Terra POV
Hindi ko alam kung paano napunta rito ang mga Vxien lalo pa't ang mga ito ay nabubuhay lamang sa Kaharian ng Kailaliman.Alam kong may isang responsableng nilalang sa likod nito.Kung sino man iyon ay kailangan namin mapigilan.
Kanina pa ako abala sa pagpuksa ng mga nakakadiring nilalang na ito ngunit hindi pa rin sila maubos-ubos.Kailangan maisara na ang butas ng sa gayun ay hindi na dumami ang mga ito at magkalat sa mundo ng mga mortal.Tumigil ako sa ginagawa ng mapagtantong di ko na matanaw ang aking mga kasamahan.Napalayo ata ako sa kanila.Hahanapin ko na lang sila mamaya.
Lumuhod ako sa lupa at ilang sandali pa ay nagsimula itong yumanig.Mula rito ay nagsilabasan ang hulmang taong mula sa lupa.Inutusan ko itong tulungan akong puksain ang mga nilalang na nagsisiliparan sa himpapawid.Nanatili akong nakatayo sa aking puwesto habang pinanonood ang mga Vxien na malayang lumilipad sa hangin di alintana ang mga ginagawa naming pagpuksa sa kanilang lahi.Bakit nangyari pa ito kung saan hinihintay na lamang namin ang pagbukas ng lagusan pabalik sa Gitnang Kaharian ng sa gayun ay tuluyan ng bumalik sa katahimikan ang lahat.
Sa totoo lang hindi ko inaasahan na magtitiwalag si Yula sa aming kaharian dahil ni minsan ay hindi ko man lang ito nakitaan ng kakaiba.Marahil ay may isang malakas na Dyos ang nagsulsol rito upang gawin ang bagay na iyon.Nalulungkot ako dahil sa kanyang sinapit subalit wala na akong magagawa rito dahil siya mismo ang gumuhit ng kanyang kapalaran.
Nasa ganoon akong kaisipan ng biglang binalot ng malakas na enerhiya ang paligid.Nagsitayuan ang aking mga balahibo sa lakas nito.Inilibot ko ang aking paningin sa paligid.Wala naman akong nakikitang kakaiba dito sa kapatagang aking kinaroroonan.Yung enerhiyang iyon.Parang pamilyar siya sa akin.Hindi ko lamang matanda kung kanino ito nanggaling o baka magkasing katulad lamang sila.
Isiwinalang bahala ko na lamang iyon at muling tumulong sa pagpuksa sa mga Vxien.Ikinumpas ko sa hangin ang aking kamay.Lumutang sa hangin ang malalaking tipak ng bato.Sunod-sunod ko itong ihinagis sa kumpulan ng mga Vxien sa himpapawid.Ganun lang nga ang ginawa ko sa buong oras kong pananatili rito.Medyo nakakaramdam na rin ako ng pagkabagot.
Pagpasensyahan nyo na ako sapagkat hindi ako katulad nila Ceruz at Dawi binibigyan importansya ang mga walang kwentang bagay na katulad nito.Mas matutuwa ako kung ang magiging kalaban ko ay may kakayahang bigyan ako ang magandang palabas.Simula ng maputol ang aking isang kamay ay tila mas nanaig ang kagustuhan kong makipaglaban sa kahit na sino.Hindi ko kasi matanggap ang kaparusahang iyon kaya siguro nagkaroon ng masidhing kagustuhan ang aking sarili na makipaglaban bilang pagbawi na rin ng nasirang dangal ko.
" ang lalim yata ng iniisip mo " napakislot ako ng marinig ang isang bilog at garalgal na boses.Biglang lumakas ang tibok ng aking dibdib.Hindi dahil sa kaba kung hindi dahil sa kasiyahan.Umangat ang aking mga mata sa itaas kung saan isang matipunong lalaking pinalilibutan ng naghahalong itim at kulay abo na usok ang katawan nito.Sumilay ang ngiti sa aking labi.Hindi nga ako nagkamali.Alam kong hindi natatapos ang laban na ito sa kay Polo dahil hangga't naririto kami sa mundo ng mga mortal ay may pagkakataon pa silang makuha sa amin ang Pusong Kristal ng Gitnang Kaharian.Sa kasamaang palad ay lalabanan namin sila hanggang kamatayan.
" di ko inaasahan na may munting panauhin pala akong darating " may halong pang-aasar ang bungad ko rito.Di naman nakaligtas sa aking mga mata ang pagtaas ng kilay nito na mabilis nya rin namang binalik sa dati nitong kinalalagyan.
" iyo sanang ipagpaumanhin ang aking ginawang kapangahasang pagpakita sayo ng walang paalam Ginoong Terra " sa pagkakataong ito ay nagulat ako dahil alam nya ang aking pangalan samantalang hindi ko man lang batid kung ano ang sa kanya.Tiningnan ko lang siya ng may halong pagtataka sa aking mga mata.
" ang pangalan ko'y Eztael " pakilala nya sa akin at unti-unting bumaba sa lupa.Lumapit ito sa akin at inilahad ang kanyang kamay sa aking harapan.Hindi ko tinanggap ang mga iyon kaya naman binawi nya rin naman ito kaagad.