Lies

157 2 0
                                    

Thirty Four


CALVINPov's

Pumasok ako sa opisina ngayon na masama ang loob, Iniisip ko ang sinabi niya kaninang HINDI NIYA KO MAHAL. Nasasaktan ako, Pakiramdam ko sinasaksak ako nang dagger nang ilang beses. May kumatok naman sa pinto ko.

"Pasok"- At pumasok si Drake na may daladalang mga papeles at sobre.

"Okay na pala ang mga preparation for this coming anniversary nang company"- At inabot sakin ang sobre saka mga papeles "Yan yong invitations at yan ang mga invited sa anniversary saka yong mga details"-Tumango naman ako.

"Drake gusto mo bang magday-off"- Nagulat naman siya sa sinabi ko saka tumawa.

"Goodnews yan ah"- Sagot niya sakin at tinignan ko siya nang seryoso. "Anong meron yong boss ko mismo nagsasabing mag off ako?"- Tanong niya may inabot din akong sobre sakanya.

"May sinet-up ako sayong blind date"- Nanlaki naman ang mata niya.

"No need man, Kaya kong maghanap nang babae ko"- Pagbibiro niyang sagot. Hindi ko naman siya pinansin.

"Puntahan mo yan bukas, Diyan sa restaurant na yan wag mo kong ipahiya"- Tinignan niya naman ako nang seryoso.

"May problema kaba?"- Ngumiti naman ako sakanya. Saka napabuntong hininga.

"Drake may tanong ako sayo"- Lumapit naman siya sakin at serysoso akong tinignan. "Paano kapag napaniginipan mo yong ex mo? Anong ibig sabihin non?"-Tanong ko sakanya napataas naman ang kilay niya.

"Mahal mo pa siya?"- Napakunot naman ang noo ko. "Bakit mo naman siya mapapaniginipan kong hindi mo na siya mahal diba"- Napabuntong hininga naman ako.

"Paano kung ang napaniginipan ko yong panahong iniwan niya ko?"- Napaisip naman siya at tinignan ulit ako.

"Baka nireremind ka lang how she hurt you, Nireremind ka lang kung paano ka niya iniwan"- Napatingin naman ako sakanya nang seryoso "Mahal mo paba?"-Tanong niya sakin.

"Hindi ko alam"- Hinawakan niya naman ako sa braso.

"Kung mahal mo pa, Just let Abe go mukhang mahuhulog na siya sayo"- Tinignan ko naman siya nang masama.

"I can't let her go"- Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Bakit mahal mo ba siya?"-Tanong niya sakin, Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan. .

"I dunno"- Napabuntong hininga naman siya.

"You're a jerk, Si Andrea sinaktan ka at hindi mo alam kung mahal mopa, Si Abe sinasaktan mo at hindi mo alam kung mahal mo ba"- Napakunot naman ako nang noo.

"What do you mean nasasaktan ko si Abe?"- Tumawa siya nang malakas at tinignan ako nang seryoso.

"Jerk ka nga, Manhid kaba? May gusto na sayo yong tao"-Napahampas naman ako sa lamesa ko.

"Sabi niya nga binabawi niya na yong sinabi niyang mahal niya ko"-Bigla naman niya akong hinawakan sa braso.

"Calvin pare, Sinabi niya na palang mahal ka, Anong pinoproblema mo?"- Natigilan naman ako sa sinabi niya " Calvin manhid kanga ako nga ramdam kong may gusto na siya sayo kahit isang beses ko palang siya nakasama ikaw na lagi. Alam ko ring may feelings ka kaso denial ka lang. Bakit? Takot kabang magmahal ulit kaya ganyan ka?"-Natahimik naman ako at napaiwas nang tingin sakanya. Oo takot akong magmahal ulit, Takot akong iwan ulit, Takot akong masaktan ulit.

"Paano kung iwan niya rin ako?"- Tanong ko kay Drake.

"We don't know kung hindi mo susubukan, Sabi mo hindi mo siya kayang mawala diba. Baka magsisi ka sa huli"-Pagkatapos niyang sabihin yon lumabas na siya napaisip naman ako, Hindi ako nakaramdam nang ganitong saya dati kahit kami pa ni Andrea, Sunod-sunuran lang ako sakanya.. Si Abe napasimpleng babae at sobrang ganda.

Hindi ko lang maamin sa sarili kong mahal ko na rin siya. Naisip ko yong sinabi ni Drake na baka magsisi ako sa huli, No hindi ayokong mawala si Abe at ayokong magsisi sa huli kaya magiging matapang nako. Habang nag-iisip ako biglang tumunog ang cellphone ko.

Unknown number... Sinagot ko naman sino kaya to.

"Sino to?"- Bungad ko bigla namang sininok ang taong nasa kabilang linya. Babae

="Calvin baby, Let's talk please I'm begging you"= Kilala ko na kung sino siya.

"Ano pang dapat pag-usapan Andrea? Hindi ba pwedeng manahimik ka nalang at atupagin mo ang career mo?"- Sarcastic na pagkakasabi ko sakanya narinig ko ang pag-iyak niya.

="Calvin, I already lost everything... Wala na ang career ko, nagkaangkle ako hindi nako pwedeng magballet"= Pumipiyok pa siya habang sinasabi niya sakin yon.

"I don't care anymore"- Sagot ko sakanya na sobrang kinaiyak niya.

="Hindi mo na ba ko mahal?"= Tanong niya sakin, Naisip ko yong dating kami walang wala sa meron kami ni Abe.

"Hindi na, 5 years already pass Andrea of course nakapagmove-on nako.. You see may asawa na ko"- Bigla namang tumahimik siya sa kabilang linya.

="Puntahan moko dito, Kondi magpapakamatay ako"- Tapos pinatayan niya ko. Kinabahan naman ako, Knowing Andrea kaya niyang gawin yon.. Tumayo ako at lumabas nang office ayokong makonsensiya.

"Drake babalik din ako agad"- At umalis na dumiretso ako sa bahay ni Andrea binuksan ko ang pinto sobrang dilim binuksan ko ang ilaw at bumungad siya sakin na may ngiti sa mukha.

"Mahal mo parin ako"- At ngumisi tinignan ko ang itsura nang bahay maayos naman tinakot niya lang talaga ako. Tumalikod ako sakanya at akmang aalis na hinawakan niya ang braso ko. "Gusto mo bang gawin ko rin sayo ang ginawa mo sakin para bumalik ka lang sakin"- Tinignan ko naman siya nang seryoso at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"No need Andrea, Useless lang yon.. Kahit gawin mo yon hindi ako babalik sayo"- Tapos tinalikuran ko siya ulit pero hinawakan niya ang braso ko at hinalikan ako, tinulak ko siya agad. "Andrea sorry mahal ko ang asawa ko"- At tinalikuran ko na siya.

"Babalikan mo rin ako Calvin!!!"- sigaw niya sakin pero hindi ko na siya pinansin.

ABEPov's

Andito ako ngayon sa isang restaurant at inaantay si Nathan, Sabi ko nga bahala na si Calvin sa gusto niyang gawin so I am. Ako nag-aya sakanya para magsorry sa nangyare nang nakaraan.

"Abe"-Napatingin ako sa taong tumawag sakin ang gwapo talaga ni Nathan ang tangkad ang puti tangos nang ilong at may dalawang malalalim na dimples. Kumaway naman ako sakanya at lumapit siya sakin, umupo naman siya sa harapan ko at nginitian ako.. Ang gwapo talaga niya nakakainis kung hindi ko lang sana nakilala si Calvin siya nalang sana ang magpapanggap na asawa ko.

"Sorry pala nang nakaraan"- Bungad ko sakanya umiling naman siya sakin.

"Ano kaba okay lang yon, Asawa mo ba talaga yong sumagot?"-Tanong niya sakin at natigilan naman ako. "Sabi niya asawa ka daw niya at wag na daw akong tumawag sayo"- Ngumiti naman ako at inabot sakanya ang menu.

"Nako. Hayaan mo yon, Sige order ka lang nang gusto mo ako bahala libre kita"- Ngumiti naman siya at tinignan na ang menu. So pagkatapos naming mamili tinawag na agad namin ang waiter at nag-antay nang dumating ang order namin.

"Kamusta kana?"-Tanong niya sakin..

"Okay lang naman ako, Ikaw kamusta ka?"- Ngumiti naman siya sakin smilling machine ba siya lagi siyang nakangiti.

"Okay naman medyo busy lang sa kompanya"- Sagot niya sakin habang titig na titig sakin. Medyo nailang naman ako.

"Sorry naisturbo ba kita sa busy schedule mo?"-Umiling naman siya sakin.

"Hindi kasi nawawala naman ang stress ko kapag nakikita kita"- Napangiti naman ako, medyo kinilig ako sa sinabi niya pero hindi ganon sa kilig ko kay Calvin, Nako Abe!!! Si Calvin nanaman.. Kakalimutan ko muna ngayon si Calvin, Wala munang Calvin ngayong araw na to! "Brown eyes ka rin pala"- Nagulat ako sa sinabi niya, Pakiramdam ko namula ang pisngi ko tinignan ko siya at ngumiti.

"Oo pareho tayong brown eyes"- Ngumiti naman siya at lumabas ang dalawang cute na dimples niya at wala na siyang mata ang cute niya. Hindi ko muna iisipin si Calvin ngayong araw nato. Sarili ko muna ang uunahin ko.

Let's Make it RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon