Ceruz POV
" Ceruz anong ginagawa mo dito? " bungad sa akin ni Diane,ang nag-iisa kong kapatid sa kay Hepas.Kasalukuyan itong humahabi sa kaniyang silid.
" masama bang dalawin ng kanyang nakatatandang kapatid ang napakagandang dilag na ito? " nakangiti kong tugon rito habang papalapit sa kaniya.Napangiti na lamang ito at muling ibinalik ang kanyang atensyon sa ginagawa.
" anong iyong pinagkakaabalahan Diane? " tanong ko rito kahit alam ko naman ang ginagawa nito.Mahilig siyang maghabi at gawin itong damit.
" ano ang iyong sadya napadalaw ka? " diretsang tanong nito sa akin.Napabuntong-hininga na lamang ako.Hindi ko nga rin alam ang dahilan kung bakit ako nandito,ilang araw na akong wala sa katinuan,walang ganang kumain at hindi makapag-isip nang matuwid.
" iniisip mo pa rin ba siya? " patuloy ni Diane.Tinutukoy niya ba sa Dawi?." sino? " nagtataka kong tanong rito.
" si Akke " aniya.Natahimik ako.Hindi ko inaasahan na iyon ang tinutukoy niya.Si Akke ay ang aking kababata at ang Dyosa ng mga Bulaklak na siyang pinaslang ni Dawi at ang pinakamamahal ko.Nang mga panahong iyon,poot at pagkasuklam ang bumabalot sa akin ng mangyari iyon.Hindi ko inakalang magagawa ni Dawi ang paslangin si Akke.Hindi ko pinakinggan ang paliwanag niya at basta na lamang nagpasya ng hindi pinag-iisipan ang magiging kinahinatnan.Minahal ko si Dawi pero mas mahal ko si Akke.
Pinatay ng mahal ko ang pinakamamahal ko.
Bilang kaparusahan,itinapon si Dawi sa mundo ng mga mortal,tinanggalan ng kapangyarihan,ng alaala at karapatan bilang isang Dyos.Ngayon namumuhay siyang walang pinagkaiba sa mga mortal.
Nanatiling tahimik ako.Ayokong banggitin si Dawi sa harapan ni Diane sapagkat siya rin ay kinasusuklaman rin ito.
" wala dinalaw lang talaga kita " wika ko rito at tumayo na.Akmang lalabas na ako ng silid niya ng muli itong magsalita.
" kalimutan mo na si Dawi,siya ang dahilan kung bakit ang mga bulaklak ngayon ay hindi na katulad ng dati,kinasusuklaman ko ang makasalanang iyon " sa bawat salitang binibitawan niya,ramdam ko ang poot at pagkamuhi sa mga iyon.Katulad ko,napamahal na rin si Diane sa kay Akke.
" sampung taon Diane " iyon na lamang ang naiwika ko bago lisanin ang kaniyang silid.New POV
Bumangon ako sa pagkakahiga at agad na tinungo ang banyo.Kailangan kong umuwi sa probinsya.Sabado naman ngayon at ilang oras lang naman ang biyahe papunta doon.Kailangan ko itong gawin upang maliwanagan ako.
Nang gabing iyon may sinabi sa akin iyong magandang dilag.
" sampung araw Dawi " wika nito at bigla na lamang naglaho.
Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya sa sampung araw.Anong mangyayari sa sampung araw.Pagkatapos kong magpalit ng damit agad akong bumaba at lumabas na ng silid.Sakto naman ang pagdating ni Clide.
" saan ang punta mo? " nagtataka nitong tanong sa akin.
" uuwi muna ako sa amin " tugon ko na lamang rito habang nila-lock ang pinto ng apartment ko.
" samahan na kita " alok nito.
" hindi na,malayo iyon tsaka baka pagalitan ka pa ni Tita "
" ano ka ba ayos lang iyon,alam niya naman na ikaw ang kasama ko kaya hindi iyon mag-aalala " wika nito.Gusto ko pa sanang mag-protesta pero wala na akong nagawa kasi siya na talaga ang nangungulit sa akin.Naupo na lamang ako sa front seat at siya naman ay sinimulan niya nang buhayin ang makina bago lisanin ang lugar.Dumaan muna kami sa isang sikat na fast food para bumili ng aming makakain sa biyahe at pagkatapos ay tumuloy na kami.Habang nasa daan panay ang kuwento ni Clide tungkol sa mga bagay-bagay samantalang ako naman ay nilalamon nang matinding kaisipan tungkol naman sa mga nangyayari sa buhay ko.Ewan ko ba,pakiramdam ko parang may mali,parang may masamang mangyayari.
" hey New ang tahimik mo ata,kanina pa ako rito nagsasalita hindi mo man lang pala ako pinakikinggan " puna nito sa akin.Tiningnan ko lang siya sabay batok." inaantok ako " palusot ko na lamang.
" masakit iyon ah!sige matulog ka na muna,gigisingin na lang kita kapag nadoon na tayo " wika nito.Hindi na ako umimik pa at ipinikit na lamang ang aking mga mata." New gising na,nandito na tayo " dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.Agad na bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Clide.Inayos ko muna ang pagkakaupo ko at inilibot sa paligid ang mga mata.
" anong oras na ba? " tanong ko rito.Tiningnan naman nito ang suot na wristwatch.
" alas dos na " wika nito.Kinuha ko ang dala kong backpack at lumabas na ng kotse.
" halika na " anyaya ko sa kaniya.Lumabas na rin siya at sumunod sa akin.Agad kaming sinalubong ni Manang Rosal nang makapasok kami sa tarangkahan.
" uy hijo mabuti't napasyal ka? " masayang salubong nito sa akin.
" ngayon lang po kasi nagkaroon ng bakanteng oras " tugon ko rito habang nagmamano.
" nga po pala nandyan po ba si Mama? " tanong ko rito.
" ay oo nandoon sa balkonahe nagpapahinga,kumain na ba kayo? " tanong ni Manang Rosal.
" hindi pa nga po "
" sige puntahan niyo muna ang Mama mo at ako'y ipaghahanda kayo ng makakain " sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng bahay at kami ay dumiretso doon sa balkonahe kung saan nandoon daw si Mama.Malayo palang,kitang-kita ko na ang pigura ni Mama.Nakaupo ito sa silyang tumba-tumba habang nakatanaw sa malayo.
" Mama? " malambing kong tawag dito.Matanda na si Mama kaya medyo mahina na rin ang kaniyang pandinig.
" baka tulog " bulong sa akin ni Clide.Nilapitan ko na lamang ito at niyakap mula sa likuran.
" New?? " wika nito.
" ako nga po Mama " kumpirma ko.Humarap ito sa akin at pinaulanan ako ng mga halik sa aking pisngi.
" ba't naparito ka?may problema ba? " bungad nito.Napangiti na lamang ako sa inasta ni Mama.Kung sabagay nga naman bihira lang akong bumisita rito simula ng magkoliheyo ako.
" hindi Mama,na-miss ko lang po kayo " paglalammbing ko rito.
" sus na-miss raw " aniya.
" ay nga pala si Clide po,kaibigan ko po " pakilala ko sa kay Clide na nasa tabi ko.
" hijo mabuti't nakasama ka "
" hi po Tita,kaya nga po " puno nang paggalang na wika ni Clide.Kumain muna kami bago pumanhik sa itaas.Dito na kami magpapalipas ng gabi dahil maliban sa gusto kong makita si Mama,may isa pa akong mahalagang malaman na gusto ko manggaling mula sa kanya.
" magpapahanda lang ako ng meryenda " nagpaalam na muna sa amin si Mama at iniwan kami ni Clide sa dati kong silid.Alas kwatro na rin at tradisyon na rin dito na maghanda ng meryenda sa oras na iyon.
" ang hilig mo pala sa snowball " basag ni Clide sa katahimikan.Kasalukuyan akong nakaupo sa kama ko habang naglalaro ng online games.
" oo kapag dati lumalabas ng bansa sila Mama at Papa palagi silang may dalang snowball para sakin " paliwanag ko habang hindi inaalis ang mga mata sa screen.
" kapag nilalaro ko iyang snowball na iyan gumagaan ang pakiramdam ko,iyong pakiramdam na para siyang stress reliever sa parte ko " dagdag ko.Sa mga panahong hindi ko kilala ang sarili ko,iyang mga iyan ang karamay ko.