Forty Two
SONIAPov
Andito kami ngayon sa kwarto ni Hannah.. Napagalaman ko na 10 years old na si Hannah at dati pa talaga niya hinahalikan si Migo.. Ano ang say ni Migo? Wala kasi gustong-gusto niya naman ito. Hays hindi sila related in blood nainis ako bigla sa sarili ko nagseselos bako? Pinagseselosan ko ang isang batang 10 years old.
"Boyprend ko sabi mo sasagutin mo na ko kapag totoo nakong babae"- Napatingin naman kami kay Haina na seryosong nakatingin kay Migo.
"So ano? Full grown woman kana ba?"-Tanong ni Migo sakanya ngumiti naman siya.
"Oo may menstruation na ko"- Sabay taas sa hello kitty niyang panty, Agad kong hinablot ang panty niya at tinago "Bakit ba ale"- Nakasimangot na tinignan niya ko.
"Hannah hindi magandang ipakita ang panty sa isang lalaki nakakaturn off yan"- Sabi ko nagpout naman siya at bumuntong hininga. Tinignan ko yong panty na kinuha ko may tagos.
"Last month ko pa tinatago yan para ipakita kay Boyprend para may ebedensiya ako"- Napakamot naman nang ulo si Migo at tinignan ko siya nang masama sumakit bigla ang ulo ko.
"Sino naman nagsabi sayo na gawin mo to?"-Tanong ko sakanya napaisip naman siya bigla.
"Kaklase ko kasi ginawa niya yon sa boyfriend niya at tuwang tuwa yong boyfriend niya"- Nagulat naman ako at natawa nang sarcastic.. Panahon talaga ngayon mga kabataan tinignan ko naman nang masama si Migo.
"Okay naniniwala na kong full grown woman kana"- Nagtatalon naman siya sa kama nang sabihin yon ni Migo.
"Itapon mo na tong panty mong to"- Sabi k okay Hannah umiling naman siya sakin.
"Favorite ko yon eh"- Napabuntong hininga naman ako. Ang kulet niya at ang cute cute niya gusto ko siyang pisatin sa sobrang cute niya. HAHAHAHA (Evil Laugh sa isip)
"So sasagutin mo naba ako?"-Tanong niya kay Migo ngumiti naman si Migo sakanya.
"Hindi parin"- Sagot ni Migo sakanya lumapit siya dito at sumimangot.
"Baaaket!"- Kitang-kitang nagtatampo siya sa sinabi ni Migo.
"Maging Top ka muna sa school mo"- Inirapan niya naman ito nang marinig niya yon.
"Imposible yon!"- Sagot niya at padabog na humiga sa kama niya. Lumapit si Migo at hinaplos ang buhok nito.
"Ang talino mo kaya dati dami mong medals, kaya mo yan kapag gumaraduate kang top sige sasagutin kita"- Ngunitaan naman siya ni Hannah at niyakap si Migo.
~
Lumabas kami ni Migo sa kwarto ni Hannah sabi niya uumpisahan niya na daw ang pag-aaral, Tinignan ko naman si Migo nang lumabas kami sa garden.
"Bakit sobrang attach sayo si Hannah?"-Tanong ko sakanya, Ngumiti naman siya sakin.
"Nang namatay ang Mommy ni Aly lagi na akong pumupunta kina Aly para maglaro at kung anu-ano, Sobarang nalungkot si Aly nang namatay ang mommy niya simpre biglang nag-iisang kamag-anak namin na malapit saamin lagi akong nasa tabi niya para icomfort siya at para pasayahin siya kasi magkababata din kaming dalawa nasanay kaming magkasama hanggang nag-asawa na ulit si Tito Alfred pagkatapos non ay namatay ulit ang asawa niya sa panganganak kay Hannah so parang si Aly na ang tumayong mommy ni Hannah si Aly ang nag-alaga sakanya at nagpalaki sakanya dahil din kay Hannah kaya naging masigla ulit at nakalimutan ni Aly ang sakit nang pagkawala nang mommy niya"- Umupo kami sa isang duyan yong may bubong at tinitignan ang view nakinig lang ako sa kinukwento niya "Si tito Alfred naman dahil dalawa na sa asawa niya ang namatay hindi na ulit nag-asawa pa at isinubsob ang sarili sa trabaho kaya ang magkapatid ang laging magkasama habang lumalaki si Hannah dahil busy lagi si tito parang naghahanap siya nang pagmamahal nang isang ama at dahil lagi akong pumupunta kina Aly naging malapit na sakin si Hannah"- Napatango tango lang ako kaya pala ngumiti naman si Migo "Isang beses umalis si Aly kasi kailangan niyang magtour sa ibang bansa dahil sa course niyang tourism kahit na ayaw niyang ewan si Hannah wala siyang magagawa kaya para hindi na siya mag-alala ako nang nag-alaga kay Hannah nang isang linggo, Ako nagpapaligo sakanya, Nagbibihis sakanya, Nagpapatulog lahat kaya napakaimportante sakin nang batang yan"- Parang proud na proud siya kay Hannah.
"No wonder hindi kana nagulat nang ipakita niya ang panty niya sayo"- Tumawa naman siya nang malakas.
"Oo 4 years old siya nang inalagaan ko dati kaya kitang-kita ko na lahat sa batang yan para sakin isa siya sa princessa ko"- Napangiti naman ako kay Migo hindi ko alam na may ganitong side si Migo kala ko Happy go lucky lang siya walang pakialam sa buhay.
"Siguro ang swerte nang mapapangasawa mo"- Sabi ko sakanya tinignan niya naman ako at ngumiti.
"Kung ganon swerte ka pala"- Nagulat ako at napalunok, Nilihis ko ang tingin ko sa ibang direksyon..
"Ang ganda dito no?"-Pag-iiba ko nang topic tumawa naman siya nang malakas. Tapos naramdaman ko ang paghawak niya nang kamay ko napatingin naman ako sakanya ramdam ko na umiinit ang pisngi ko. Never kong naramdaman ang ganitong kaba nang si Mon ang kasama ko.. Ano bang nangyayare sakin? Bakit ba ko nagkakaganito?
"M..migo"- Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero hindi niya ito binitawan. Unting-unti lumapit ang mukha niya sakin napapigil naman ako nang paghinga ang lakas nang kabog nang puso ko. Sobrang lapit na nang mukha niya konti nalang at magdidikit na ang mga labi namin.
"Kakain na daw tayo!!!"- Sigaw ni Hannah naitulak ko naman bigla si Migo na kinahulog niya sa duyan.
"S..sige"- At tumayo ako agad hinawakan ko ang dibdib ko sobrang kinakabahan ako ang lakas nang tibok nang puso ko huminga ako nang malalim, Ayoko na!! Naloloka ako...
BINABASA MO ANG
Let's Make it Real
RomanceStory between Abegail Garcia and Calvin Bueneventura, Babaeng naghanap nang magpapanggap na asawa niya para hindi mapahiya sa kaibigan niyang si Sonia, Hanggang pagpapanggap nalang ba sila or masasabi din nila someday na LET'S MAKE IT REAL Inspired...