Para sayo! Para kanino pa ba?

167 2 0
                                    

Chapter Seventeen


ABEPov

Kinilig naman silang lahat maliban kay Sonia sa ginawa ko kay Calvcin, Si Calvin halatang nagulat.

"Iniinis kasi ako ni Sonia bakit late ka daw tapos mayaman daw pero wala namang oras sakin"- Pabulong na paliwanag ko sakanya. Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko.

"Goodjob, Diba ganon ang ginawa mo sakin dati"- Pabulong niya ring sabi, Tinakpan ko naman ang mukha ko sa kahihiyan, Bakit kasi pinaalala niya nanaman sakin yon.

"SHUT UP"- Napatihim naman sila na kinagulat naming dalawa.

"Maglalandian lang ba kayo diyan?"- Tanong ni Lea habang kilig na kilig. Tumawa naman si Calvin,

"Sorry sorry ganyan kasi kami nang asawa ko kapag dumadating ako sa bahay"- Tapos naglakad palapit kay nanay inday na nakikikilig din. "Nanay"- At niyakap ito. Ngumiti naman si nanay sakanya at kung anong sinabi na kinatawa niya. Lumapit siya sakin at hinapit ako sa beywang. "tara na?"- Naglakad na kami paakyat sa second floor sumunod naman sila sakin, Naririnig ko silang bulongan nang bulungan na 'ang sweet ni Calvin' 'ang cute naming dalawa' at marami pa. Una kaming pumasok sa kwarto namin, Pagpasok mo makikita mo agad yong malaking wedding picture namin na nakasabit sa ulo nang kama namin.

"Yan ba ang wedding picture niyo? Wow ang ganda mo diyan bebe"- Si Mary lahat naman nakatingin sa wedding picture namin.

"Oo nga no simple lang yong gown pero napakaelegant"- Dagdag naman ni Lea.

"Ang gwapo mo diyan, Calvin"- Puri naman ni Rhizz sakanya.

"Thankyou"- Sunod naman nila tinignan yon walk in closet namin naamaze naman sila kahit kanina pagpasok ko naamaze din ako ang daming damit at sapatos at sobrang ayos.

"Grabe ang laki nang closet niyo kasing laki nang kwarto namin sa bahay no mas malaki pa sa master bedroom namin sa bahay"- Sabi naman ni Sam. Ngumiti naman ako tinignan ko naman si Sonia na hindi na maipinta ang mukha.

I feel sorry for her.

"Ang gaganda nang bag mo"- Ngumiti lang ako sakanila

"Pero bakit hindi mo ginagamit?"- Ngayon nagsalita na ang anaconda. Si calvin na ang sumagot.

"Lahat nang bag niya ako bumibili, Kapag nasa ibang bansa ako o saan man ako magpunta. Karamihan nang gamit dito ako ang bumili sakanya, Kaso ayaw niyang gamitin ewan ko ba dito sa asawa ko"- Sabay pacute sakin. Kakainis ang cute niya!!! Mukha siyang tuta! Hindi siya cute!

"Sayang naman"- Sabi nila.

"Sige pumili kayo nang tag-isang bag bigay nalang ni Abe sainyo"- Nagulat naman ako sa sinabi niya. Tinignan ko naman siya nang seryoso at ngumiti naman siya "Okay lang honey bibili kita nang marami pa at bago"-Inirapan ko naman siya. Nakakainis siya pacute siya nang pacute.

"Wow.. Sana ganyan din ang asawa ko"- Sabi ni Mary

"Same here"- Sabi ni Rhizz. Namili naman sila nang bag si Sonia lang hindi.

"You can have one too"- Sabi ni Calvin sakanya.

"Hindi na kaya naman nang asawa kong bilhan ako niyan"- Sagot niya sabay tingin kay mon na tinitignan ang mga gamit ni Calvin. Napatingin naman sakanya si Mon.

"I can't honey"- Sabi nito saka lumapit sakanya. "Sa ibang bansa galing yong karamihan dito sobrang mahal"- Inirapan niya naman ito saka umalis papunta kina Lea, Ngumisi naman ako.

"Masaya kabang naiinis at napapahiya siya?"- Bulong ni Calvin sakin. Tinignan ko naman siya nang seryoso.

"Yes!"-Ngumiti siya at ginulo nanaman ang buhok ko.

"Scary"- Pang-aasar niya sakin.

"Rawrrrr"- Nagulat naman ako sa ginawa ko, Tinakpan ko ang mukha ko at tawa siya nang tawa.

"Ang cute mo"- Sabay pisil nang pisngi ko. Bigla naman tumikhim sila, at napatingin naman kami.

"Sorry to disturb you, Tapos na"- At hawak hawak nila ang mga bag na pinili nila. Tumawa naman kami, Nakakahiya na talaga ang pinaggagawa ko.

"Tingin ko gutom na kayo, Let's eat"- Tapos lumabas kami nang kwarto at bumaba na.

"Yong first love mo mas gwapo pa ko sakanya"- Bulong ulit ni Calvin sakin. Tumawa naman ako.

"Oo nga eh"- Tapos tumawa naman siya.

"Ang landi talaga nang dalawang to no?"- Nakalimutan namin nasa likod pala namin sila.

"Oo nga"- Sabay tawa sila, Hinawakan naman ni Calvin ang kamay ko. Tinignan ko naman siya saka napangiti nalang kami kung alam lang nila na----nagkukunwari lang kami.

~~

CALVINPov

Nasa dining table na kami nagsi upuan na sila ayos na kasi ang pagkain, Bumukas ako nang wine at isa-isa silang sinalinan at saka umupo na ko sa tabi ni Abe.
"Are you okay?"- Tanong ko sakanya kasi bigla siyang natahimik. Ngumiti naman siya sakin.

"Oo ano kaba"- Nagsimula na kaming kumain.

"Ang sarap naman"- Sabi nang isa niyang kaibigan na si Rhizz

"Talaga? Ako nagluto nang lahat nang yan"- Nagulat naman kaming lahat.

"Talaga? Ang sarap"- Sabi naman ni Mary

"Actually ako kasi nagtimpla lahat, Inassist nila ako sa paggagayat at sa kung ano ano pa"- Nagumpisa narin akong kumain, Ang sarap niya.. Sabagay masarap naman talaga siyang magluto.

"So lagi bang nalelate nang uwi si Calvin?"- Tanong nila kay Abe umiling naman siya at tinignan ako.

"Maaga siya umuuwi kaso minsan may mga times na late na din"- Paliwanag niya aba nagiimprove ang acting skills niya ah.

"Thank you kasi lagi mokong inaantay"- Napatingin naman siya sakin, Ngumiti ako napansin ko bakit ang ganda niya ngayon dahil ba andito ang first love niya, Tinignan ko naman ang lalaki. Di hamak na mas gwapo, mas macho,

mas mayaman simpre at mas maappeal ako sakanya. Sama mo na yong talino at pagiging matino ko. Lahat 'MAS' ako sakanya. Walang wala saakin yang mokong na yan.

"Bakit masiyado ka atang nagpaganda ngayon?"- Pabulong na tanong ko sakanya nagulat naman siya at halatang namula siya.

"Pakialam mo ba"- Saka inirapan ako, Wow wala pala akong pakialam ngayon.
"Bakit nga?"- Pangungulit ko sakanya.

"Wag ka ngang makulit"- Pabulong na pagkakasabi niya, Napatingin naman sila samin.

"Why?"- Tanong nila. Nakaisip ako nang nakakaloko.

"Si Abe kasi tinatanong ko kung bakit sobrang nagpaganda siya ngayon"- Nagulat naman siya at pinagtinginan naman siya nila.

"Bakit daw?"- Sulsol naman ni Lea

"Uhmm..."- Tapos tinignan niya ko nang masama ngumisi lang ako.

"Bakit nga ba?"- Si Sonia ang nagsalita habang nakataas ang kilay niya, Tinignan naman siya si Abe.

"Tinatanong paba yan?"- Sabi ni abe tapos tinignan niya ko nang seryoso

"Para sayo,..... gusto kong maging maganda sa paningin mo"- Nagulat naman ako sa sinabi niya, Medyo lumakas ang tibok nang puso ko. Tinitignan niya parin ako nang seryoso hindi ko alam kung anong irereact ko.

"Maganda ba ko sa paningin mo?"- Seryoso niyang tanong sakin natigilan naman ako, Bakit ganito yong nararamdaman ko kinakabahan ako.

"O..oo naman maganda ka para sakin"- Ang lakas parin nang tibok nang puso ko. Kinakabahan ako? Kinakabahan ako kay Abe? Natigilan naman silang lahat.

"Lagi akong magpapaganda, Kaya wag kanang magtanong kung bakit ako nagpapaganda kasi para sayo yon"- Mas lalong lumakas ang tibok nang puso ko, Hindi ko talaga malaman kung ano ang iniisip niya..

Naspeechless ako wala akong masabi, Kinakabahan ako na natutuwa ako na hindi ko maintindihan.

Napangiti nalang ako, This girl, she's making me go crazy.

Let's Make it RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon