New POV
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman dahil ilang weeks na ang lumipas subalit wala namang kakaibang pangyayaring naganap sa akin.Matutuwa ba ako o kabahan.
Bahala na nga lang.Kung patuloy kong iisipin iyon,baka dumating ang araw na isa na ako sa mga pasyente ng mental ospital.
Tsaka nga pala,nagkaayos na rin kami ng mga barkada ko.Sila ang naunang nag-approach sa akin at special mention na diyan si Clide dahil siya ang gumawa nang paraan upang mangyari iyon,humingi na rin ako ng paumanhin rito dahil ipinag-alala ko sila at sa mga ipinakita kong pag-uugali.At kahit medyo late na,nag-celebrate pa rin kami ng birthday ko at masasabi kong isa iyon sa mga hindi ko malilimutan.
Nandito kami ngayon sa cafeteria,nananghalian.Kompleto ang barkada kaya panay tawanan naman ang namayani sa grupo.
" anong plano niyo sa sabado " tanong ni Anika.Lahat kami'y napatingin sa kaniya at muli rin namang ibinalik ang atensyon sa pagkain.
" wala naman " tugon ni Ken.
" sa apartment lang siguro ako " sagot ko naman.
" birthday kasi ni Mama,punta kayo " imbita niya sa amin.Kilala naman kami ng mommy ni Anika kaya walang problema kung dadalo kami basta may pormal na invitation lang mula rito.Ang pangit kaya sa pakiramdam na pumunta ka roon tapos hindi ka naman imbitado.
" sige ba " masiglang tugon ni Clide.Nai-settle na ni Anika ang plano namin para sa sabado kaya naman nag-focus na kami sa aming pagkain.
Hindi muna kami umalis sa cafeteria pagkatapos naming kumain.Nagpahinga muna kami.Abala sa kaniyang cellphone si Ken at Clide samantalang abala naman si Wayne sa librong binabasa.Kami naman ni Anika ay nag-kukwentuhan lang ng kahit ano.
" saan mo nabili ang singsing na iyan?ang ganda " puna ni Anika sa suot kong singsing.Itinaas ko naman ang kamay ko upang makita nila.
" oo nga " sang-ayon naman ni Ken.
" akin na lang " sabi ni Anika.
" hindi puwede " agad kong tanggi rito tsaka ibinaba ang kamay.
" ano ba iyan ang damot naman " aniya sabay pout ng kaniyang labi.Sus akala niya madadaan niya ako sa ganiyan.Pasensiya siya pero mas cute ako mag-pout.Joke lang.Nagpatuloy lang kami sa aming mga ginagawa hanggang sa dumating na ang oras para pumasok na kami sa klase namin.Nilisan na namin ang cafeteria at tinungo ang daan papunta sa building ng aming departmento.
After ng mahigit apat na oras na klase,sa wakas ay natapos na rin.Napaunat na lamang ako nang magbigay na nang permiso ang propesor namin na umuwi na.Habang binabagtas ang daan palabas,panay ang discussion ni Wayne tsaka ni Anika tungkol doon sa topic namin kanina.Medyo hindi kasi naintindihan ni Anika kaya si Wayne ang kinukulit ngayon.
" dinner tayo " bulong sa akin ni Clide.Nagpatuloy lang ako sa paglakad.
" uyy sumagot ka naman " pangungulit nito.Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango rito.
" guys una na kami ni New " biglang paalam ni Clide sa barkada.Lahat naman sila ay nagkatinginan waring nagtataka sa biglang sinabi ni Clide.Hinatak na lamang ako ni Clide at mabilis na lumakad.Naiwan namang may mga pagtataka sa mukha ang tatlo.Pagdating sa parking lot,pinagbuksan ako ni Clide ng pinto.Ewan ko ba bigla akong nanibago sa inasta niya.Hindi naman ako babae para gawin iyon.At hindi rin ako nakaramdam nang kilig o ano pa man.
" Clide huwag mo nang gawin iyon next time ah " saway ko rito nang makapasok na sa loob ng kotse nito.
" bakit naman?ayaw mo bang nagpapaka-gentleman ako? " aniya habang binubuhay ang makina ng kotse.
" basta,hindi lang ako sanay " hindi na lamang ito nagsalita aa halip ay nagmaneho na lamang palabas ng parking area.Dinala ako ni Clide sa isang mamahaling restaurant.Sabi ko nga sa kanya kahit sa fast food na lang ayos na iyon basta maitawid lang namin ang pagkagutom.Ayon na nga,pagpasok pa lang namin medyo nakaramdam na ako nang pagkailang.Maraming mga matang nakapukol sa amin,mga matang mapanghusga.Hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy na lamang sa pagsunod sa kay Clide.Dinala kami ng isang waiter sa medyo hindi-mataong table.Pang-social ang kainang ito kaya kailangan kilos-social rin.Naupo na ako at inobserbahan ang paligid.Hindi na ako nag-abala pa sa pag-aasikaso nang aming makakain namin dahil halos si Clide na lahat ang umorder.
" okay ka lang? " tanong nito ng mapansing parang hindi ako komportable sa kinauupuan ko.
" huh?ahhh okay lang ako medyo naninibago lang ako " tugon ko rito.Mga ilang minuto pa ang lumipas,dumating na ang pagkain namin.Nagsimula na kaming kumain.Habang nasa kalagitnaan ng aming pagkain,bigla akong natigil sa ginagawa nang makaramdam ako nang kakaiba.Pakiramdam ko unti-unting bumigat ang enerhiyang nakapalibot sa amin,animo'y hinihigop nito ang aming lakas.Napatingin ako sa kay Clide na maganang kumakain at tila wala namang nararamdamang kakaiba.
" Clide wala ka bang nararamdamang kakaiba? " nagtataka kong tanong rito.Tiningnan naman ako nito sabay iling.
" wala naman akong naramdamang kakaiba sa paligid,medyo malamig lang sanhi ng aircon,teka may sakit ka ba? " wika nito.Unti-unti kong naramdaman ang pamumuo ng mga pawis sa noo ko maging sa aking leeg.Ano bang nangyayari sa akin?.Ano itong nararamdaman kong hindi ko maintindihan?.Pakiramdam ko umiikot ang buong paligid at ang katawan ko naman ay parang paralisado.Nagpaalam muna ako sa kay Clide na gagamit ng banyo.Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakaupo pero bigla na lamang ako natumba.Alam kong nagsitinginan ang mga tao sa amin pero sa ngayon hindi ko muna sila papansinin.Mas pagtutuunan ko nang pansin ang nangyayari sa akin.Agad akong nilapitan ni Clide at inalalayang tumayo.
" ayos ka lang ba? " wika nito.Hindi ko alam kung mahina lang ba ang pagkakasabi niya niyon o sadyang unti-unting nawawala ang pandinig ko.Ang mga mata ko ay unti-unti nang lumalabo kaya napapahawak na lamang ako sa braso ng selya.
" ayos lang ako " tugon ko rito at mabilis na umalis.Pagdating ko sa banyo,agad ko itong isinira at bigla na lamang napaupo.Unti-unti kong nararamdaman na parang nilalamon nang kakaibang lamig ang buo kong katawan.Mga lamig na nananalaytay sa mga kaugatan ko.Napasabunot na lamang ako sa aking buhok ng bigla itong umakyat.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumigaw at dumaing sa sakit at kakaibang nararamdaman.
" New!ayos ka lang ba?New buksan mo itong pinto!! " narinig ko pang sigaw ni Clide mula sa labas.Pakiramdam ko isa na akong lantang gulay.Hindi ko maigalaw ang katawan ko o kahit mismo ang pintig ng puso ko ay hindi ko na marinig.Nanatili akong nasa ganoong sitwasyon ng bigla na lamang...
" AHHHHHHH!!!!! " sigaw ko nang ubod nang malakas ng hindi ko na makayanan ang misteryosong nangyayari sa aking katawan.