Chapter 67

547 25 4
                                    

Eiri POV

     Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at mabilis itong sinugod.Hinataw ko ang aking espada sa kanyang direksyon at lumikha ito ng malakas na pagsabog.Bagama't naiwasan niya iyon subalit hindi niya inaasahan ang aking biglang pagsulpot sa kanyang harapan.

Sunod-sunod na sipa ang aking pinakawalan kung saan tumama ito sa kanyang tigiliran.Tumilapon siya sa mga malawak na kapatagan,muli kong hinataw ang aking espada at lumikha ito ng malakas na pagsabog sa kanyang pinagbagsakan.

Habol ang hininga habang nakamasid sa makapal na usok.Nasa ganoon akong katayuan ng bigla ko na lamang naramdaman ang malakas na paghablot sa aking mukha at malakas na ibinagsak sa lupa.Halos bumaon ito sa lakas ng puwersang ginamit.

" pinakiusapan na kita " aniya habang paulit-ulit na ibinabaon ang aking mukha sa lupa.Agad kong hinablot ang kanyang braso at ibinagsak siya.Ngayon nagkapalitan na kami ng puwesto.Siya na ang nasa ibaba at ako na ang nasa itaas.

Sunod-sunod na suntok ang aking pinakawalan sa kanyang mukha at maging sa ibang parte ng kanyang katawan.Lumandas na sa kanyang labi ang gintong likido.

" hindi ikaw ang aking Ina!!! " singhal ko at buong lakas na sinuntok ito subalit maagap niya itong nasangga gamit ang kanyang kamao.Hinigpitan nito lalo ang pagkakahawak dito.

Dali-dali ako nitong sinipa kung saan pumailanlang ako sa himpapawid.Hindi pa man nakakakilos ay bigla na lamang itong lumitaw sa aking harapan at nagpakawala ng sunod-sunod na enerhiya sa kanyang tungkod.Huli na upang makagawa ng harang kaya naman tuluyan akong nilamon nito.

Isang malakas na pagsabog ang pumailanlang sa himpapawid.Di ko maramdaman ang aking katawan.Namamanhid ito na maging ang aking paghinga ay hindi ko marinig.

Nasa ganoon akong posisyon ng bigla na lamang lumitaw sa aking itaas ang babae sabay hataw ng malakas na sipa.Bumulwak ang napakaraming likido sa aking bunganga sanhi ng natamong pinsala.Tuluyan na akong bumagsak sa lupa at lumikha ito ng malakas na pagsabog.

Tinakasan na ako ng aking lakas subalit gising na gising pa rin ang aking diwa.Ang kabilang pisngi ko ay tuluyan ko ng hindi maramdaman.Para itong naging bato.Sunod-sunod na buntong-hininga ang kumawala sa aking bibig.Masyadong nakakapagod ang labang ito.

" binalaan na kita Eiri " wika ng isang pamilyar na boses.Hindi ko ito magawang lingunin sapagkat ang aking leeg at tila nawalan na ng kakayahang gumalaw.Kumalat na ang kanyang ipinataw na sumpa.Magmimistula ako nitong walang silbi.

Hinanap ko sa aking sistema kong may natitira pa akong lakas.Ngunit sa aking pagkadismaya ay naubos na ito.Wala na.Dito na magtatapos ang lahat.

Kung may ibang paraan pa sana upang magawa kong gumalaw.Pinanghihinaan na ako ng loob.Anong gagawin ko.

Bagama't nanghihina na dahil sa mga sunod-sunod na natamong atake mula sa kalaban,nilakasan ko pa rin ang aking loob.Naniniwala ako na may paraan pa upang matalo ang kalaban.

Nagawa kong maiangat sa lupa ang aking ulo subalit hindi pa man ito lubusang nakataas ay bigla na lamang itong tinapakan ng babae.Mabigat ang puwersang inilalabas niya.

" masyadong matigas ang iyong ulo " malamig niyang tugon habang nakatutok sa akin ang kaniyang tungkod.

Unti-unting lumiwanag ang dulong bahagi nito.Katapusan ko na.Wala na akong sapat na lakas upang makatakas sa kanya.

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata habang hinihintay ang susunod na mangyayari.Isa akong kabiguan para sa aming angkan at sa Gitnang Kaharian.Wala man lang akong nagawa.Mahina ako.Tama nga silang lahat na mahina ako.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon