Dawi POV
Agad naming nilisan ang lugar na iyon at iniwan si Tanglaw sa gitna ng labanan.May tiwala naman ako rito kahit ngayon ko palang ito nakilala.Tinungo namin ang lugar kung saan nararamdaman kong kinaroroonan ni Evan at Alexir.Ilang sandali pa ay nahanap na namin ito.Bumungad sa amin ang nagbabagsakang gusali at gumuhong mga lupa sanhi ng kanilang matinding labanan.Nakaramdam ako ng kaba ng biglang bumulaga sa amin ang napakalakas na enerhiya.Sandali akong natigilan ng dumapo ang mga mata ko sa isang pamilyar na nilalang.Hindi maaari,si Evan.
" Ceruz!Dawi! " narinig naming tawag sa aming pangalan.Boses iyon ni Alexir.Hinanap namin ito sa paligid hanggang sa matagpuan namin ito sa isang sulok.Nakaupo ito sa gumuhong pader kung saan marami na ring natamong mga sugat.Nanghihina na rin ito.Kaagad naman namin itong nilapitan.Ikinumpas ko ang aking mga kamay hangin hanggang sa unti-unting may namuong mga enerhiya.Hinawakan ko ang mga bahaging mayroong sugat sa katawan ni Alexir.Makaraan ng ilang sandali'y unti-unting humilom ang mga ito.
" anong nangyari? " usisa ni Ceruz.
" nakalaban namin ang Dyosa na nagngangalang si Cruna " sagot nito.Ang Dyosa ng Galit,madalas kong marinig ang pangalan nito noong ako'y minsang pagalitan ng aking Ama sapagkat tumanim ako ng galit sa aking mga kababata.
" hindi naman siya mahirap matalo hangga't malinis ang iyong puso subalit " sandali itong natigilan.Alam ko na kung ano ang sasabihin nito.Si Evan.
" subalit ano? " tanong ni Ceruz.
" si Evan,punong-puno ng galit ang kaniyang puso kaya madali itong napasailalim sa kapangyarihan ni Cruna " saad ko.Tahimik lamang ang dalawa habang nakikinig sa akin.Tuluyan nang humilom ang mga sugat ni Alexir at bumalik na rin ang lakas nito.Oras na para bumalik sa panig namin si Evan at tapusin ang labang ito.
" tapusin niyo na si Cruna at ako na ang bahala sa kay Evan " utos ko sa dalawa.Akmang pipigilan sana ako ni Ceruz subalit kaagad ko namang ipinaintindi sa kaniya ang sitwasyon ni Evan.Alam ko sa sarili ko na pinagkakatiwalaan ako nito sa kabila ng maikling panahong pagkakakilala namin.Hindi rin naglaon ay hinayaan na lamang ako nito sa gagawin.
Hinarap na nga namin si Cruna.Naglalalabas ng liwanag ang mga mata nito habang nakatingin sa kay Evan na tila minamanipula niya ang katawan at isipan nito.At sa pagkakataong ito'y tuluyang nagbagong anyo na si Evan.Lumabas na ang sinasabing diyablong nakakubli sa kaniyang katauhan dahil sa ginagawang pagmanipula nito.Naagaw namin ang atensyon nito at sa amin napabaling ang kaniyang mga mata.Unti-unting sumilay ang nakakalokong ngiti sa maninipis nitong labi.Mukhang nakilala niya na kung sino kami.
" nagtawag ka pa pala ng iyong mga kasamahan,baka sa susunod si Agos na ang pupunta rito para kalabanin ako,isang napakalaking karangalan iyon kung sakali " sabay hagikgik nito animo'y isang babaeng wala sa tamang pag-iisip.Sinamaan lang ito ng tingin ni Ceruz.
Pinag-aaralan ko kung paano makakawala sa kaniyang kapangyarihan si Evan.Alam kong hindi madali ito sapagkat nakatanim na sa puso ni Evan ang galit.Galit sa kaniyang pamilya,sa mundo at sa kaniyang kapalaran.
Bago pa tuluyang makalabas ang mga salitang bibitawan ko sana para sa kay Cruna ay agad na nagpakawala si Ceruz ng kaniyang kapangyarihan,subalit sa kasamaang-palad ay hindi nito natamaan si Cruna sapagkat kinontra ito ng kapangyarihan ni Evan.Muling umalingawngaw ang halakhak babae.
Madaling nagbagong anyo si Ceruz at inilantad ang kaniyang kasuotang-pandigma,maging si Alexir ay inihanda na rin ang kaniyang sandata.Humanda na rin ako.Hindi na kami nag-aksaya pa ng panahon at kaagad naming sinugod ang kalaban.Patungo sa direkson ni Cruna ang dalawa samantalang ako naman ay sa kay Evan.Huminto ako at panandaliang pinagmasdan ang anyo nito.
" Evan " mahina kong tawag sa pangalan nito.Napatingin ito sa gawi ko't nagkasalubong ang mga mata.Hindi sa akin nakatakas ang lungkot na naglalaro sa kaniyang mga mata kahit pilit itong kinukulong ng kaniyang galit.Wala akong ideya kung paano ko sisimulan ang laban na ito at tulungan siyang makawala sa kapangyarihan ni Cruna.
Dahil sa aking malalim na pag-iisip ay hindi ko namalayan ang biglaang pag-atake ni Evan.Kaagad ko naman itong nasangga subalit hindi iyon ang naging dahilan upang hindi ako mapaatras.Totoong malakas si Evan sa kaniyang bagong anyo pero kung magpapadala ako sa aking pagiging duwag ay walang magandang maidudulot ito sa akin at sa kaniya.Paumanhin subalit kailangan kong gawin ito.Ikinumpas ko ang aking sandata sa himpapawad at ilang sandali pa ay unti-unting may namumuong mga enerhiya sa pagitan ng dulo ng aking sandata at himpapawid.
Ito lang ang nakikita kong paraan upang madaling mapabagsak si Evan.Inihanda ko ang aking sarili sa gagawing pag-atake.Mula sa aking kinatatayuan,tanaw ko ang presensiya nito habang sinisimulang palibutan ng mga itim na usok.Itinaas nito ang kaniyang kamay sa himpapawid at mula rito ay mabilis na may namuong malakas na enerhiya.Malalakas ang mga ito.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis na pinakawalan ang aking kapangyarihan.Halos sabay kung pakasusuriin ang ginawa naming pag-atake.Tanging malakas na pagsabog lamang ang nilikha ng nagbabanggaang enerhiya.Napaatras ako ng bahagya dulot ng malakas na puwersa.Matapos ang malakas na pagsabog ay napuno ng maiitim na usok ang buong paligid.Hindi ko makita si Evan sa paligid.Iniikot ko ang aking mga mata sa paligid at pinakiramdaman subalit bago pa man ako makaiwas o makailag,namalayan ko na lamang ang pagdapo ng matigas na bagay sa aking sikmura.Napakalakas nito na halos dugo na ang lumalabas sa aking bibig.
Tumilapon ako sa isang wasak na gusali.Nakatihaya at nakatingin sa kalangitan.Dumidilim na ang aking mga mata.Pero hindi puwedeng ganito,hindi ko dapat sukuan si Evan.Pilit akong bumangon mula sa aking pagkabagsak.Inipon ko ang lahat ng aking lakas ko upang makatayo at sa kabutihang palad ay nagawa ko ring tumayo sa kabila ng nanghihina kong mga tuhod.
Inihanda ko na ang aking sarili para sa aking gagawing pag-atake.Ikinumpas ko ang aking kamay sa hangin at mula rito ay namuo ang mga tubig at nag-anyong mga galamay sa aking mga kamay.Agad kong sinugod si Evan at mabilis na iwinasiwas ang aking kapangyarihan patungo sa kanyang direksyon.Hindi nito nagawang makaiwas dahilan upang tumilapon ito di kalayuan sa aking puwesto.Patawad Evan.Sunod-sunod ang naging pag-atake ko at walang nagawang depensa si Evan laban sa aking kapangyarihan.
Akala ko matatalo ko na si Evan subalit nagkamali ako.Muli kong iwinasiwas ang aking kapangyarihan patungo sa kanya ngunit sa pagkakataong ito ay napigilan nya ang mga ito.Nagkasalubong ang aming mga mata at kitang-kita ko ang galit rito.Kinabahan ako bigla.Mas lalong lumakas ang enerhiyang bumabalot sa katawan ni Evan.Maipapantay na ito sa isang Dyos.
Evan.Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para lamang maisalba kita sa kapangyarihan ni Cruna.Natatakot ako para sayo sapagkat kapag tuluyan ka ng kinain ng kadilim sanhi ng poot at galit na namamayani sa iyong puso ay wala na akong nakikitang paraan upang tuluyan kitang ipaglaban pa.Ang mga salitang gusto ko sanang sabihin sa kay Evan subalit hindi ko na nagawa dahil huli na ng mapagtanto ko ang ginawang sunod sunod na pag atake sa akin ni Evan.Napakabilis ng kanyang mga galaw na halos lahat ng parte ng katawan ko ay kanyang natamaan.Bumagsak ako sa isang malalim na lawa.
Hindi ako makagalaw.Tila naparalisa ang aking katawan sa mga nagawang pag atake sa akin ni Evan.Hinayaan kong magpatianod sa nararamdaman.Unti-unti kong naramdaman ang kaginhawaang ibinigay sa akin ng tubig.Tila dinuduyan ako sa kanyang bisig kaya wala akong ibang ginawa kung hindi ang hayaan ito.Subalit bigla akong nilukob ng mga kaganapan kanina.Si Evan.Hindi ko na alam kung ano ang nararapat kong gawin upang maibalik sa dati si Evan.Diyos sa Kaitaas-taasan bigyan nyo po ako ng malinaw at malawak na pag-iisip ng sa gayun ay mailigtas ko si Evan mula sa kadiliman.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang isang pinong liwanag.Ito na ba ang sagot?Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at dali-dali ko itong nilangoy papunta sa kinaroroonan ng puting liwanag.Malapit na ako.Malapit na.Subalit nadismaya ako ng mapagtantong ang liwanag na iyon ay nagmumula sa sikat ng araw.Bagama't nanlumo ako sa nangyari,hindi ito naging hadlang upang mawalan ako ng lakas.
Sandali akong nag-isip ng maaari kong magamit na estratehiya laban sa kay Evan.Ito ang pagkakamali ko.Basta na lamang akong sumugod ng wala naman lang matibay na plano.Matapos ang masinsinang pag-iisip,inihanda ko na ang aking sarili.
Ibinuka ko ang aking mga kamay sa hangin at tila ninamnam ang hanging naglalaro sa paligid.Ngayon,magsisimula na ang tunay na laban at sisiguraduhin kong makakaalis ka mula sa itim na kapangyarihang bumabalot sayo Evan.