Forty Three
ABEPov
Nakaupo nako sa hapag at naghain na ang mga kasama sa bahay nina Aly ang daming pinaluto niya.. Iba din ang hospitality na binibigay ni Aly sa bisita natutuwa ako sakanya. Napatingin ako kay Sonia na sobrang namumula.
"May lagnat kaba?"-Tanong ko sakanya paslow motion na tinignan niya ko.
"H..ha?"- Tinaasan ko naman siya nang kilay bigla naman lumapit si Migo habang magkaholding hands sila ni Haina. Ano kaya ang nangyare sa dalawang to.
"Okay na!!!"- Excited na pagkakasabi ni Aly pumalakpak naman si Hannah nako magkapareho talaga sila nang ate niya, Maingay at makulet pero sobrang nakakatuwa. "Let's eat!!"- Umupo narin ito sa tabi ko at nagsimula nang kumain bigla naman may nagdoorbell nilapitan naman iyon nang isa sa mga kasambahay niya.
"Wow kumain na kayo nang wala ako!"- Napalingon naman kami nang makita namin si Calvin nakapang office attire pa, Tumayo naman si Aly at sinalubong si Calvin saka niyakap ito.
"Nakakainis ka kuya pabebe ka!"- Natawa naman si calvin at ginulo ang buhok niya lumapit naman sakanya si Hannah saka ngumuso. Nagulat naman ako nang ikiss siya ni Calvin, Napatingin naman ako kay Sonia na nakangisi sakin.
"Ngayon alam mo na ang pakiramdam"- Pabulong na pagkakasabi nito ngumiti naman ako kinurot naman ni Calvin ang pisngi ni Hannah at niyakap siya nito.
"Pag nasa 11 kana bawal kanang humingi nang kiss sakin ha"- Pabirong pagkakasabi niya dito sumimangot naman si Hannah.
"Oo na alam ko asan na ang pinangako mo sakin?"- Ngumiti naman si Calvin sakanya "Nakalimutan mo no?"-Saka nagpout na sobrang nakasimangot na kay Calvin ang cute ni Hannah nakakainis sana ganyan din ka cute ang magiging anak ko.
"Ikaw paba makakalimutan ko simpre nasa kotse mamaya mo na kunin kumain ka muna"- Nagtatalon naman ito nang narinig niya at tumabkbo pabalik nang upuan niya at maganang kumain. "Meron din ako sayo Aly'ng malaki"- Biro nito kay Aly inirapan siya nito at tumawa.
"Ang korny mo!"- Sagot niya kay Calvin at nagsimula naring kumain lumapit sakin si Calvin at kiniss ako sa noo umupo siya sa tabi ko at nilapagan siya nang pinggan at kutsara nang isang kasambahay. Biglang may tumawag sa telepono. Lumapit ang isang kasambahay at binigay kay Aly ang cordless telephone.
"Who's this?"-Tanong niya sa kasambahay
"Kaibigan mo daw po ma'am"- Kinuha niya agad ang telepono at biglang nag-iba ang expression niya bigla nagexcuse siya samin at tumayo.
ANDREAPov
Naisipan kong tawagan ang isa kong kaibigan si Aly Cardosa Calvin's Second cousin and my brother ex girlfriend.
="Bakit ka napatawag?"=Cold na pagkakabungad niya sakin.
"Hindi mo ba ako namiss my friend?"-Sagot ko sakanya bigla naman siya nagpakawala nang malakas na buntong hininga. "Hindi ko kasi makontak ang phone number mo kaya sinubukan kong tumawag sa telephone number niyo luckily andiyan ka"- Masigla kong pagkakasabi sakanya hindi naman siya sumagot agad.
="Wag na tayong magpaligoy-ligoy pa. What do you want?"= Diresto niyang tanong sakin tumawa naman ako nang malakas.
"Alam mo kung ano. Your cousin Calvin"- Hindi naman siya sumagot "Ako alam ko kung ano, No let's be specific sino ang gusto mo. My Brother Nathan right? Kaya kitang tulungan magkabalikan kayo. You know naman my brother always listen to me, Help me with your cousin and I'll help you with my brother magandang deal diba?"-Tumawa naman siya sa kabilang linya.. Sarcastic na pagtawa na kinainis ko.
="Andrea,, 1st stop using your brother to bargain something na parang isa lang siyang item, hindi mo ba naisip na siya nalang ang meron ka at nagmamahal sayo?"- Nang-init naman ang ulo ko sa mga narinig ko sakanya.
"Wha----"- Naputol ang sasabihin ko nang lakasan niya ang boses niya.
="2nd hindi mo ba nakikita? Masaya na si Kuya Calvin sa buhay na meron siya tapos ano? Eepal ka pa?"= She laugh sarcasticly. ="3rd ikaw din naman ang isang dahilan kung bakit naghiwalay kami ni Nathan at hindi ko ipagpapalit ang pamilya ko sa kahit anong bagay kahit si Nathan pa yan. Stop bitching! Ayusin mo nalang ang buhay mo pwede ba!"-Napakuyom naman ako nang kamao ko. How dare she na sabihan ako nang ganyan.
"Ang kapal nang mukha mo! Baka sabihin ko kay Calvin na kaya hindi mo sinabi sakanila na naging kayo ni kuya kasi alam mong magagalit siya sayo dahil magkapatid kami ni Nathan"- Tumawa naman siya nang malakas sa kabilang linya.
="Girl, sige sabihin mo magsumbong ka gusto mo samahan pa kita? Ikaw ang makapal ang mukha sating dalawa, Hindi tayo magkaibigan o close so wag ka nang tatawag sakin!"= Gusto kong guntingin ang bibig nang babaeng to! Biglang naman narinig ko ang boses ni Calvin na tinawag si Aly.
"Is that Calvin?"-Tanong ko sakanya.
="Mind your own business bitch!"- Tapos binabaan nako, Tinapon ko naman agad ang teleponong hawak ko at ang mga nadampot ko sa lamesa. Wala siyang pakinabang kailangan kong gumawa nang paraan para magkahiwalay silang dalawa. Gagawin ko ang lahat magkahiwalay lang sila!
ABEPov
Lumipas ang oras 8pm na nang gabi sobrang dami naming pinag-usapan about sa childhood nilang magpipinsan natutuwa ako dahil sobrang dami nang nalaman ko about kay Calvin.
"Aalis na kayo?"- Malambing na pagkakasabi ni Hannah tinignan naman namin siya bakas sa mukha niya ang sobrang lungkot dahil aalis na agad ang mga pinsan niya. Lumevel naman si Migo sa tangkad niya at ngumiti.
"Yong pinag-usapan natin ha"- Niyakap siya ni Hannah nang mahigpit napalambing at clingy ni Hannah maliban don ay sobrang bibo niya at cute 10 years old na siya pero para paring siyang baby, spoiled kasi siya sa ate niya.
Kumawala si Hannah sa pagkakayakap kay Migo at ngumiti.
"Hannah kahit 10 kana baby ka parin namin"- Sabi ni Calvin sabay gulo sa buhok niya yumakap naman siya kay Calvin.
"Talaga? So hindi muna kayo gagawa nang baby ni Ate Abe?"- Nanlaki naman ang mata ko nang sabihin niya yon tinakpan naman ni Aly agad ang bibig ni Hannah saka nagtatakang tinignan niya ang ate niya.
"Ayaw mo yon kapag may baby nako magiging ate kana?"-Pilyong pagkakasabi ni Calvin "Ikaw magbabantay at alaga sakanya katulad nang ginawa namin sayo dati"- Kitang-kita na sobrang kinaexcite ni Hannah ang sinabi ni Calvin siniko ko naman siya at nginitian niya ko.
"Sige.. Gusto ko baby girl ha"- Nan-init naman ang pisngi ko alam kong pulang-pula na ang mukha ko lumapit naman si Hannah at hinimas himas ang tiyan ko saka niyakap ako niyakap ko din siya.
"Aalis na kami baka anong oras na kami makauwi"- Paalam naman ni Migo nagyakapan na kami at nagpaalam sa isa't-isa sumakay ako sa kotse ni Calvin sila naman doon sa dala namin kanina kumaway pa samin ang mag ate at umalis na kami napangiti naman ako sobrang nag-enjoy ako ngayong araw na to.
"Diba sabi ko sayo gusto ko nang totohanin ang meron tayo"- Napatingin naman ako kay Calvin nang sinabi niya yon sinulyapan niya naman ako at ngumiti. Lumakas naman nang sobra ang tibok nang puso ko.
"A..anong ibig mong sabihin?"-Tanong ko sakanya hinawakan niya naman ang kamay ko.
"Ibig kong sabihin I want to meet you parents and personally ask their permission"-
BINABASA MO ANG
Let's Make it Real
RomanceStory between Abegail Garcia and Calvin Bueneventura, Babaeng naghanap nang magpapanggap na asawa niya para hindi mapahiya sa kaibigan niyang si Sonia, Hanggang pagpapanggap nalang ba sila or masasabi din nila someday na LET'S MAKE IT REAL Inspired...