isa pang lalaki. "You're invading our customers privacy"- Tinignan ko naman siya nang masama.

"Calvin!"- Pinigilan naman ako ni Sonia.

"Mr. Bueneventura, Pasensiya na. But you see asawa ko ang nasa loob ang room na to. Tingin ko naman may right ako AS HIS WIFE na esturbuhin siya"- Ngumiti naman si Calvin.

"Well said"- Lumapit naman kami sa pinto at kumatok si Sonia at binuksan naman agad bumungad samin si Mon.

"Surprise"- Sabi ni Sonia at nagulat naman si Mon.

"H..honey anong ginagawa mo dito?"- Nauutal na pagkakasabi ni Mon lumapit naman ang babaeng kasama niya na nakatapis lang nang kumot.

"Sinusundo ang asawa ko!"- Tapos pumasok siya at bunuhos sa babae ang kape niya at sununggaban na ang babae aawat pa sana si Mon nang hinarangan ko siya.

"Ass****, subukan mo lang umawat"- Nainis naman siya sakin at tinulak ako. Bigla naman siyang sinuktok ni Calvin.

"Hurt my wife and I'll kill you!"

Let's Make it RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon