Thirty Eight
NATHANPov
Nagising ako sa alarm ko, Pinatay ko naman yon at nagunat muna..Tumayo ako at bumaba papuntang kusina at uminom muna nang tubig nagtoast lang ako nang tinapay at nagtimpla nang kape, 18 years old palang ako umalis nako papuntang states para doon na mag-aral ngayon lang 29 na ko bumalik dito, Matagal din akong tumira sa states kaya medyo American style ang buhay na nakasanayan ko. Bumalik lang ako dito para ako na mag-asikaso sa kompanyang naiwan ni Daddy, Last year lang namatay si Daddy. Ayoko nang isipin yon, ininom ko na yong coffee at kinain ang tinapay saka umakyat sa kwarto para maligo at magbihis. Pagkatapos non bumaba ako at dumeretso sa parking lot tinignan ko ang cellphone ko at nakita ko yong picture namin ni Abe napangiti naman ako, Kahit papano nakompleto na ang araw ko... Nagdrive na ko pupuntahan ko ngayon si Andrea dumaan muna ako sa isang fast food chain at bumili nang pagkain at dumeretso na papunta sa kanya pagdating ko binuksan ko ang gate at dumeretso na sa pinto alam ko naman ang password niya kaya nakapasok agad ako bumungad sakin ang magulong gamit nagwala nanaman siguro ang babaeng to kagabi, Pinatong ko sa lamesa ang pagkain at pinuntahan siya sa kwarto niya.
"Bakit ngayon ka lang?"-Bungad niya sakin nag-aayos siya na parang may pupuntahan siya.
"Busy ako Andrea"- Sagot ko sakanya at umupo sa kama.
"Nagawa mo naba ang pinapagawa ko?"-Tanong niya sakin tinignan ko naman siya.
"I'm doing my best"- Sagot ko sakanya lumapit naman siya sakin.
"Sobrang laki nang kasalanan nang babaeng yan sakin alam mo yan!"- Hindi nako sumagot sakanya alam ko na ang sasabihin niya.
"Dahil sa mommy niya kaya nabaliw ang mommy ko! Kaya hindi ako naniniwala na makakalimutan nang isang tao ang first love niya kasi si Daddy kahit ang andiyan sa tabi niya ay si Mommy hindi niya parin makalimutan ang first love niya ang nanay ni Abe!"- Galit na galit ang tono niya habang sinasabi niya ang mga salitang yon. "Okay naman sana kung ibang babae ang pinakasalan ni Calvin matatanggap ko pa yon pero si Abegail na anak ni Angelica hinding-hindi ako papayag na matalo ulit si Mommy! Aagawin ko sakanya si Calvin kahit anong mangyare hindi ko hahayaan na maging masaya siya! Ipaparanas ko sakanya ang naranasan nang mommy ko dahil sa mommy niya! First love never dies kaya alam kong mahal parin ako ni Calvin alam ko kasi si daddy hindi nakalimutan ang first love niya!"- Tumayo naman ako dahil hindi ko na maating ang naririnig ko sakanya nang mommy niya "Tutulungan mo ako diba, Kuya?"- Nilingon ko naman siya at ngumiti nang pilit.
"Ginagawa ko ang makakaya ko para tulungan ka Andrea"- Sagot ko sakanya tinignan niya naman ako nang masama at lumapit sakin.
"Talaga? Hindi nga?"- Sarcastic na pagkakasabi niya sakin. "So ngayon na nakita at nakasama mo na si Abe sino ang mas gusto mo samin? Ako na kapatid mo sa ama o siya na kapatid mo sa ina?"- Napalunok naman ako.
Yes kapatid ko si Andrea sa daddy at kapatid ko rin si Abe sa mommy, Nagustuhan ni Daddy si Mommy noon pero hindi si Daddy ang gusto ni Mommy kondi ang Daddy ni Abe.. Dahil mayaman si daddy at gusto niya talaga si mommy pinakidnap ni Daddy si mommy at tinago sa bahay nang isang taon, nirape nang daddy si mommy dahil akala niya kapag nagkaanak sila mamahalin na siya ni mommy hanggang mabuo ako sa sinapupunan niya nang pinanganak ako mga weeks ago sinubukang tumakas ni mommy kasama ako pero nahuli siya ni daddy at kinuha ako sakanya nagmakaawa si mommy na kunin ako pero ayaw akong ibigay ni daddy dahil para bumalik sakanya si mommy.
Ilang beses din sinubukan ni mommy na kunin ako but failed hanggang magpakasal na si mommy sa daddy ni Abe nabuntis si Mommy at hindi na nakabalik sa mansion para sakin, Nang nabuntis si mommy nakilala naman ni daddy ang mommy ni Andrea mayaman din sila kaso ay nalugi at sinalba ang kompanya nila sa pamamagitan nang pagpapakasal kay daddy pero yong mommy ni Andrea may gusto nap ala talaga siya kay daddy pero si daddy ang mahal parin ay si mommy. 2 years old nako nang pinanganak si Andrea. At dahil anak ako ni mommy sobra ang pagmamahal sakin ni daddy at hindi manlang napaglaanan si Andrea dahil don lagi akong sinasaktan nang stepmother ko kapag wala si daddy. Dahil ako ang anak nang babaeng hindi makalimutan ni Daddy at dahil ako lang ang mahal ni daddy dahil doon napagdesisyunan kong mag-aral nalang sa ibang bansa nang 18 years old ako.
"Hindi ka makasagot? Sabagay nanay mo yong babaeng dahilan nang pagkabaliw ni Mommy!"- Nasa mental hospital ngayon ang mommy ni Andrea dahil nagkaroon nang mental disorder. Tingin ko sasama na din sa kanya si Andrea. "Kuya isipin mo nalang dahil sayo hindi ako nakaranas nang pagmamahal ni daddy, dahil sayo nangungulila ako sa pagmamahal niya.."- Lagi niya sinisisi sakin na dahil sakin hindi siya minahal ni daddy, ako lang ang mahal ni daddy kaya ako ang pinamanahan nang ¾ nang kayamanan nito at konti lang sakanya. "Kuya siya ang dahilan nang lahat si Abe, kung hindi siya pinagbuntis nang mommy mo sana patuloy parin siya sa pagpunta at pagsubok na kunin ka, Kung hindi siya binuntis sana nakuha kana nang mommy mo at ako nalang ang natira para naramdaman ko ang pagmamahal ni daddy. Kasalanan talaga nilang mag-ina"- Sinampal ko naman siya na kinagulat niya.
"Yong mag-ina na sinasabi mo ay nanay at kapatid ko Andrea!"- Galit na pagkakasabi ko sakanya, Umiyak naman siya.
"Kuya sabihin mo, Ako ang mas mahal mo diba kesa sa isa mong kapatid ako mas mahal mo diba"-Naawa naman ako sa kapatid ko, Lahat nalang nawala sakanya alam kong mali siya pero hindi ko naman siya masisisi. "Kuya ikaw nalang ang meron ako"- Niyakap niya naman ako at niyakap ko din siya, ayokong mamili sa dalawa kong kapatid.
"Andito ako lagi"- Sagot ko sakanya, Si Abe naranasan niya ang pagmamahal nang ama't ina. Unlike Andrea pinagdamot sakanya ang maraming bagay pero mahal ko silang dalawa equally kahit saglit ko lang nakasama si Abe. Kumawala siya sa pagkakayap ko at ngumiti.
"Pupuntahan ko si Mommy ngayon sasama kaba?"- Tanong niya sakin.
"No may aasikasuhin ako sa office, may pagkain sa baba kumain ka muna bago umalis"- At tinalikuran ko na siya. Ayokong makita ang taong nagpahirap sakin dati, I love my sister but not her mother. Andrea's sure name came from her mother ako naman kay daddy, pinapalitan niya ang apelido niya noon. Lumabas ako at sumakay na sa kotse
'How I wish na tawagin din akong kuya ni Abe' napangiti naman ako, Puntahan ko muna si Mommy bago ako pumasok sa office. Bumili ako nang bulaklak at dumeretso na sa sementeryo bumaba ako nang sasakyan at naglakad papuntang puntod ni mommy nilagay ko ang bulaklak. Dalawang araw ding nakalipas nang pumunta kami ni Abe dito, medyo natutuyo na yong bulaklak na dinala namin.
"Mommy, Pinuntahan kita ulit"- Tapos niyakap ko yong puntod. "Ngayon nayakap na kita sorry mommy na hindi manlang ako nagpakita sayo kahit pinupuntahan kita dati"- Lumapat na kami nang mansion kaya hindi narin siguro kami mahanap ni Mommy pero alam ko kung saan ang bahay nila pinupuntahan ko siya pagkatapos nang klase kaso natatakot ako baka hindi niya na ako makilala at sabihin niyang ayaw niya na sakin.
"Wag ka pong mag-alala hindi ko hahayaang masaktan si Abe kasi alam kong mahal na mahal mo siya"- Napangiti naman ako sobrang saya ko na nagiging malapit ako kay Abe at nakita ko na si Mommy. Kahit papano yong lungkot na nararamdaman ko dati gumagaan na ngayon kasi nakita ko na kayong dalawa ulit. Kinabahan ako bigla namatay si Mommy 18th birthday ni Abe after 1 year na umalis na ko sa pilipinas, Ayokong mag-isip nang masama pero sa kwento ni Abe si Mommy lang ang namatay sa sunog ayokong maghinala pero sana mali ako sa hinala ko sa totoong dahilan nang pagkamatay ni mommy.
BINABASA MO ANG
Let's Make it Real
RomansaStory between Abegail Garcia and Calvin Bueneventura, Babaeng naghanap nang magpapanggap na asawa niya para hindi mapahiya sa kaibigan niyang si Sonia, Hanggang pagpapanggap nalang ba sila or masasabi din nila someday na LET'S MAKE IT REAL Inspired...