Thirty Six
ABEPov
Naiwan akong nakaupo ngayon, Sobrang nanginginig parin ang katawan ko sa kaba.. Anong bigdeal ba kay Nathan kaibigan ko lang naman siya. Nang hindi na nanlalambot ang tuhod ko tumayo ako at nagbihis lumabas ako nang kwarto at naglakad pababa.
"Ang tagal mo!!"-Bungad ni Sonia sakin ngumiti naman ako tinignan ako ni Calvin na parang sinasabi dito ka umupo sa tabi ko kasi may bakanteng upuan sa tabi ni Nathan umupo ako dulo sa gitna nilang dalawa. Simpre hindi ko naman pwedeng pabayaan si Nathan bisita ko siya, Tahimik lang kaming kumain ang awkward talaga sobra.
"Nathan anong trabaho mo?"-Tanong ni Sonia kay Nathan ngumiti naman si Nathan.
"Sa Restaurant may-ari ako nang 5 star restaurant"- Napawow naman si Sonia at ngumiti nang malapad.
"Tsk"- Singit ni Calvin tinignan ko naman siya nang masama.
"Paano kayo nagkakilala ni Abe?"-Tanong ni Nanay sa kanya, napangiwi naman siya.
"Siya ang bumangga kay Abe"- Nagulat naman silang lahat hinawakan ko naman sa braso si Calvin.
"Accident po ang lahat kasalanan ko kasi ako itong hindi nag-iingat"- Paliwanag ko naman tinignan naman ako nang masama ni Sonia.
"Bakit anong ang nangyare"- Tanong ni Sonia napabuntong hininga naman ako.
"Nag-away kasi kami ni Calvin lumabas ako gabing-gabi na tapos kasi medyo napaiyak ako non medyo blurr na yong vision ko biglang nahulog yong singsing ko binalikan ko yon hindi ko napansin na palapit na ang sasakyan ni Nathan"-Paliwanag ko tinignan naman nang masama ni Sonia si Calvin.
"Bakit naman kayo nag-away?"-Tanong ni Sonia
"Pumunta ang ex girlfriend ko dito, Akala ni Abe yong fix things up na sinabi ko ay makikipagbalikan ako sa ex ko,
Ibig kong sabihin non tatapusin ko na ang lahat"- Habang tinitignan niya ko nang seryoso. Napaiwas naman ako nang tingin.
"Bakit kasi nagoover react ka naman"- Singit naman ni Sonia na parang si Calvin na ngayon ang kinakampihan.
"Exactly hindi niya muna akong hayaan mag-explain"- Sagot naman ni Calvin.
"Ang tamang sabihin kasi don hind fix kondi end"- Singit naman ni Nathan tinignan naman siya nang masama ni Nathan.
"Ano bang alam mo samin nang ASAWA KO?"- Sarcastic na pagkakasabi niya kay Nathan ngumiti naman si Nathan.. Nagsitayuan naman sina Nanay Inday sa table para makapag-usap kami nang maayos. Nilagay nila ang mga pinggan nila sa lababo at umakyat na sa taas si Sonia andito naiwan.
"Ang alam ko kinakaila ka niya bilang asawa"- Nagulat naman ang reaksyon ni Sonia at pinangdilatan ako nang mata napalunok naman ako. Tinignan ako ni Calvin napaiwas naman ako nang tingin.
"Kinaila niya ko kasi nag-away kami non"- Sagot ni Calvin tas si Sonia napatango nalang na parang proud na proud sa sagot ni Calvin tinignan niya ulit ako nag seryoso.
"Ayusin mo muna kaya yong problema mo sa ex girlfriend mo kawawa naman si Abe sayo"- Tinignan ulit ni Sonia nang masama si Calvin biglang tumayo sa kinauupuan niya si Nathan "Hindi ka nga ata makapili kung sino sa kanilang dalawa ex mo o ang asawa mo"- Sarcastic na pagkakasabi niya kay Calvin.. Nakita kong napahilot nang sintido si Sonia hindi ko alam.. May mga reactions siya sa pag-uusap nang dalawa. Tinignan ko si Calvin at hindi nako nagsalita kasi totoo naman talaga ang sinabi ni Nathan saka hindi naman—Nagulat ako sa sinabi ni Calvin..
"Nakapili nako"-Tinignan ko naman siya at tinignan din siya ni Sonia na sobrang gulat"At pinili ko ang asawa ko"- Bigla naman pumalakpak ang loka, Nagulat naman ako sa sagot ni Calvin, Pagkatapos ni Calvin sabihin yon nagpaalam si Nathan na uuwi na siya saakin, hinatid ko naman siya sa pinto.
"Sorry"- Hingi ko nang pasensiya sakaniya. Umiling siya
"No need thank you ngayong araw, Sabihin mo lang kung sinasaktan ka nang kupal mong asawa ilalayo kita sakanya"- Ngumiti naman ako.
"Hindi ko hahayaang gawin mo yon"-Napalingon naman ako kay Calvin tinignan niya si Nathan nang masama "Kaya mo ba siyang ilayo sakin yan ang tanong"- Ngumisi naman si Nathan.
"Oo kayang kaya ko. Anytime kaya ko siyang kunin sayo"- At tinignan ako saka tumalikod na at umalis.
"Nagkakalabuan ba kayo?"-Tanong ni Sonia samin hindi ko nalang siya pinansin ganyan talaga ang totoong ugali ni Sonia umakyat na ako at sinundan naman ako ni Calvin pagpasok niya rinig kong nilock niya ang pinto. Pumasok agad ako sa banyo at nagtoothbrush
"Anong ibig niyang sabihin?"-Tanong niya sakin nagkibit balikat din ako kahit ako hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. Tinignan niya ko pero hindi ko siya pinansin kinakabahan ako pero hindi ko pinahalata. "Nag-usap na kami ni Andrea"- Nakinig lang ako at patuloy ang pagtoothbrush. "Sabi ko mahal ko ang asawa ko"- Natigilan ako napatingin naman ako sakanya. Abe don't fall for it hindi niya namang sinabing mahal ka niya. Mahal kita Abe,
Nilihis ko ang paningin ko at patuloy na nagtoothbrush.. Niyakap niya ko mula sa likod na sobrang kinalakas nang tibok nang puso ko.
"Honey wag mo na kong pahirapan pa. Please"- Malambing na pagkakasabi niya sa teanga ko medyo nakiliti naman ako nakakainis nakita ko sa salamin na ang pula nang pisngi ko. Nagmumog ako at naghilamos bigla niya naman akong pinaharap sakanya at binuhat at pinaupo sa top nang lababo. Ngayon magkalabel na ang mukha namin mas lalo akong kinabaha. Napalunok ako nang ilang beses partida hindi ko pa naaanlawan nang maayos ang bibig ko.
"C..calvin ano ba hindi pako tapos magtoothbrush"- Ngimiti naman siya sakin.
"Wag kanang magalit sakin please"- Umiwas ako nang tingin kasi pacute siya nang pacute sakin nakakainis naman siya eh. Tapos kinikindatan ako.
"Wag mokong idaan sa ganyan"- Sabi ko sakanya mas lalo naman siyang ngumiti sakin.. Yong panty ko!!!
"Hindi ba ko cute asawa ko?"- Sobrang kinikilig ako sa ginagawa niya, Napahampas naman ako sa dibdib niya niyakap niya ko agad. "I'm sorry for hurting you, I'm sorry for everything"-Napaiyak naman ako, Bakit ba kasi magmamahal nalang marami pang kontrabida sa lovelife ko. Lakas makaP**TANG**A Kumawala siya at tinignan ako hinawakan ko ang pisngi niya sobrang namiss ko siya ngayong araw. Tinignan ko ang lips niya I touch it at napangiti naman siya.
"You want to kiss me?"-Tanong niya sakin pilit kong pinigilan ang pagngiti ko. Kaso hindi ko talaga mapigilan nakakainis, Tumango naman ako "You're free to kiss me"- Pagkatapos niyang sabihin yon I closed my eyes and kiss him.
Third Person Pov
Nagdridrive ngayon si Nathan papuntang condo niya, Iniisip niya palang na nasa poder ni Calvin si Abe naiinis na siya, Hindi siya mapakali lalo nang malaman niya na nasasaktan si Abe dahil dito, Pinark niya ang sasakyan at umakyat sa condo niya binuksan niya ang ilaw he feel so empty, Buong buhay niya ngayon lang siya naging nasaya nang ganito. Totoo yon kapag kinuha niya si Abe kay Calvin madali lang sakanya yon.. Kumuha siya nang tubig sa Fridge medyo naiingit siya kay Calvin kasi hindi na ito nag-iisa katulad nang dati. Yes kilala niya si Calvin matagal na.
Biglang nagring ang cellphone niya tinignan niya kung sino ang tumawag napabuntong hininga nalang siya bago niya sagutin ito.
"Anong nangyare?"- Tanong niya sa kausap niya.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo"- Iritadong pagkakasabi niya sa kausap niya. Napabuntong hininga naman siya.
"Puntahan diyan sobrang pagod ako ngayong araw"-Napapikit nalang siya sa mga sinasabi nang kausap niya, Napainom siya nang tubig sa sobrang inis.
"Alam ko! Alam ko nayan wag mo nang ulit-ulitin pa pwede ba!"- Napakunot ang noo niya at napakuyom yong kamao.
"Sige na wag mo na kong artehan pa, Sobrang napapagod na ko sa kaartehan mo Andrea!!!"- At pinatay na ang telepono, Napabuntong hininga naman siya. Naisip niyang si Abe nalang talaga ang magpapasaya sakanya.
BINABASA MO ANG
Let's Make it Real
RomanceStory between Abegail Garcia and Calvin Bueneventura, Babaeng naghanap nang magpapanggap na asawa niya para hindi mapahiya sa kaibigan niyang si Sonia, Hanggang pagpapanggap nalang ba sila or masasabi din nila someday na LET'S MAKE IT REAL Inspired...