Chapter 17

2.3K 105 0
                                    

Ceruz POV

     " ngayong gabi na gaganapin ang ritwal para sa pagbabalik ni Dawi " balita sa akin ni Lean.

Kasalukuyan kong nilalaruan ang sandata ko sa hangin ng bigla na lamang itong magsalita.Itinigil ko muna ang ginagawa bago ito tinapunan nang tingin.
  
" kumain ka na ba? " tanong ko rito.Hangga't maaari ayoko munang marinig ang pangalan ni Dawi,sa tuwing naririnig ko iyon parang mas lalo akong nakakaramdam nang awa para sa sarili ko.
 
" hindi pa " aniya.Lumapit ako sa kaniya at inanyayaan siyang saluhan ako sa pagkain.

Lumipas ang mahabang oras at unti-unting nilalamon ng dilim ang natitirang liwanag.Tumungo na kami sa lugar kung saan gagawin ang ritwal sa pagbabalik ni Dawi na tinatawag namin sa pangalang Ybero,kung saan pinalilibutan ito ng mga makapangyarihang bato.

Sa pagkakataong ito,unti-unti akong nakakaramdam nang kaba.Sunod-sunod ang naging paglunok ko habang hinihintay ang mga susunod mangyayari.Biglang lumiwanag ang paligid at mula roon ay ilinuwal si Haring Agos.Nagbigay-galang muna kaming lahat bago ito umupo sa kaniyang trono.Binalot kaming lahat nang katahimikan.
   
" simulan na ang ritwal " aniya at ikinumpas ang mga kamay sa hangin.Lumitaw ang isang bilog na liwanag at lumipad ito patungo sa gitna ng tatlong batong nagkukumpulan at nanatili ito sa ganoong posisyon.Lumapit ang tatlong Ybe na tagabantay ng Ybero sa kinalalagyan ng liwanag.Ilang saglit pa,sinimulan na nila ang ritwal  sa pamamagitan ng mga pagbikas ng mga sinaunang salitang hindi namin maintindihan.

Habang tumatagal mas lalo pa itong lumiliwanag.Napansin ko ang mga Ybe ay nahihirapan na sa nangyayari.
  
" anong nangyayari? " nagtatakang tanong ni Lean sa akin.

" nahihirapan silang buhayin ang banal na katawan ni Dawi sa mortal nitong kaanyuan " paliwanag ko rito.
    
" paano kapag nabigo nilang magawa ang sinasabi mo?mananatiling mortal si Dawi kung ganoon? " aniya.Mas pinili ko na lamang na manahimik at itinuon ang atensyon sa nangyayari.
  
" Haring Agos kailangan namin ang iyong kapangyarihan! " wika ng tatlong Ybe.Ikinumpas ni Haring Agos ang kamay niya sa gawi ng tatlong Ybe at lumabas doon ang kapangyarihan nitong tinataglay.Mas lumiwanag pa ito na halos mabulag kami kung mananatili kaming nakatingin dito.Ilang saglit lang tumagal ang liwanag na iyon at bumalik na rin sa dati ang lahat.Unti-unti akong napamulat at tumambad sa akin si...

Halos lahat ng mga mata ay nakatutok sa isang lalaking walang malay habang nakalutang ito sa hangin at pinalilibutan ng mga mumunting liwanag.

Ang kaniyang anyo ngayon ay ibang-iba na kumpara noon.Hindi na gaanong mahaba ang buhok nito at hindi na rin kulay ginto.Ang kasuotan nito ay hindi na rin katulad ng sa amin.Napadako ang mga mata ko sa natutulog nitong mukha.Ganoon pa rin ang mga ito kahit lumipas na ang mahabang panahon.Nanatiling maamo pa rin ang mga ito.

 Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at napatingin sa paligid.Mababanaag sa mukha nito ang pagkagulat at pagtataka sa kaniyang palibot.Dahan-dahan siyang inilapag sa lupa.
   
" teka nasaan ako!sino kayo? " naguguluhan niyang tanong.Nakita ko sa mata niya ang takot at kaguluhan.Napatingin ako sa kay Ragun na kasalukuyang lumuluha pagkakita sa kaniyang anak.
  
" Dawi.. " wika ni Haring Agos.Nagtataka itong nakatingin sa kaniya.
    
" hindi ako si Dawi,ang pangalan ko ay New " protesta nito.Muling ikinumpas ni Haring Agos ang kaniyang kamay sa hangin habang sinasabi ang mga salitang ito.
  
" ikaw Dawi,Dyos ng Tubig ay muli kong ibinabalik ang iyong alaala at kapangyarihan,muli kang magiging isang Dyos at muli mong gagampanan ang iyong katungkulan " wika ni Haring Agos.

Binalot ng liwanag ang buo nitong katawan at sa sobrang liwanag na namayani rito'y halos mabulag kami.Napapikit na lamang ako at hinintay ang susunod na mangyayari.Ilang sandali pa'y bumalik na sa dati ang lahat.Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at halos lahat kami'y nagulantang sa bagong anyo ni Dawi.

Bumalik na sa dati ang kanyang kasuotan katulad ng sa amin.Maging ang kaniyang buhok ay bumalik na rin sa kulay ginto,hindi nga lang ito kasing haba katulad ng dati.Natigilan ako nang gumawi ang mga mata ko sa labi nito,wala sa sarili akong napalunok habang pinagmamasdan ang kaniyang labing kasing kulay ng mansanas.Animo'y inaakit akong hagkan ang mga iyon.
  
" Dawi! " sigaw ni Haring Agos dahilan upang muling magising ang natutulog na diwa ni Dawi.Dahan-dahan nitong iminulat ang kaniyang mga mata at pinagmasdan ang paligid.Nang mapansing nasa harapan niya si Haring Agos,ay agad siyang nagbigay-galang rito.Isang tanda na bumalik na ang kaniyang alaala't katauhan.
   
" Haring Agos " aniya.
 
" tumayo ka Dawi at harapin kami " tumayo ito at humarap sa aming mga Dyos.Nakaramdam ako nang kaba nang magtama ang aming mga mata.Wala akong maaninag na kahit isang emosyon mula rito,para itong tinakasan ng buhay at mananatili itong ganoon.
  
" maligayang pagbabalik Dawi! " wika ni Haring Agos hanggang sa bigla na lamang naging liwanag at naglaho.Nanatili kaming lahat sa ganoong sitwasyon.Walang gustong lumapit sa kay Dawi.

May kung anong bagay ang nag-uudyok sa akin na lapitan siya at yakapin nang mahigpit subalit parang hindi ko kayang gawin iyon sa ngayon.Nahihiya ako.Natatakot.Natatakot na baka hindi na ito ang dating Dawi na kilala ko noon.

Nakita kong nilapitan ito ni Ragun at binigyan nang mahigpit na yakap.Sinuklian niya naman ito ng isang mahigpit na yakap din.May ibang mga Dyos na nagpupuyos sa galit nang makita si Dawi samantalang may iba ring natuwa.Halo-halo ang mga iyon sa kumpulan.

Nagsimula nang magsaalisan ang ibang mga Dyos habang ang bukang-bibig ay ang kaganapan kanina.Alam kung maraming salungat sa naging desisyon ni Haring Agos pero katulad ko wala akong magagawa dahil hawak ni Haring Agos ang kapangyarihan ng Batas.
   
" hindi mo ba lalapitan si Dawi? " napatingin ako sa nagsalita.Si Lean.
 
" hindi muna sa ngayon,ayokong magpadalus-dalos " tugon ko rito at lumakad na palayo sa Ybero.Kakausapin ko na lamang siya kapag tuluyan nang namatay ang apoy.Alam kong galit ang namamayani sa puso niya ngayon.Baka nga siguro kinikitil na nito ang buhay ko sa isipan niya.

Wala akong magagawa roon kasi unang-una kasalanan ko naman talaga.Nagpadala ako sa bugso nang damdamin.Kilala ko si Dawi kaya natatakot ako na baka sa bandang huli ako ang may mali sa mga nangyayari.Matalino at walang inuurungan ito kaya hindi maikakaila na isa  siya sa mga mahuhusay na Dyos.

Nilisan na namin ni Lean ang lugar na iyon at bumalik na sa lugar kung saan magiging sandalan ko ngayong gabi.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon